Cleomiya Chardeline's POV
"Hoy Miss Chucklehead!" Iminulat ko ang aking mga mata dahil sa malamig at banayad na boses. Isang gwapo at mala angel na nilalang ang bumungad sa mata ko. Nagniningning ang mukha niya.
"Miss wala ka bang balak bumangon dIyan?" napabalikwas ako ng maalala kong nasa hell room nga pala ako ni Mr.666.
"ARAY!" Napahawak ako sa noo ko at ganoon din naman s'ya. Nag tama lang naman ang mga noo namin. Bakit ba naman kasi kailangan nya pang ilapit ang pagmumukha nya.
"Stupid tsk." mahina niyang saad bago ilayo ang mukha niya, napahawak ako sa tiyan ko ng bigla itong nag ingay. Shems gutom nako!
"Anong oras naba Ed--- Renai Zon?" I asked. Mabuti nalang at hindi ako pinag samantalahan nito habang natutulog ako, self ang wild mo ng mag iisip!
"1;00 pm na, tulog mantika ka na nga, naghihilik pa. Sabihin mo nga sakin babae kaba talaga?" halos malaglag ang panga ko sa tanong niyang iyon na nagpa init din ng dugo sa buong kalamnan ko. Anong palagay nya sakin? May duda ba siya sa p********e ko?
Naiyukom ko ang kamay ko na kaninang nag-ko-close-open. Pinipigilan kong sumabog ang emosyon ko. Para kasing na insulto ako bahagya sa sinabi nyang iyon.
"Ano? dito ka na titira? tss." badtrip. Inayos ko na ang sarili ko bago pa ako makapatay ng angel na may sungay!
"OO NA AALIS NA NGA DIBA? DIBA?" sigaw ko sa kanya sabay irap at dinampot ko ang bag ko.
Nang malapit na ako sa pintuan ay bigla niyang ginrab ang kamay ko. Pumikit muna ako at nagbilang ng tatlong segundo bago siya harapin. Dahil baka hindi ako makapag timpi ay ma bigwasan ko siya.
"Bakit na naman ba?" iritable kong tanong, nagulat ako sa ginawa niyang pag pitik sa noo ko. Bakit naeestatwa na naman ako?
"Hindi ka pa nag la-lunch Miss chucklehead, kumain ka muna." ay in fairness ang hinahon ng pagkakasabi.
"No thanks." pagtanggi ko sa alok niya. Nag evil eye siya, senyales na kailangan kong sumunod.
"OO NA! KAKAIN NA!" sigaw ko ulit at syempre wala lang siyang pake kaya tinalikuran nya lang ako.
*Bleh!* nagbelat ako ng prang bata sa likod niya.
Kumain ako habang busy sya sa panunuod ng video sa cellphone nya. Pero habang sikreto ko siyang sinusulyapan, nawi-weird-uhan talaga ko. Ang boring ng buhay niya siguro. Pagkatapos kong kumain inihatid na n’ya ko sa room ko. Papasok na sana ako ng hilahin na naman nya ko.
"I forgot something.." He whispered bago ako halikan sa noo at iniwanang wala sa wisyu.
Ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Kaya nailapat ko ang kamay ko sa eksaktong puwesto ng puso ko. He kissed my forehead for real? I don't know and I don't understand. Basta nakakabaliw na itong araw na'to.
Nang makaupo na ako, pansin kong iniiwasan nako ng lahat except kay Jheyung (Jhea). Ang cold na ng pakikitungo nila.
"Bakit ba parang iniiwasan ata ako ng lahat?" bulong ko sa bestfriend ko.
"Itinatanong mo talaga sakin 'yan Chardeline?” nangalumbaba pa siya tsaka napailing.
"Dahil ba kay Renai Zon?" nag aalangan ko pang tanong.
“Malang sa malamang.” She said. "So paano nga naging kayo? kakahiwalay nyo lang ni Zerovin kahapon hah? Tinakot ka ba nya dahil sa ginawa mo kahapon? Ano Cleomiya Chardeline sabihin mo lang sakin.." buti nalang talaga medyo may pagka slow din itong babaeng 'to. Alam naman nyang iba tama sa akin ng beer pero hindi nya pa din nage-gets ang sitwasyon ko.
"S’ya nga nakahanap na agad ng iba. Ako pa kaya?" puno ng pag papanggap ang ngiting binato ko sa kanya.
"Ayon naman pala! Lumabas din ang totoo.. so si Zero nga ang rason. Gaga ka talaga no? sa dami naman ng pwede mong gawing rebound, 'yung si Edric na Mr.666 pa?"
"For your information Jhea Lyn hindi ko sya rebound ok? Boyfriend. Bakit? kailangan bang week or month o year bago maka move on?" depensa ko pa. Ang hirap mag explain ng nagbubulungan kami promise.
"Ay gurl di uso three months rule?" sabay sundot nya sa tagliran ko.
"Masyado kong maganda para gawin 'yang three months rule, and let me remind you na hindi ako tanga para masaktan ng ilang buwan pagkatapos nya akong lokohin. Hindi nya deserve ang luha at lungkot ko kung susundin ko 'yan." ang haba ng sinabi ko. Ano ba kasing pinaglalaban ko.
Blahhh-blahhh-blahhh
*KRIRIRING! KRIRIRING!*
Tumunog na ang bell senyales na uwian na. Finally makakalabas na din ako sa room. Kung hindi ko lang kaklase si Jhea palaga'y ko ba ay para nakong anino.
"Hindi ka pa ba sasabay sakin baks?" asked Jheyung habang inaayos niya ang mga gamit nya.
"Mauna ka na, ihahatid ata ako ni Renai Zon." nagbeso-beso kami at niyakap ng mahigpit ang isa't-isa.
"Move on na bakla hah! Kalimutan mo na si Zero. One year lang naman naging kayo. Hehe." natawa ako dahil ni 'lang' nya talaga yung one year. Parang kanina lang may three months rule pa syang nalaan.
"Naka move on na 'to." Lol, deep inside wasak na wasak pa.
"Siguraduhin mo lang hah? oh sya gogora na ko, nakita ko na si Edric! babush, kita nalang tayo sa bahay mamaya." Nagmadali naman syang umalis ng matanawang nasa pintuan na si Edric at doon pa siya sa likodang pintuan dumaan.
"Best friend mo?" tanong niya ng makalapit sakin, so I nodded in responsed.
***
Inihatid naman nya agad ako sa bahay. At nang pababa na sana ako ng kotse nya bigla nya kong hinawakan sa braso. Favorite n’yang manghila no? Favorite nya i-grab yung braso ko.
"Why?" I asked tapos ay umayos ulit ako ng upo, inabot nya sakin yung cellphone nya.
"Number mo chucklehead." type talaga ko nito, pati number ko hinihingi asar. Siraulo talaga ko.
Kinuha ko naman at agad na tinype ang number ko.
"Ayan." sinilip ko ang name na ilalagay niya, pero hindi nya pinakita. Kaasar.
Phone ringing--
"Save mo 'yan. Dapat iyan ang una sa contact list mo." daming suggestion ng evil na'to.
"Noted Sir Renai Zon." pilit na ngiti ang ibinigay ko bago bumaba sa kotse nya.
Pumasok nako ng bahay at nadatnan ko dun na naka pamaywang ang nanay ko, este si Jhea Lyn pala. Sa iisang bahay lang kami nakatira kasi yung nag palaki sa kanya sa probinsya nakatira, yung parents ko naman nasa Spain.
"Anong oras na bakit ngayon ka lang?" salubong n’ya sakin sa may pintuan.
"Sorry po 'nay." tinawanan ko pa sya.
"May pa hatid-hatid pa sa bahay. Nakapulot ng driver.”
"Syempre? magbibihis muna ko bakla." Umakyat ako sa taas at nagbihis na.