NAGKUNWARI akong wala akong naririnig kahit na harap-harapang nagbubulungan ang ilang mga empleyadong nadadaanan ko. Halatang nagulat sila nang makumpirmang nga buntis ako. Hindi ko naman sila masisisi dahil bago pa man ako tumulak sa Cebu ay hindi pa talaga halatang may laman ang tiyan ko noon. Maging ang mga ahenteng hawak ako ay nahuli kong nagnanakaw ng tingin sa akin. Alam kong gusto nila akong tanungin kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ko pero hindi lang sila umiimik. “Hindi ka na ba talaga magpapapigil?” muling tanong ng operations manager namin. Pagkapasok ko pa lang kanina ay ipinatawag niya ako para kausapin tungkol sa resignation. “Desisyon din po kasi ito ng partner ko at saka advise rin ng OB ko. Isa pa, gusto ko nga rin munang magpahinga sa BPO.” “Kung gano’n wala na

