HINDI ako mapakali. Pagkalapag pa lang ng eroplano kanina ay parang may naghahabulan nang mga kabayo sa loob ng dibdib ko. Halu-halo na ang nararamdaman ako. Nae-excite na akong makita ulit sina Armea, pero kinakabahan ako dahil alam kong may naghihintay sa amin at nag-aabang. I’m not even sure if I am prepared for their reactions. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Alexis. Magkahugpong kasi ang aming mga daliri. Dahil doon ay napabaling siya sa akin. Nauna sa amin si Nanay na animo’y galanting balikbayan na naglalakad. Mukha siyang dalaga sa porma niya. “You okay?” nag-aalalang tanong ni Alexis habang naglalakad kami sa arrival area. ‘Yong butler niya ang nag-asikaso ng mga gamit namin kaya wala akong ibang bitbit kundi ang maliit na shoulder bag. Tipid akong ngumiti sabay tango.

