“Masyadong mahiwaga ang buhay ano? Masyadong makapangyarihan ang pag-ibig. Alam mo ba noon, natatangahan ako sa aking sarili—Maganda, edukada, galing sa maayos na pamilya. Pero pumayag ako maging kabit ni Jayvier. Bakit? Dahil sa anak ko! Hindi masasabi na dahil tete ang habol ko. Haller! Matanda na ako ng lumandi, at matagal ako walang dilig, pero natiis ko naman. Pero ang makita ang anak ko na lumalaking naghahanap ng ama. Naiinggit sa mga kalaro? Masakit ‘yun sa akin bilang isang ina. Kaya't mas gugustuhin ko na ako ang masira, kaysa makita na nasasaktan at nagdurusa ang nag-iisa ko na anak. Kaya ikaw, tatagan mo. Susunod kami sayo, pag maayos na ang schedule ng Daddy mo.” Kausap ko si Mommy Mardy ngayon at pareho kami umiiyak. Dahil iiwan ko sa kanya ang aking anak. “Salamat Mom

