*Kinabukasan*
Phone ringing—
Topak calling..
"Baks!" sunod-sunod na tapik ni Jhea sakin, at inuga pa ang katawan ko kaya naimulat ko bahagya ang mata ko.
"Bakit ba?" iritable kong tanong.
"Kanina pa ring ng ring yang cellphone mo, sagutin mo kaya, sarap ng tulog nung tao istorbo." Nakapikit na reklamo niya. Kinusot ko muna ang mata ko at kinapa ang cellphone ko sa ibabaw ng table na malapit sa kinahihigaan ko.
"Hello? Sino ba'to?!"
(Chucklehead. Hindi mo ba ko papasukin sa loob ng bahay nyo?) napabalikwas ako bigla ng bangon ng marinig ang boses sa kabilang linya. Huwag nyang sabihing nasa labas sya ng bahay namin? nang ganitong oras? Nababaliw na ba talaga siya?
(Hoy Miss chucklehead!) wala akong oras makipag lokohan, inaantok talaga ko!
"Renai Zon matutulog lang ako? mamaya ka nalang mang inis. K! Bye!" call ended. Chineck ko yung oras at halos 5;00 am palang. Kailangan ko ng mapayapang tulog.
At ng eksaktong ipipikit ko na ang aking mata..
Phone ringing—
"Ano na naman ba?" inis kong bungad sa kanya. Bakit ba binubulabog nya ang pagtulog ko? kung wala syang magawa wah mag patulog sana siya!
(Kapag hindi mo ko nilabas dito, sinasabi ko sa'yo stupid girl.) Kapag yung hinayupak na tiyanak na'to wala sa labas ng bahay, humanda talaga siya sakin ng malaan niya!
"Kapag ikaw wala sa labas ng bahay namin, bibigwasan talaga kita Renai Zon Kliven!" sabay end call ko.Dali-dali akong bumaba galing sa kwarto at lumabas ng bahay. Pag kalabas ko natanaw ko na sa harap ng gate ang isang sport car, maliwanag naman dahil may street light. Hoy babae wag kang masilaw sa sports car, hindi nyan mapapalitan ang naputol mong tulog bruha! Inis kong binuksan ang gate.
"ANO BANG GINAGAWA MO DITO?" nanliliit talaga ko kapag siyang kaharap ko, bakit ba kasi nung nagsabog ng katangkaran natutulog ako sa pansitan! Ni tae tuloy ng manok wala akong inabutan.
"Lakang pake." as always. Arrgh! Kung nalalamon lang yung walang pake, ang chubby ko na! buti nalang talaga at hindi. Pero chubby pa din ako.
"Kaya hindi umuunlad ang bansa dahil sa mga kagaya mong walang pakielam! Bwisit ka!" nag iinit ang dugo ko sa kanya.
"Ahh share mo lang?" halos malaglag ang panga ko sa tanong nyang yun na nag uumapaw sa kapilosopohan.
"Ikinagwapo mo 'yan ganon? Tsk, lumayas-layas ka lang sa harap ng bahay ko at baka kung anong magawa ko sa'yo!" hindi nako natutuwa, nababanas na talaga ko.
"Tsk, eh kung kanina mo pa kasi ko pinapasok."
"Whatever!" sabay kusot ko sa mata habang nasa harapan niya.
Napatalikod naman ako ng wala sa oras, nakakahiya! Bakit ngayon ko lang naisip na wala pa pala kong hilamos, suklay, at sipilyo! Wala ka nabang ibang gagawin Cleomiya kundi ang ipahiya ang sarili mo sa campus evil na yan pasimple ko tuloy na nasasampal ang sarili ko, pagtingin ko sa talampakan ko.. Ano bang pinag iiisip mo Cleo? Bakit nakaapak ka pa?
"Chucklehead. Nagtaka kapa kung bakit pinag palit ka ng ex mo." natahimik ako sa sinabi nyang iyon, na nagpabalik sa katinuan ng utak ko.
Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita nya na akala mo alam nya ang lahat, nilingon ko siya, at direktang tiningnan sa mata.
"Wala kang alam Edric." iyon lang ang tanging sinabi ko. Wala naman akong kailangang i- explain sa kanya.
Pumasok nako sa bahay, at sumunod naman siya. Naka uniform na siya kaya sigurado akong sa school na ang diretso namin.
"Maupo ka na muna, coffee?" Alok ko, medyo naging malamig lang ang pakikitungo ko sa kanya.
Sino ba sya para sabihan ako ng ganon? Kaloka, baka manhid!
"No thanks." Sagot nya, iniwanan ko na muna sya sa sala, para makapaligo na. Di nako nagtanong kung bakit maaga syang pumunta dito, obvious naman na susunduin nya ko.
Renai Zon's POV
Dika makakausad Cleo, kung apektado ka pa din sa ex mo.
Pinagmasdan ko ang buong bahay nila, maganda ito at maayos.
Pero bakit parang sya lang ang tao dito? sya lang bang mag isa ang nakatira dito?
I don't have any idea about her life.
Pero diko alam kung bakit kailangan kong gawin 'to sa kanya? Parang may kung ano sa akin na kunektado sa kanya, since that day-- noong araw na nakilala ko siya.
I want to stay by her side kahit saglit lang, gusto ko siyang ingatan. Pero hindi dapat ma-fall. Wala dapat ma-fall.
Ayokong masaktan ulit sya, lalo na kung dahil sakin, ayokong umiyak sya ng dahil sakin. Hindi ko kayang makita yun.
Kaya natatakot akong magmahal, dahil alam kong may masasaktan at masasaktan lang din.
Pero ngayon, kailangan kong ingatan si Cleomiya, kahit ngayon lang. Kahit sandali lang, kahit sandali nalang.
"WAHHHHHHHHHHH!" nagulat ako sa babaeng biglang nagpalahaw nang sumigaw. May dala pa syang baseball bat. Na nakaakma pang ipampapalo.
"PANO KA NAKAPASOK DITO? EDRIC? ANONG GINAGAWA MO DITO?" napatayo naman ako bigla, at naitaas ko ang kamay ko baka bambuhin ako nito.
"WAHHHHHH BAKSSSSS!" sigaw ulit niya.
Nagulat ako ng magtatakbo pababa dito Miss Chucklehead, pero ang mas nakakagulat doon ay naka balot lang sya ng towel.
"Oh Jheyung bakit ka-"
Cleomiya Chardeline POV
"Oh Jheyung bakit ka.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, ng makita ko si Edric at Jheyung na namilog ang mata. Napatingin ako sa katawan ko, SANTISIMA!
Napatakbo ako pabalik ng kwarto! naka balot nga nga lang pala ko ng towel.
KYAAAAHHHHH!
Nawala kasi sa loob ko na nandito nga pala si Edric, makasigaw naman kasi si Jheyung akala mo kung napapaano na yung dignidad ko sirang-sira na.
It's so embarrassing!
Nagbihis na ako at inayos ang sarili. Sinigurado kong wala ng kahiya-hiya sa akin, pag bumaba na ako. Gustuhin ko mang lamunin ng lamang lupa sa mga oras na ito, malabo dahil ni mga lamang lupa ay itinatakwil na panigurado ko.
"Chardeline, ano bang pumasok sa kukote mo at pinapasok mo si Mr.666 dito sa bahay natin?" Bungad sakin ni Jheyung na naka cross arms pa pag kalabas ko ng kwarto.
"Boyfriend ko kaya yun." sige mema lang, memasabi lang! Mema dahilan lang! lumuluwag na ata'y turnilyo ng utak ko.
"Ahh! kaya kampante ka na magpakita sa kanya ng naka towel lang?" piningot nya bigla ang left side ng tenga ko..
"Array! gaga kasalanan mo kaya! akala ko kung napapano ka na, makasigaw ka dyan parang huling sigaw mo na dito sa earth!" singhal ko sa kanya.
Sabay tawa namin.
"Paano ka? sumabay ka na lang kaya samin?" umiling siya kasabay ng nakakalokong ngiti.
"Ayoko, dina kailangan baks, ma-a-out of place lang ako. Haha. susunduin naman ako ni Xyrex."
"Teka? bakit iba ata yung tono dun sa Xyrex, parang may kilig factor? haha!" sabay sundot ko sa tagliran niya.
"Sa kanya na nga lang ako kinikilig, huwag mo ng hadlangan ang kasiyahan ko Chardeline." aniya pa.
Umalis na kami ni Edric sa bahay. At iniwanan ang bruha kong bestfriend cousin, na may lihim atang feelings dun sa boy best friend nya, kay Xyrex. Hindi nako magtataka.
"Mahilig ka talaga sa kapalpakan no?" pagbasag ni Edric sa katahimikan namin habang nagmamaneho sya.
"Palpak lahat ng kilos ko dahil sayo may dala ka atang malas."
"Careless ka lang talaga tsk."
blah! blah! blah! bahala ka sa buhay mo..
"Hindi ka pa nag be-breakfast. Kumain na muna tayo." ay ganon sana lagi, may pakain. Suhol lang ganon. Boshet. Hindi nako nagsalita, inintay ko nalang siyang ihinto ang sasakyan, pero nagtaka ako ng ihinto nya ito sa coffee shop sa tapat ng KLIVEN University. Pagkalabas ko ng kotse nya, napahinto ako. May naalala ko sa harap ng coffee shop.
"Sa loob nalang kaya tayo ng KLIVEN University kumain huwag na dito." ayoko kasing nakikita ang bakas ng masamang bangungot ko.
"Hulaan ko kung bakit?" then he held my hand. Sige nag ko-close-open na naman ang isang kamay ko. Huhu ano bang mannerisms 'to? Matic na kapag kinakabahan ako nag ko-close-open ang isa sa mga kamay ko.
"Sige.."
"Memories with your ex boyfriend right?" exactly!
"Actually we broke up here." I said while staring the exact place kung saan sinampal ko siya ng maraming beses, bago ko pa maramdaman muli ang sakit ay hinila nako ni Edric papasok sa coffee shop.
"Para makalimutan mo ang isang tao, dapat paulit-ulit mong balikan ang mga lugar na mag papaalala tungkol sa kanya. Hanggang sa dimo na nararamdaman yung sakit ng pagkawala nya sa'yo. Sa ganoong paraan makakausad kana ulit." Ang cool nya sa part na yan.
Teka diba mainit dugo ko sa kanya? Wag kang marupok nang hindi ka nasasaktan.