BIGLA akong natakam nang makita ang salad na nakahain sa lamesa. Marami itong toppings na manggang hilaw. Sunod-sunod akong napalunok habang nakatingin doon. Pero ang nakapagtataka ay kung saan niya ito nakuha at kung paano siya nakapasok hanggang dito sa pantry ng 16th floor. Mahigpit ang security dito at tanging ang mga empleyado lang ang nakakapasok. Kahit nga si Nanay noong nakaraan ay kinuhanan ko pa ng visitor’s pass nang magpunta siya rito. Pero ang lalong nakapagtataka ay wala rin siyang suot na visitor’s pass. Nailibot ko ang aking paningin, wala namang laman ang pantry maliban sa dalawang nagbabantay ng tinda sa dulo. May tatlong ahenteng kumakain habang nanonood ng TV. Malaki kasi itong pantry, may vendo machine, puwede ring bumili ng ulam at kanin, at may kitchen area din. Puw

