Pagkagising ko pa lang ay nakangiti na ako. Bukas ay graduation ko na. Nag-inat ako ng aking katawan at tumingin sa maliit na bintana ng aking silid. Halos kumalat na ang liwanag ng araw, isang mainit at maliwanag na umaga, hudyat na kailangan ko ng bumangon at simulan ang huling araw ko bilang isang estudyante.
Ngumiti ako na abot-tenga, at tumayo. Humakbang ako patungo sa bintana, ang mga paa ko'y parang lumulutang sa gaan ng aking pakiramdam.
Pinuno ko muna ng sariwang hangin ang aking baga, ang simoy ng umaga ay tila isang himig na nagpapaalala sa akin ng lahat ng pinagdaanan ko. Pagkatapos, tumalon-talon ako, isang simpleng sayaw ng pagdiriwang, para tuluyang magising ang inaantok ko pang diwa.
Bumaba ako sa hagdan, ang bawat hakbang ko ay hindi ko talaga maitago ang saya. Naamoy ko ang masarap na almusal na inihanda ni Mama. Ang paborito kong champorado at tuyo. Naupo ako sa mesa.
Para akong naluluha, na nagpapasalamat sa lahat ng pagpapala na natanggap ko, mula sa Panginoon.
Habang kumakain, ibinalita ni Mama ang mga latest chika sa barangay, ang mga tsismis, ang mga pangyayari sa paligid. Hindi naman lumalabas ng bahay si Mama, pero dahil may tindahan, automatic, chismis ang lumalapit.
“Si Nene anak, buntis na pala. Kaya pala hindi makaka-akyat ng stage bukas. Nagawa niyang itago ang kanyang pagdadalang-tao. Kahapon lang nalaman ni Fely ang totoo. Dahil dinugo daw habang nagpa-practice para sa graduation ceremony ninyo bukas.”
Naintindihan ko ang kwento ni Mama, aware ako sa nangyayari sa paligid. Sadyang wala lang ako pakialam, dahil alam ko na sa susunod na mga araw, mangungutang na si Aling Fely kay Mama.
Isa pa, ang isip ko'y nasa kinabukasan ko lang nakatuon at sa pamilya. Hindi ko alam kung masama ba ang ganitong pag-uugali, na walang pakialam sa ibang tao.
Matapos mag-almusal, nag-ayos na ako ng aking gamit. Pinili ko ang aking pinakamagandang school uniform. Naalala ko, matatapos na ang serbisyo nito sa akin. Ilang taon din na iniwasan ko kumain ng magana, dahil ayaw ko mag sikip ang school uniform ko na libo ang halaga.
Habang isinusuot ko ito, naalala ko mga puyat ko at gutom na tiniis. Ang mga gabing ginugol ko sa pag-aaral, ang mga araw na pinaghirapan ko ang aking mga takdang aralin, ang mga pagsubok na aking hinarap.
Lahat ng ‘yun ay parang isang panaginip na lang ngayon at nagiging makatotohanan na ang plano ko sa buhay.
Pagdating ko sa paaralan, abala ang lahat sa paghahanda para sa graduation. Ang mga kaklase ko'y masaya at excited din. Nagkukuwentuhan kami, nagtatawanan, at nagbabalik ang mga alaala.
Naalala ko ang mga masayang sandali, ang mga pagkakaibigan na nabuo, at ang mga aral na natutunan ko sa loob ng apat na taon.
Hindi na ako pumasok sa trabaho dahil nagpaalam na ako kay Mr. Castillo. Nagpasalamat ako sa lalaki na tumulong sa akin na mahaba ang pasensya tuwing late ako na pumasok, dahil may mga groupings at homework ako na inuna tapusin.
“Proud ako sayo, Mardy. Kung may kailangan ka pa, wag ka mahiya na magsabi sa akin. Itong burger bliss ay mahalaga para sa akin, dahil ito ang unang negosyo ng aking magulang. Kaya't kahit abala ako sa kumpanya, hindi ko ito magawa na ipasara.
Kapag nabigo ka sa mga plano mo sa buhay, alam mo kung saan ako pupuntahan. I'm one call away, tutulungan kita. At alam mo na bukas ang pinto ng burger bliss at ng kumpanya ko para sayo,” nakangiti na sabi ni Mr. Castillo na niyakap ko.
Hindi ko na pinahaba pa ang usapan dahil nalulungkot na rin ako. Inismiran ko lang si Lana at ang iba ko pa na katrabaho. Mabigat man ang dibdib ko na iwan sila, kailangan ko sumulong sa buhay.
Dahil hindi natatapos ang buhay ko sa pagiging service crew. Gusto ko din umasenso sa buhay at pakinabangan ang pinaghirapan ko ng ilang taon.
Napakabilis nga ng oras. Parang natulog lang ako literal at heto na nga. Dumating ang oras ng seremonya. Habang naglalakad ako sa entablado, nakita ko ang mga magulang ko, ang kapatid ko, at ang aking mga kaibigan na nakangiti at naghihintay sa akin.
Ramdam ko ang kanilang suporta at pagmamahal. Nang tanggapin ko ang aking diploma, isang buhos ng emosyon ang naramdaman ko. Ang saya, pagmamalaki, at pasasalamat sa Panginoon.
Pagkatapos ng seremonya, nagkaroon ng salu-salo sa bahay. Kumain kami habang nagtatawanan, at nagpaalam sa isa't isa. Nagkatay kasi si Papa ng isang buo na baboy at katulong ang mga kapitbahay na naghanda.
At sa pagtatapos ng araw ng aking graduation, habang nakaupo ako sa aking kama, nakangiti pa rin ako. Ang araw ng aking pagtatapos ay isang araw na hindi ko malilimutan.
Nakahilata lang ako sa loob ng aking silid. Sa loob ng apat na taon, puro trabaho at paaralan lang ang iniintindi ko, ngayon ay parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod.
Napatingin ako sa mga foster na nakadikit sa aking dingding. Kung hindi dahil sa mga macho na lalaki na ‘to at mga gwapo. Hindi sana mataas ang standards ko sa lalaki.
Sa high school, naging mahirap sa akin ang tumanggap ng manliligaw . Hindi katulad ng mga ka edad ko na kung sino manligaw, sasagutin agad.
Kahit marami ang nagkakagusto sa akin, lahat ng lalaking nakilala ko ay tila hindi umabot sa aking standards. May kulang palagi. Masyadong payat, masyadong pandak, masyadong pangit, masyadong tahimik, masyadong maingay, palagi na lang may kulang.
Pagtungtong ko ng kolehiyo, nagsimula na akong mag-isip ng iba. Naisip ko na baka hindi naman talaga perpekto ang mga lalaking nasa mga poster. Baka may mga flaws din sila.
Baka may mga imperfections din sila. At baka nga, ang paghahanap ko ng perpektong lalaki ay isang paghahanap ng isang bagay na hindi naman talaga umiiral.
Hanggang sa lagi na lang may mga manliligaw sa bahay ako na naabutan. Naging kakuwentuhan pa nila Mama at Papa ang iba. Ang iba naman ay naging tropa pa ni Lando. Pero ewan ba, wala talagang nakapasa man lang sa hinahanap ko.
Naging sanhi ito ng pagkadismaya ko, kaya't nawalan na talaga ako ng gana. Hindi ko din alam kung bakit ba ang taas ng standards ko. Bakit ba kasi ang hirap humanap ng lalaking umabot sa aking inaasahan.
Yung tipo ng lalaki na ibabalibag ako sa kama. Yung tipo ng lalaki na parang sa mga telenobela, yung kaya ako buhatin gamit ang isa lang na braso. Yung titig pa lang, namamasa na ang pekpek ko.
Napabuntong hininga na lang ako. Heto ako at nangangarap na naman ng gising. Minsan, naisip ko na baka may mali sa akin. Baka masyadong mataas ang tingin ko sa aking sarili. Baka masyadong mapili lang ako at hindi naman kagandahan. Pero hindi ko kayang baguhin ang aking sarili.
Kaya dahil sa curious ko sa buhay, dalawang taon na sa lagayan ko ng damit ang laruan ko na d***o. Hindi ko alam kung bakit naisip ko bumili nito sa online. Katakot-takot na kaba ang naramdaman ko ng ideliver ito sa bahay.
Mabuti na lang at naka box at nakadiscreet. Hindi katulad ng isang review ng bumili, walang box at hugis alaga talaga ng lalaki ang nakalagay sa plastik.
Nagtatanong sila Mama kung ano daw ‘yun, mabuti na lang at sa botika, nakabili ako ng pabango na medyo ka hugis ang takip. Kaya't yun ang ipinakita ko sa kanila. Hiningi pa nga ni Mama at nagustuhan ang matamis na amoy.
Matapos ko kargahan ang battery ng laruan, pinindot ko ito at gumalaw ng gumalaw. Sa gulat ko, nahagis ko pa sa dingding.
“Ano ba ang ingay na ‘yan, Mardy? Kung gising ka na, bumaba ka na at mag-almusal ka na.” hindi ko sinagot si Mama, kunwari tulog pa ako.
Nanginginig ang mga kamay ko na dinampot ulit ang laruan sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko, dahil ni save ko sa aking cellphone ang p*rn videos na sinisend ng mga classmates ko na pasaway sa group chat namin.
Pinindot ko ang mute ng cellphone at pinindot ko ang play ng video. Habang nanonood ako, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Para akong lalagnatin na hindi ko mawari. Parang may pumipintig sa ibaba ko at parang basa.
Dahil nakasuot lang naman ako ng pantulog na sando at panty, mabilis ko kinapa ang aking pagkaba**e. Napakagat-labi ako ng makiliti ako at confirmed na basa nga.
Pinagana ko ang laruan at katulad sa ginagawa ng babae sa video, ginaya ko. Bumukaka ako at itinapat ang dulo sa aking mani. Halos tumirik ang aking mga mata ng magsimula ng mag vibrate ang d***o.
Takip ko ng aking kamay ang aking bibig at pinipigilan ko na sumigaw sa sarap. Hingal na hingal ako matapos ko labasan ng parang tubig at nabasa ang aking kobre kama.
Nakatulala lang ako matapos ko gawin ang aking kalokohan. Ni minsan, hindi ko naisip na gawin ‘to. Pero masasabi ko na masarap sa pakiramdam. Kanina para akong nanlalata at tinatamad, ngayon ay parang sumigla sigla ang katawan ko.
Inayos ko na ang laruan at kaagad ako nagpalit ng aking panloob. Inalis ko rin ang kobre kama at pinalitan ng bagong sapin ang aking katre. Ang plano ko na konting linis lang, na tuluyan sa general cleaning. Maging sa baba ng bahay, nilinis ko rin.
“Aba! Anong meron Ate, bakit ang sipag mo?” tanong ng kapatid ko na walang silbi sa loob ng bahay.
“Wag mo ako simulan, Lando. Ngayon na marami na akong oras para makita ang ginagawa mo na katamaran araw-araw, tingnan natin kung hindi ko butasin ang mga bola na collection mo.
Pinabayaan mo lang pala si Mama ang magligpit dito. Matapos mo kumain, aalis ka na. Feeling mo yata sa restaurant ka kumain. Kung ganun, dapat magbayad ka!” malakas ang pagkakasabi ko sa aking kapatid na nag kamot na lang ng kanyang ulo.
“Hindi ka naman pinagbabawalan, pero sana alam mo ang tungkulin at obligasyon mo dito sa bahay. Hindi kasambahay si Mama at lalong wala kang pera na pambayad sa serbisyo niya,” naiinis na sermon ko pa.
“Oo na, Ate. Nakakahiya ang bunganga mo, ang ingay. Baka asarin pa ako ng mga tropa ko ‘e,” namumula ang mukha nito na sabi.
“Ang mga bagay na nakakahiya, hindi mo dapat ginagawa. Kung ayaw mo masermunan, umayos ka!” huling sabi ko sa aking kapatid na siya ang inutusan ko na magpatuloy ng paghuhugas ng mga pinggan.
Bumalik ako sa aking silid at nadaanan ko pa si Mama na nakangiti at naka thumbs-up. Dahil si Mama, hindi ito mahilig mag bunganga. Mas gusto niya kumilos kaysa mag-ingay. Sorry na lang ang kapatid ko, ako ang naging Ate niya.