“I HEARD you work on a graveyard shift. You have to take care of yourself, hija.” Nagkatinginan kami ni Alexis dahil sa sinabi ng OB-gyne. Katatapos lang ng ultrasound sa akin at tinatanggal na niya ang mga ikinabit sa katawan ko. “Hindi pa naman po ako nahihirapan, Doc. Kaya ko pa pong magtrabaho.” Pansin kong gumalaw ang panga ni Alexis ngunit hindi siya umimik. I no longer have weird cravings. Paminsan-minsan na lamang at madalang na lang din akong nasusuka. Siguro ay dahil sa limang buwan na ang dinadala ko. Healthy naman ang baby ko ayon sa ultrasound. Pero tiyak na si Tita Alice na naman ang nagkuwento sa kanya tungkol sa kalagayan ko. Hindi ko akalain na pati pala ang trabaho ko ay ikinuwento niya rin. “Kahit na. You are on the second trimester of your pregnancy. Expect sever

