Gusto kong matawa sa mukha ni Javier na parang natatae. Nakasimangot pa ito kapag haharap sa akin, sabay ngiti kapag anak na niya ang kaharap. “Halina kayo! Merienda muna!” tawag ko sa dalawa matapos ko makapag luto ng turon. “Nanay! Babalik na ba tayo sa mansion ni Tatay?” balewala na tanong ni Jr., na hindi ko kaagad nasagot. Tiningnan ko si Javier at ang bwisit na lalaki, nagtaas balikat lang. “Hindi muna anak, kapag na ayos na ng Tatay mo ang gusot nila ni Tita Sandra mo, saka lang tayo sasama sa kanya. Mahirap kasi ang sitwasyon natin anak, lalo pa’t hindi naman tayo tinitigilan ng Mommy, ni Ate Jasmine mo,” paliwanag ko sa aking anak na nakangiti na tumango. “Dadalaw na lang ako dito, palagi. Kumain ka ng marami Mardy.” Inismiran ko si Javier sa naging sagot niya. “Araw-ara

