“Ano naman ang dahilan ng pagdukot mo sa akin ngayon?” tanong ko kay Rocky na nakaupo sa harapan ko, at masama ang tingin sa akin. Habang ako, kalmado lang. “Hiwalayan mo si Jasmine, dahil hindi ka nababagay sa kanya. Hindi mo naman mahal ang asawa mo hindi ba? Bakit hindi ka na lang maghabol kay Rose na puta? Pati ang babaeng pangarap ko, inangkin mo pa! Malas ka talaga sa buhay ko ‘e. Umuwi lang si Jasmine, pinagplanuhan mo na. Pinikot mo pa!” parang baliw na sabi ni Rocky habang hawak ang isang balisong, at pinaglalaruan sa kanyang palad. Sa pagkakatanda ko, ako ang pinikot ni Jasmine. Ako ang pinagplanuhan. Dahil si Rose naman talaga ang gusto ko noon. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, hindi ko rin akalain na mamahalin ko ang aking asawa, na kapatid lang ang tingin ko noon. “Ba

