Volume 1 - Chapter 18

1075 Words
"You will not be leaving this house for the whole day. You will be needed here." As he sipped on his glass. I am currently standing in the room where it all started. Where things began to mess up. "Understood, sir." And left the room. As I did that, my chest has relaxed. I haven't been able to do what should I be doing. Nakabuntot siya sa akin buong linggo. Parang binabantayan lahat ng galaw ko. He won't even let me go out of his sight. Nagdududa na ba siya? Ilang saglit lang, bumalik ako sa reyalidad. A lot of people have been wandering in this place. There will be a recollection in honor of Alani's memories. And Mr. Saldivar made it clear that I am vital material for making this recollection successful. "Miss Asea, may bisita po kayo." Agad akong tumakbo at pumunta sa main door. Inaasahan kong si Bianca o si Suede 'yon. Hindi pa kasi kaya ni Eon na tumayo mag-isa. Natiempuhan ang atay niya kaya ayun, ilang linggo pa raw bago siya tuluyang gumaling. "My...dad won't let me go. We have this thing--- a recollection for my ate. I'm afraid I will not be a help to our agenda." "Are you sure na kailangan natin 'tong gawin agad? it's been only a week. We have a lot of things to sort out before actually doing the plan." There's a hint of hesitation in her voice. She's scared. I know it. May PTSD pa ata siya sa nangyari sa kaniya. Hinila ko silang dalawa sa gilid dahil palabas labas ang mga tao. We can't afford this thing being heard by someone. "You know we can't do that. Kapag nalaman 'nung lalaki na bukas ang GPS ng phone ko, sigurado akong itatapon niya 'yon. We're just lucky that he thinks it's part of the evidence. And we have already lost a week. We need to do this now or it's over." Tumango siya. At hinaplos naman ni Suede ang likod niya. Nagpaalam na silang umalis para pagplanuhin pa nang maaigi ang gagawin dapat naming tatlo nang biglang sinabi ni Suede na magpapaiwan muna siya saglit. Mas napunta kami sa gilid dahil hinala ako ni Suede. Ano na namang mayroon? "Bakit? tungkol ba 'to kay Asea? the real Asea?" tanong ko agad. Tumango siya at suminghap. "I think I can make a way for you to escape here and join us." "How?" "I will try to talk to Asea. Pipilitin ko siyang mag panggap na ikaw para maka-alis ka rito. It's only for this day. Hindi naman siguro mapapansin 'yun ng mag-asawa dahil ang daming tao rito." Pagpapaliwanag niya. Natawa ako sa sinabi niya at napatakip ng bunganga dahil sinusubukan kong magpigil ng tawa. "Can you see the irony here?" Natawa rin siya at tinapik ang likod ko. The original Asea pretending to be me, while me pretending to be the original Asea. This is so messed up. But, I think it won't work. The way she talked about her parents to me when we first met, it made it clear that they don't have a good parent-daughter relationship. At bakit naman siya papayag na magpanggap na ako? she will not be benefiting from it. But why not try it? wala naman sigurong mawawala. "Okay. Nasaan ba siya?" "Nasa ospital. Bumisita kay Eon." Natigilan ako saglit at tumango na rin. Anong meron do'n sa dalawa? may past ba sila? Siguro kaya alam ni Eon na hindi ako ang totoong Asea dahil kilala niya ang original. Ha, ngayong ko lang narealized 'yun ah. Nagpaalaam na kami sa isa't isa at bumalik na ako sa loob. Hinanda ko na ang sarili ko. It's only ten in the morning. The recollection will be starting at exactly twelve of the afternoon. Napakagara naman pala pag namatay ka sa isang mayamang pamilya. Iba't-ibang klaseng seremonya ang gagawin para sa ala-ala mo. Nasa harap na kami ng maraming tao. Lahat kami ay nakasuot ng puting damit. Nakatayo kami sa gilid ng Padre habang binabanggit niya ang iba't-ibang klase ng dasal. Dahil hindi ako mapakali, nilinga ko ang buong paligid at napatigil ako nang tumama ang mga mata ko sa isang tao. Andito si Devian. Nang matapos ang paunang dasal, agad sana akong lalayo sa mag-asawa para lapitan si Devian kaso biglang hinila ni Mr. Saldivar ang palapulsuhan ko. "Where are you going? you have a speech to say." Bulong nito sa akin nang hindi inaalis ang ngiti sa harap ng mga bisita. Bumalik ang tingin ko kay Devian. Kapag hindi ko siya pinuntahan ngayon ay baka hindi ko na siya mahanap mamaya. Ang dami kong tanong para sa kaniya. Pero hindi ko naman pwedeng suwayin 'tong matandang 'to. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya at nanitiling nakatayo sa gilid nila. Umalis sila sa sa tabi ko para makisalamuha at makita nila ako sa gitna habang ibinibigay ang mic sa akin. Huminga ako nang malalim at pumikit bago magsalita. "Maraming salamat sa mga dumalo. We greatly appreciate it. We are all reuniting on this very day because of one person and because of one agenda. We are here to honor my beloved sister's memory." Nang matapos ko na ang mahaba-habang basahan sa gitna nilang lahat, agad kong iniwanan sila. Nawala na sa paningin ko si Devian kaya kailangan ko ulit siyang hanapin. Bakit siya nandito? Sinasabi ko na nga bang may nakaaraan sila ni Alani. Si Alani ang nanay nung batang nakita kong hawak-hawak niya nung nakaarang mga araw. Pero alam ba ng mga Saldivar na may anak si Alani? na may apo sila? Nakita kong nakatayo malapit sa arch door si Devian. Wala siyang hawak hawak na bata. Agad akong lumapit sa kaniya at kinausap siya. "Alani was the mother of your baby. Don't try to hide it. I know." kumunot ang noo niya at sinubukang lumayo sa akin. "It's none of your business." Pinigilan ko siya sa pag-alis. "It is. It is my business because Alani was my sister. And the child that is in your possession is my niece...or nephew." He sarcastically coughed and titled his head. "Please stop. I know who you are. Alam kong hindi ikaw si Asea." Natigilan ako sa sinabi niya. What the hell. Paano? Marami bang nakakaalam ng sikreto ko na hindi ko pa alam? "How?" "Eon. He told me everything. He's my brother." Devian said before he left me hanging.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD