ISANG malakas na tikhim ang nagpahiwalay sa amin. Pakiramdam ko kay tinaksan ako ng dugo at napunta lahat sa pisngi ko nang mapagtantong nakarating na pala si Nanay. Ni hindi man lang namin naramdaman ang pagbukas at pagsara ng pinto. We were so coiled to each other during the kiss. Napayuko ako nang makita ang matalim na mga mata ni Nanay. Nasa sahig ang pinamili niya, marahil ay nabitiwan niya kanina nang maabutan kaming naghahalikan. Alexis cleared his throat and reached for my waist. Namilog ako at pasimpleng tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko ngunit agad niya rin iyong ibinalik. Ni hindi niya alintana ang galita sa mukha ni Nanay. “Tita Mildred, good morning ho!” kaswal niyang bati kay Nanay. Hindi ko alam kung manhid ba siya o sadyang makapal lang talaga ang

