HINDI ko alam kung ilang segundo akong naestatwa sa aking kinatatayuan. Ang alam ko lang ay hindi ako namamalikta. Totoo siya. He’s really here. His presence is dominating my senses and his piercing pair of eyes is as cold as a bucket of ice. Bumaba ang mga mata niya sa aking tiyan. At doon ko lang napagtantong nakasuot ako ng manipis na sedang damit pantulog. Hapit iyon sa aking katawan kaya halata ang maliit na umbok ng aking tiyan. Nang mapagtanto kong napirme ang mga mata niya roon ay namalayan ko na lamang na isinasara ko ang pinto pero agad niya iyong napigilan. I was caught in the middle. Dahil doon ay nagkalapit ang aming mga mukha. Itinulak ko siya. “Ano ba?” Nanginig ako. I seemed to have lost my composure. I heard him scoff. “The hiding game is over, Yuri. It’s time to go

