Volume 1 - Chapter 17

1103 Words
"What!?" Ang tangi kong nasabi kay Bianca. Agad ko siyang binigay kay Suede at humarurot ng takbo papunta sa sasakyan. Ramdam ko ang pagsabog ng dibdib ko sa sobrang hingal. Kung hindi ko bibilisan ay baka wala na talaga kaming maabutang Eon. Dali-dali kong binuksan ang sasakyan at hinahanap sa loob si Eon pero wala akong nakita. Lumabas ako at nilinga ang paligid. "Eon! s**t!" Bumalik ako sa loob ng sasakyan at napa-upo. Sinapo ko ang ulo habang pilit kong hinahabol ang hininga ko. Ano nang gagawin ko? Nasipa ko ang box na malapit sa paa ko sa sobrang inis na nararamdaman ko. Ilang saglit lang, may narinig akong mahinang ungol. Agad akong tumayo at hinanap ang ungol sa labas. Nakita ko sa kanan ng sasakyan si Eon na nakasandal at nakapikit habang balot na balot ang katawan niya sa dugo. Agad akong lumapit at pinakiramdaman ang palapulsuhan niya. "Anong nangyari? bakit ka nandito?" Hindi siya sumagot. Agad kong hinanap kung saan niya pilit dinidiin ang mga kamay niya. May tama siya sa kanang bahagi ng tiyan. Natanaw ko si Suede at Bianca na patakbong papalapit sa amin. "Patay na ba?" Tanong ni Suede. Pinanlakihan ko siya ng mata at napatingin sa kaniya si Bianca. Anong klaseng tanong 'yan? "Tulungan niyo ko kargahin 'to. Dalhin natin sa ospital. Mukhang malala ang tama. Dali!" Dali-dali naming dinala si Eon sa loob ng sasakyan at dumiretso sa ospital. Habang nagmamaneho si Suede, napatanong bigla si Bianca. "Bakit niyo pinatay 'yung mic kanina?" Nagkatinginan kami sa saglit ni Suede na nasa gilid ko lang. Ang hirap ng ginagawa ko. Kailangan kong magsinungaling pero maghihinala lalo si Bianca kapag patuloy ko pa 'tong gagawin. Pero kung magiging totoo ako sa kaniya, dadami lang tanong at mabubunyag lang lahat ng sekreto ko. Hindi pa ako handang sabihin sa kaniya ang lahat. "We found some evidence. There were pregnancy testers and all of them were positive. My hunch is, it's either Alani's or Keziah's." Kumunot ang noo ni Bianca sa narinig. "No. It can't be my Ate's PT. We mapped our genome years ago because our lineage have the ovarian cancer gene and unfortunately she had the possibility of having it. So she had to do ligation when she was eighteen to prevent the cancer from happening. So, it's impossible that it was Ate's PT." "So it was Alani's, then?" Walang sumagot sa amin dahil hindi namin alam ang totoo. Natahimik nalang ulit ako at kinuha ang kamay ni Eon. "Malapit na tayo, Eon. Just hold on." Nasa bahay kami ngayon ni Suede. Iniwan muna namin saglit si Eon sa ospital kasama ang lola niya. Kumuha lang kami ng mga konting gamit. Bago kami bumalik, kumain muna kami sa saglit sa porch at doon nag usap-usap. "So, anong balak natin ngayon na wala na 'yung mga evidence? you let him took it, Asea." sambit ni Suede. "No, it's actually good that--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla sumingit si Bianca at unti-unting umiyak. "I'm sorry.... It's my fault... If I just know how.. to defend myself, I.." Kinuha ko ang kamay niya at hinaplos 'yon. "It's okay, Bianca. At least we would know their den. My phone's GPS was opened. We could locate their whereabouts and take back what they took from us. I did that for a reason. It wasn't your fault." Dinuro ko ang baso na may lamang orange juice at inutusan si Suede na ibigay 'yon kay Bianca. Pagkatapos namin kumain ay agad na kaming bumalik sa ospital. "Bakit naman ganoon ang tanungan mo kanina nung nakita mo kami, Suede? para kang timang." I said out of knowhere when we where about to enter the hospital. He smirked. "Masamang d**o 'yun si Eon. Hindi ako maniniwala na matatay agad 'yun." Napailing nalang ako at hindi na sumagot. Habang naglalakad kami, nakakita ako ng vending machine at sinabihan ang dalawa na mauna na sila. Kaso, naiihi na raw si Bianca kaya napilitan nalang mauna si Suede at ibigay ang mga gamit. Nang matapos na ako gumamit ng vending machine, dumiretso na ako agad sa ER setting kung nasaan ngayon si Eon. Hindi na siya inadmit. Pero bago pa ako makarating, agad humarang sa akin si Suede na para bang nakakita siya ng multo. "Anong problema mo?" "Nasaan si Bianca? Magkasama ba kayo?" Nag-ihysterical na tanong sa akin ni Suede. "Hindi, symepre. Nasa CR 'yun 'diba? Anong meron?" Hinila niya ako sa gilid kung saan malayo sa mga tao. "Bianca can't visit Eon. Asea is here. Kapag nakita nakita siya ni Bianca, it's over for you." "Ha? Anong pinagsasabi mo? I am Asea. I am here." I tried to calm him down because he is actually freaking out. "Real Asea Saldivar. She's here." Agad akong tumakbo papunta sa area ni Eon at iniwanan si Suede. Tumigil ako saglit para sigawan siya. "Find Bianca! Don't let her see Eon! Go!" Tumango kami sa isa't-isa at tumakbo nang tuluyan. Hingal na hingal akong dumating sa area ni Eon at binuksan ang kurtina no'n. Oh my God. She's actually here. "What the fuck." Dahan-dahan siyang tumayo at kitang kita ko sa mukha niya ang pagkalito at pagkagulat. "Okay, I know this is confusing for you. But you need to get out. Now!" I don't know what came in me, but she won't move so I had to take her hand and pull her out of the hospital before Bianca could see us. Tumigil kami sa labas ng emergency exit. Sinandal ko ang likod ko sa pader at hinabol ang hininga ko. Kasabay ng pagtingin ko sa kaniya ay ang pagdapo ng palad niya sa pisngi ko. Nagulat ako sa nangyari at umawang ang bibig ko. Inamba ko ang kamay ko para ibalik ang sampal sa kaniya pero hindi ko ginawa. "Huwag na huwag mong uulitin ang ginawa mo." Banta ko sa kaniya. Napatingin ako sa itsura niya. Long flat hair and fitted dress. She's wearing heels and decorated with shimmering gold accessories. Compared to me, who's wearing jeans and a shirt. "Who are you? why...why do you look like my sister so much?" I closed my eyes and grunt. "It's a long story." Hindi na siya sumagot at lumayo nalang sa akin. What the heck is she doing here? alam ba ng mga Saldivar na nandito ang totoong anak nila? she is jeopardizing everything! "Saan ka pupunta? alam ba ng mga magulang mo na nandito ka?" Tumingin siya sa akin. "I'm leaving. This is so f****d up. And also, I don't have parents. Patay na sila sa paningin ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD