CHAPTER: 4

1377 Words
Simula ng nagtapos ako ng kolehiyo, tila ba isang magandang panaginip ang aking buhay. Ang pag pasa ko sa LET examination ay isang tagumpay na matagal kong pinangarap. Isang taon na akong guro sa isang pampublikong paaralan, at sa bawat araw na lumilipas, mas lalo akong nagpapasalamat sa biyayang ito. Hindi madali ang paghahanda para sa LET. Maraming gabing kulang sa tulog, maraming librong binasa, at maraming pagsubok na aking hinarap. Pero ang determinasyon ko na maging isang guro, ang pangarap kong makapaglingkod sa aking bayan sa pamamagitan ng pagtuturo, ang nagbigay sa akin ng lakas upang magpatuloy. Hindi man ito ang pangarap ko na kurso noon, maging daan naman ito para maging masaya ako at nakatulong sa mga tao. Naaalala ko pa ang araw na nalaman kong nakapasa ako. Parang tumigil ang mundo. Hindi ko maipaliwanag ang saya at ginhawa na aking nadama. Agad kong tinawag ang aking mga magulang upang ibahagi ang magandang balita. Ang kanilang mga ngiti at pagmamalaki ang pinakamalaking gantimpala para sa akin. Ang pagtuturo sa isang pampublikong paaralan ay hindi lamang trabaho para sa akin. Ito ay isang misyon. Nakakatuwa makita ang mga batang puno ng sigla at pag-asa. Ang kanilang mga ngiti, ang kanilang mga tanong na paulit-ulit, ang kanilang mga pag-unlad, lahat ng ito ay nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang maging isang mas mabuting guro at tao. Dahil talagang nasubok ang aking pasensya. Pero hindi lahat ay madali. May mga araw na nakakapagod, may mga araw na nakakadismaya. May mga estudyanteng pasaway, may mga magulang na mahirap pakisamahan. Ang pagbabago na aking nakikita sa aking mga estudyante, ang kanilang pag-unlad, ang kanilang tagumpay—ito ang nagpapalakas sa aking loob upang magpatuloy. Sa aking isang taon sa pagtuturo, natutunan ko na ang pagiging isang guro ay higit pa sa pagtuturo ng mga aralin sa aklat. Ito ay tungkol sa pag-aalaga, paggabay, at pag-inspire sa mga kabataan. Ito ay tungkol sa pagiging isang huwaran, isang kaibigan, at isang tagapagturo. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo akong nagiging handa at determinado na gampanan ang aking tungkulin bilang isang guro. Pero nahahati ang puso ko, sa pagtuturo na minahal ko na o sa negosyo na una pa lang, pangarap ko na. Sa hindi inaasahan na pangyayari, naaksidente si Papa sa bukid. Dumulas ang paa nito sa inaapakan na lupa at nagpagulong-gulong siya, na ang resulta ay hindi na siya nakakalakad ngayon. Si Mama naman ay matanda na rin at hirap na kumilos. Ang kapatid ko naman na si Lando, nagkanda kuba na kakatrabaho, dahil puro panganay ang mga anak. May kinakasama naman ngayon, pero hindi pa daw niya sigurado kung magtatagal sila, dahil daw masyadong bungangera. Hindi ako makapag concentrate sa aking pagtuturo na isang tambak ang lesson plan. Napapansin ko rin na nangiging bugnutin ako, dahil nga sa iniisip ko ang aking mga magulang. May ipon ako sa bangko, yun ang nagamit ko noon para sa operasyon ni Papa sa ulo niya na tumama sa bato. Ang mahirap lang, ayaw nila dito sa patag manatili, kaya't lagi na lang may kaba ang aking dibdib, dahil medyo malayo sila sa akin. Mag-isa lang ako sa aming bahay, dahil ayaw naman ako kasama ni Lando, naririndi daw siya sa bunganga ko. Kaya't nakabili siya ng maliit na lupa sa hindi kalayuan, yun ang ginawa niyang hide-out kasama ang mga babae niya. Himinga ako ng malalim bago humakbang papasok sa paaralan kung saan ako nagtuturo. Malungkot man ako, pero kailangan ko bitawan dahil nawala ako sa drive ng pagtuturo. Pero ang sabi ng aming punong guro, anytime ay pwede ako bumalik, siya ang maglalakad sa head office. Matapos ko mag resign, natutukan ko ang aking negosyo. Naging dalawa ang aking tauhan at masasabi ko na tumaas ang kita ko sa nakalipas na mga taon. Na feautured na rin kami ng ibang mga vloggers, naging matunog ang Mardy’s Caffee. Pero sa isang iglap, nawala ang lahat. Dahil ang isang tauhan ko, kasangkot sa inside job na naganap. Napakulong ko man siya at ang ibang nanloob sa aking maliit na negosyo, pero naging simula naman ito ng pagkalugi ko. Ngayon ay nakaupo ako sa harap ng aking bahay. Iniisip ko ang mga nakakapanghina na pangyayari sa aking buhay. Mayroon na lang akong humigit kumulang fifty thousand pesos sa bangko. Hindi ko pwedeng galawin, dahil baka may mangyari na naman kay Papa o kay Mama, kahit paano may mahuhugot ako. Medyo nagsisi ako sa ginawa ko na iwan ang pagtuturo, pero masaya naman ako, dahil kahit papano naalagaan ko ang aking mga magulang. Wala na ang guilty na pakiramdam araw-araw, na dala ko noong nagtuturo pa ako. “Ano ng plano mo ngayon anak?” napalingon ako sa tanong na ‘yun. Natatandaan ko, isang araw bago ang graduation ko ng college, ganyan din ang tanong sa akin ni Mama. “Ano pa po, edi papasok ako sa club doon sa bayan. GRO ba, easy money! Kindeng-kindeng lang kahit matigas ang katawan. Aba! Sayang naman ang dibdib ko na ‘to, kahit hindi kalakihan, may lalamasin pa rin naman dito,” nakangiti na sagot ko sa aking ina. May tungkod ito na hawak, mabuti na lang nailagan ko. Dahil ng huling hinampas ako nito, pumasa din. Maputi kasi ang kulay ng balat ko, na namana ko daw sa side nila Papa, na lahing kastila. Sabi naman ni Mama, may lahi din daw silang Kastila, kaya ayun. Mixed breed na siguro ako. Kaya hindi ako mukhang pinay, mabuti na lang hindi katangusan ang ilong ko. Na sabi nila, bagay naman sa aking mukha na maganda. “Puro ka kalokohan, Mardy! Matanda ka na, mag seryoso ka na sa buhay,” bakas sa mukha ni Mama ang pag-aalala sa akin. “Sige Ma, lalandi ako habang masarap pa ako!” sagot ko dito na sa pagkakataon na ‘to, hindi ko na nailagan pa ang kanyang tungkod. “Aray naman! Bakit ba kasi kayo nanghahampas! Ang dami ng anak ni Lando, bakit sa akin kayo nanghihingi. Wala pa nga akong nakikita na lalaking magpapatibok ng pekpek ko ‘e, este puso pala!” pasigaw na sabi ko kay Mama, habang hinahaplos ko ang aking binti na nasaktan. “Diyan ka magaling, sa kalokohan at sa pagsagot sa akin. Di porque ikaw ang bumubuhay sa amin, gaganyanin mo ako. Aba! Anak lang kita, umayos ka Mardy! Sino ang hindi mag-aalala sayo, trenta ‘y kwatro ka na! Malapit na mag expired ang bahay bata mo. Matutuyot na ang pekpek mo na mapili.” Hindi na ako umimik pa sa sinabi ni Mama. Ito talaga ang problema sa bansa natin, kahit pekpek ng iba, pinoproblema pa nila. Kapag mga kapitbahay ang nagsasabi sa akin ng mga personal na bagay, binabalik ko sa kanila na sila nga walang mapakain sa mga anak nila. Pero kapag si Mama na o si Papa, dinadaan ko na lang sa biro ang lahat. Iniwan ko si Mama na nakatayo sa labas. Halata na nag kunsumido ito sa akin. Maging ako, nag-aalala din naman sa buhay ko. Bukod sa hindi na ako bumabata, wala pa akong pera. Wala pa akong naging kasintahan, ayaw ko naman mamatay na birhen. Kung d***o pa lang nga masarap na, what more pa kaya kung totoo. Kahit desperada na ako, ayaw ko naman maging pakawala. Isa pa, kilala ako sa bayan namin. Pagpasok ko sa loob ng aking silid, tinitigan ko ang aking mukha sa malaking salamin. Sinuyod ko ang aking kabuohan. Maganda at sexy pa rin naman ako. Yun lang nga, medyo malungkot lang ang buhay. Parang wala akong patutunguhan, minsan iniisip ko kung ano ba ang plano sa akin ng Panginoon. Maging breadwinner lang ba at alagaan ang aking magulang? After nito ano pa kaya. Alam ko naman na matanda na sila Mama at Papa, sooner or later iiwan na nila ako. Yun ang reyalidad ng buhay, paano na ako kapag nagkataon. Habang nakaupo ako, hinila ko ang isang dyaryo na rasyon sa akin ng bata na nagbebeta sa akin araw-araw. Matanda na talaga ako, dahil ang libangan ni Papa noon na crossword puzzle, ako na ngayon ang nahihilig. Pagbuklat ko sa pahina, nakita ko na hiring ang kumpanya ni Mr. Castillo, kailangan ng secretary. Pagtingin ko sa mga qualifications, mukhang pasado naman ako sa palagay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD