HINDI ako mapakali simula no’ng ibinalita sa akin ni Armea na naaksidente si Alexis. Nag-aalala ako, lalo na at kung hindi dahil sa paghahabol niya sa akin sa airport ay hindi iyon mangyayari. I’ve been praying he’ll recover, soon. Kahit naman masama ang loob ko sa kanya ay hindi ko naman hahangaring may mangyaring masama sa kanya. “Tumawag na ba ulit sina Armea, Nay?” Napaangat ng tingin si Nanay mula sa panonood ng TV. Kararating ko lang galing opisina sa kabilang building. “Ang Tita Adina mo ang tumawag kanina, nangangamusta lang. Kako maayos naman tayo rito. Ayaw niya raw umalis doon sa apartment sa Maynila pero madalas daw siyang niyayaya ng mga magulang ni Gabriel sa mansyon nila.” Tumango-tango ako saka nagtimpla ng gatas. “Eh, sa Alexis po? Nakalabas na ba ng ospital?” pasimp

