Lumipas ang mga araw, naging maayos naman ang buhay namin ni Jr. sa tahanan ng aking mga magulang sa paanan ng bundok. Pero sadyang nakakapagod at mahaba ang byahe galing doon papunta sa paaralan. Kaya’t nagpasya ako na bumalik na lang kami ni Jr. sa bayan, pagkatapos ng dalawang buwan naming pamamalagi doon. Isang desisyon na puno ng takot. Dahil iniiwasan ko na mapahiya o ma bully ang aking anak. Ang nakakainis lang, isang araw pa lang kami sa bayan, nandito na kaagad si Javier sa bahay. Ang anak ko, si Jr., ay tuwang-tuwa sa ama. May dala itong mga laruan at mga take-out na pagkain, galing sa paboritong fast food ni Jr. at galing sa mamahaling restaurant na may masarap daw na steaks. Nakita ko ang saya sa mga mata ng anak ko, isang saya na ilang buwan ko nang hindi nakikita mag

