CHAPTER: 2

1069 Words
Nakaupo si Mama sa likod-bahay, tumabi ako dito dahil day-off ko. Sinadya ko na walang gagawin sa araw na ito, para kausapin ang aking ina. Malapit na ang graduation ko at ilang araw na lang. “Anak, ano’ng plano mo?” tanong sa akin ni Mama habang nakangiti ng maaliwalas. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Pero may plano na ako na gusto ko gawin sa mga susunod na buwan. Gusto ko ng maliit na coffee shop, malapit sa tindahan ni Mama. Hindi basta coffee shop, kundi isang lugar. Isang tambayan para sa mga estudyante, mga trabahador, at mga tao sa bayan namin. Isang lugar para magpahinga, mag-usap, at uminom ng mainit na kape at kumain ng masarap na homemade burger na abot kaya ng mga tao dito ang presyo. Iniimagine ko na ang itsura at excited talaga ako. Maliit, pero maaliwalas. May malaking bintana para sa natural na liwanag, mga mesa at upuan na gawa sa kahoy, simple pero komportable. May isang sulok na may mga libro at board games para sa mga gustong mag-relax at mag-isip. Ang pader ay palalagyan ko ng mga maliwanag na kulay, siguro puti at earth color, na may mga simpleng disenyo. At syempre, ang bango ng sariwang inihaw na burger patties at ng mabangong kape ang sasalubong sa mga papasok. Plano ko rin maglagay ng grilled na balot at penoy. Siguro, kukuha na lang ako ng isang assistant na sasahuran ko ng daily or weekly. Para di mabigat sa bulsa. “Magtatayo po ako ng coffee shop, Ma, katabi ng tindahan ninyo,” sabi ko. “Maraming dadaan diyan, lalo na mga estudyante. Magbebenta rin po ako ng homemade burger, yung juicy at flavorful, hindi yung ordinaryo lang.” Iniisip ko na ang recipe ko, secret blend ng spices para sa patties, at special sauce na tiyak na magugustuhan ng lahat. Mga natutunan ko sa pinasukan ko ngayon na trabaho. Pero kinakabahan ako dahil twenty thousand pesos ang kailangan ko. Malaki, pero kaya siguro. Gamit ko ang 13th month pay at sahod ko. May pera din ako na ipon, kaya't alam ko sobra pa ang meron ako. “Pasensya na po, Ma, hindi muna ako makakapag bigay ng pera para sa inyo,” sabi ko. “Ayos lang ‘yan, anak! Magandang idea ‘yan. Pagod na pagod na ako sa tindahan. Balak na namin ng Papa mo, sa bukid na lang kami pagkatapos ng graduation mo. Magtatanim na lang kami. Masakit na rin ang rayuma ng iyong ama. Huwag mo na kaming isipin, sarili mo na lang muna. May pera naman kami para sa pag-aaral ng kapatid mo. Sige lang, ituloy mo ang plano mo.” Niyakap ko si Mama at hinalikan sa noo. “Salamat po, Ma,” sabi ko. Pagkatapos ng graduation, kukuha ako ng LET exam. Kung pasado ako, magtuturo ako sa araw at magtitinda sa gabi. Maganda ang pwesto ng bahay namin, daanan ng tao. “Paano pala si Lando Ma?” tanong ko muli sa aking ina. “Dito pa rin siya sa bahay. May takot naman sayo ang kapatid mo. Kaya't alam ko na hindi magiging pasaway ang bata na ‘yun. Sa araw ng sabado, sa bukid ang diretso niya, para may magdala sa amin ng mga grocery.” tumango-tango ako sa plano ni Mama. Ganitong buhay ang gusto nila, noon pa man sinasabi na nila, na mas gusto nila ang tipikal na uri ng pamumuhay. Nananatili lang sila dito sa patag, dahil inaasikaso nila kami magkapatid. Masasabi ko na maswerte ako sa mga magulang. Masikap at masipag sila. Walang bisyo kaya't maayos ang pamumuhay namin. Minsan nagtatalo ang magulang ko sa mga pangkaraniwan at mababaw na mga bagay, pero hindi ko pa sila nakita na nag-away. “Anak, pagkatapos mo. Pwede ka na mag boyfriend, wag ka masyadong magpakakuba sa trabaho at pag-iisip ng kinabukasan. Baka makalimutan mo mag enjoy sa buhay. Hindi naman tayo hikahos at walang makain, walang masama kung magsaya ka.” hindi ko pinansin ang sinabi ni Mama. Gusto ko bigyan ng mas secured na buhay ang aking mga magulang. Gusto ko rin na pagtungtong ko sa ead na gusto ko na mag pamilya, wala ako maging suliranin sa pera. Ayaw ko maging mukhang kawawa na plain housewife na walang sariling pera. Dahil baka dumating ang sitwasyon na hindi inaasahan sa hinaharap, at least kapag may pera ako, madali ako makakaalis. “Nako anak! Mamayang gabi, harapin mo naman ang mga manliligaw mo. Kawawa naman sila, ako ang bahala sa oras. May oras lang sila para kausapin ka,” nakangiti na sabi ni Mama sa akin. Kaya't wala akong nagawa, matapos namin kumain ng gabihan nagliligpit kaagad ang aking mga magulang at nakangisi ng nakakaloko si Lando na nakatingin sa akin. “Ate, hindi naman halata na gusto na nila Mama at Papa na magkaroon ng apo sayo,” sabi nito sabay akbay sa akin. “Kapag hindi ka nanahimik, hindi kita binigyan ng baon mo para sa isang linggo,” nakangisi na sagot ko sa aking nakababatang kapatid. “Ate naman, hindi na mabiro. Gusto mo sabihin ko nilalagnat ka? Para hindi na tumuloy ang mga manliligaw mo?” inikutan ko lang ito ng mga mata at iniwan. Hindi na ako nag-abala pa na mag-ayos ng aking sarili. Pambahay na short lang at oversized t-shirt ang suot ko. Inilugay ko lang ang aking mahaba na buhok at nag pulbos lang ako ng aking mukha. “Pasok kayo, nandito si Mardy ngayon. Day-off niya, kaya haharapin kayo. Basta't tig bente minutos lang kayo huh?” nakangiti na salubong ni Mama sa mga papasok na kalalakihan. Naupo na ako sa gilid na upuan at isa-isa nga na kinausap ang aking mga manliligaw. Infairness naman, wala naman sa kanilang mukhang lugain o mabaho ang hininga. Lahat sila ay malinis tingnan. Merong kapwa ko estudyante. Meron din anak ng may-ari daw ng bigasan sa bayan. Meron anak ng Mayor at ang iba ay tambay. May mga sinasabi rin sila sa buhay at mga magandang lalaki. Pero wala man lang akong maramdaman sa kanila. Kaya't matapos ko sila kausapin, pumasok na ako kaagad sa aking silid at humilata ng higa. “Anak, wala ka bang nagustuhan sa kanila?” tanong ni Papa sa akin na nakatayo sa pinto. “Wala po, matutulog na ako.” sabay talikod ko at nagtalakbong ako ng kumot sa aking katawan dahil nakakaramdam na ako ng sobrang antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD