CHAPTER: 51

1510 Words

Magmula ng makita ko kanina ang dalawang babae, napako ang aking paningin sa babaeng nakasuot ng kulay rosas na damit. May kung ano sa loob ko na hindi ko maipaliwanag, parang gusto ko itong halikan at yakapin. Pero pinigilan ko ang aking sarili, maganda at mukhang mayaman ang babae. Baka pandirihan lang ako, dahil sa itsura ko. Lumang damit lang at manipis na tsinelas na de goma ang aking suot. Habang ang babae, mukhang mamahalin ang kasuotan. Hanggang sa makarating kami sa bahay ni Tatay Nestor, laman pa rin ng isip ko ang babae kanina. Nasapo ko ang aking ulo, dahil sa sobrang sakit. Nagpaalam ako sa matanda na uuwi na muna ako ng maaga, dahil hindi ko kayang tiisin ang sakit. Nakatulog na lang ako, hanggang sa dumating si Tatay at ang dalawang babae, makirot pa rin ang aking ulo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD