Volume 1 - Chapter 19

1329 Words
We're in the middle of the party. Kanina pa ako aligaga na umalis dito. Nakaupo lang ako sa sulok habang iniisip ang dahilan kung bakit kailangan sabihin ni Eon sa kapatid niya ang binabalak namin? at bakit hindi niya sinabi na kapatid niya si Devian? Ano 'to tagu-taguan ng sekreto pero pag sa akin, okay lang sabihin kahit kanino? Nabuhayan ang loob ko nang marinig ko na tumunog ang phone ko. Tinext na sa akin ni Suede ang rendezvous namin. Pagkabasa ko, agad kong inalis ang ngiti sa labi ko at nagmanman muna. Wala na sa paningin ko ang mag-asawa at hindi ko parin nakikita si Asea. Nasaan na kaya 'yon? Bahala na. Kaya na naman niya siguro ang sarili niya. I discreetly left the mansion and went to the garage. Ang dami nilang kotse rito, imposibleng malaman nila na nawawala 'tong kukunin ko. Tumigil ako sa isang maliit na resturant. Nagtaka ako sa una pero ng makita ko ang address nito at ang tinext sa akin ni Suede, dumiretso nalang ako. Bakit dito kami magkikita? hindi ba sa actual location na binibigay ng GPS? Pagkatapos ko i-park ang sasakyan, pumasok na ako sa loob. Natamaan ko kaagad si Suede at Bianca. Lumapit ako sa kanila pero natigilan ako nang makita ko si Suede na nakakunot ang mukha. "Buti nakatakas ka, Asea. Tara na. Huwag mo pansinin mukha ni Suede, parang semana santa, eh." Nauna na si Bianca at naiwan kaming dalawa. Umupo ako sa harap niya at tinanong kung anong problema. "Hind pumayag si Asea. Walang nagpapanggap na ikaw sa recollection ngayon." Nagulantang loob ko sa sinabi niya. So, bakit ako nandito? bakit niya ako tinext na makipagkita sa kanila? alam niya ba ang mangyayari pag nalaman ni Mr. Saldivar ang ginawa ko? Damn it! "Bakit ganiyan ka? bakit mo ako pinapunta rito? babalik na ako, Suede." Ano pa bang inaasahan ko? Bakit naman papayag 'yun si Asea sa plano namin? Pinigilan ako ni Suede at pinaupo ulit. "Andito ka na, Veanna. Susubukan lang nating bilisan 'to para makabalik ka na agad sa mansion nang hindi napapansin ng mga Saldivar. Huwag ka na bumalik." Tumigil ako at sinamaan siya ng tingin. Andito na rin ako, bakit hindi ko pa ituloy. At baka pagbumalik ako doon ngayon ay mahuli lang ako. "Tara na. Baka naiinis na sa atin si Bianca roon." Sambit ko at iniwan nang tuluyan si Suede. Tumigil ang kotseng sinasakyan namin sa isang siradong depot. Dito talaga? anong ginawa ng kagaya niyang tao sa isang depot? isa ba siyang caretaker sa umaga at hostile sa gabi? Dahil pahapon na rin, wala nang masyadong tao rito. Lumabas na kaming tatlo at sinubukan ko kung mabubuksan ang roll-up door. "Asea, anong ginagagawa mo diyan? hindi tayo papasok diyan. Doon tayo sa likod." Agad akong tumayo at sinundan sila papunta sa likod ng depot. Wow, may experience sila sa mga ganito ah. Bago kami makapasok sa loob, pinigilan ko sila dahil may napagtanto ako. "Paano nalang kung nakita natin ulit 'yung lalaki? Wala tayong laban sa kaniya kahit tatlo tayo kung may patalim siya." Umubo ng kaunti si Bianca at tumingin kay Suede. Dahan-dahan namang inilagay ni Suede ang pareho niyang kamay sa likod at inilabas ang hawak niyang baril. Holy s**t. "Sabi ko patalim, hindi baril! Atsaka saan mo nakuha 'yan?" "Nakatago lang 'to do'n sa kwarto ng tatay ko. Atsaka hindi ko naman ipuputok 'to. Gagawin lang nating panakot." Pagpapaliwanag ni Suede. Suminghap ako nauna nang dumiretso na sa loob. Pag siya talaga namali lang ng hawak ng baril na 'yon, may makakasunod talaga kay Eon. Binuksan naman ni Bianca ang hawak niyang flashlight at doon tumambad sa amin ang sandamakmak na mga metal containers. Hindi naman masyadong kalakihan ang lugar kaya siguro mahahanap namin agad ang pakay namin dito. "So anong hinanap natin dito?" tanong ni Bianca. "A main office or area something. Places like this have that kind of thing. Maghiwalay-hiwalay nalang tayong tatlo para makita natin agad." Sinimulan na namin ang paghahanap. Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at sinimulang maghanap. Andito ako ngayon pero nasa mansion ang isip ko. Natatakot ako sa gagawin ni Mr. Saldivar kapag nahuli niyang wala ako roon. Napaka-makapangyarihang tao ng matandang 'yon, sasampalin ka lang ng pera no'n para gawin mo ang gusto niya. Napatigil ako sa pag-iisip nang bigla kong marinig si Bianca na sumigaw. Dali-dali akong tumakbo sa pinanggagalingan ng tunog at agad akong napaatras sa nakita ko. Nahanap ni Bianca ang pakay namin pero nahuli na na naman siya. May nakatutok na naman na patalim sa kaniya. "You have been captivated two times, sweetheart." Ani nito kay Bianca. Napatingin ako kay Suede na kakadating lang. Nanlaki ang mga mata ko nang walang alinlangan niyang nilabas at tinutok ang baril sa lalaki. Napahawak ako sa buhok ko sa sobrang taranta. Alam niya ba kung paano gamitin 'yang bagay na 'yan? paano nalang kung si Bianca ang matamaan at hindi 'yung lalaki? anong nasa utak taong 'to? "Suede!" Dumapo ang tingin niya sa akin ngunit bumalik din iyon agad kay Bianca at sa lalaki. Natigilan sa pagsatsat ang lalaki dahil sa nakita niya. Is it working? are we scaring him now? Nilisan ng kaluluwa ko ang katawan ko nang marinig ko ang sigaw ng lalaki na bumalot sa buong lugar na 'to. Nabitawan niya si Bianca at ang hawak niyang patalim at unti-unting napaluhod habang nakapatong ang dalawang palad niya sa hita. Agad akong napatingin kay Bianca na ngayon ay hingal na hingal sa ginawa niya. I didn't see that one coming. "b***h, you thought." Ani ni Bianca sa lalaki at inapakan pa lalo ang swiss knife na nakabaon sa hita ng lalaki. Kinuha ni Bianca ang hawak na patalim ng lalaki kanina at lumapit pabalik sa amin. "Wow." The only thing that came out of my mouth. She shrugged her shoulders and smiled a little bit. Sinenyasan ko si Suede na lumapit doon sa lalaki dahil mukhang hindi naman niya kaya na lumaban pa. And we must say our gratitude to Bianca for that. Nakahiga na ngayon ang lalaki at namimilipit sa sakit na nararamdaman niya. He received what he did to our friend. He deserved it. And we would do it again for Eon. "Tell us where you hid the envelope that you took from us or otherwise, you won't be able to hear the gunshot of this because your head will be the one I will be pointing at." Banta ni Suede sa lalaki na nagpalaki ng mata ko. This night is full of surprises. Natawa ang lalaki sa sinabi ni Suede pero tinuro naman niya kung saan niya inilagay ang envelope. Agad akong lumapit sa isang table na pinalibutan ng mga plastic drawers. Una kong hinalungkat ang drawer ng lamesa at sumunod naman sa mga plastic drawers pero wala akong nakita. Napasigaw ako sa inis at itinuloy ang paghahanap sa mga carton boxes na nakalagay sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang envelope. Agad ko itong kinuha at binuksan at tumambad sa akin ang mga bagay na nakita namin sa apartment ni Dierro. I checked if something was missing, I wouldn't really know if something is missing because I don't actually know what were the original materials that were stuffed in this but I'd still did it. Everything is complete by so far. Even my phone. It's like this thing wasn't touched at all. Napatingin ako sa laman ng carton box na pinggalingan ng envelope at dumapo ang tingin ko sa iba't ibang mga disks na nakalagay sa plastic. Inilapag ko ang envelope at kinuha iyon. "MIU Footage. Month of May 2020." Lumapit sa akin si Bianca at sumilip sa mga bagay na nakita namin. "What? what's that?" ---------------- AN: I know that I used the year 2020 here despite everything that is happening. Let's just assume that this year is a normal year and not a wicked one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD