Walang pasubali akong lumapit sa lalaki at inapakan ang hita niya. Bumalot muli sa buong depot ang hiyaw niya. MIU stands for Maayan Ivy University. This man has the CCTV footage of our school in May 2020--- the month when Keziah was killed.
"Why? bakit? what's happening?" Nagtatakang tanong ni Bianca.
Lumingon ako kay Bianca at ipinakita sa kaniya ang mga disks. "These are footages you have been looking for. This is the whole CCTV records in the month of May. Baka andito na ang lahat ng sagot sa tanong mo."
Kinuha ni Bianca sa kamay ko ang mga disks at sinubukang panoorin 'yon sa nakagilid na pc. Ibinaling ko muli ang tingin ko sa lalaki at diniinan pa ang apak sa hita niya.
"Bakit na sa'yo ang mga footages na 'yon?"
Pilit siyang ngumisi sa akin at umiling. Napabuga ako ng hangin sa inis. Inaalis ko ang paa ko sa hita niya at lumapit kay Suede sabay agaw sa hawak niyang baril. Kinasa ko iyon habang pabalik ako sa lalaki.
"Hayop, hindi pala... nakakasa 'yan..." Natatawang sambit ng lalaki. Napairap ako sa sinabi niya at itinutok ang baril.
"If I were you, I'll start talking." Lumuhod ako sa gilid niya upang makita ko nang maigi ang pagmumukha ng lalaking 'to. Walang kwentang mukha 'yan, mukhang pera. Kung tama ang nasa isip ko na siya ang pumatay kay Keziah, hindi na siya makakatakas pa. Pero alam kong hindi siya ang pinaka-utak ng lahat ng 'to. Kung ganoon man, anong ginawa ni Keziah sa ganitong klase ng tao para patayin siya nito?
Itinutok ko ang baril sa sintido niya habang nakatingin kami sa mata ng isa't-isa. "Who are you?"
He doesn't look like a family type of man. Madali lang siyang ligpitin kung sakali mang maiputok ko 'to. "Veanna, you're not pulling the trigger, right?"
I did not glance to Suede. Okay, maybe I will not, but who knows? "Magsalita ka!" sigaw ko sa lalaki ngunit nanatiling lang siyang tahimik katulad kanina.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya, pero sigurado akong punong-puno na ako sa mga pagtawa niya. Itinutok ko sa ibang gawi ang baril at pinutok iyon.
Narinig ko ang pagsigaw ni Bianca at lumapit naman sa kaniya si Suede. "Do you know that I'm holding a revolver? Maybe we could pull off the Russian roulette?"
"Now talk."
Nawala sa mukha ng lalaking 'to ang pagngisi. Kita ko ang paglunok niya at ang pagseryoso ng mga mata niya. Napagtanto niya na siguro na hindi ako nakikipagbiruan. Mabuti naman. Hindi na talaga ako pwedeng magtagal dito dahil may kailangan pa akong balikan at nakasalalay doon lahat dahil kapag nahuli ako, mawawala lahat ng pinaghirapan namin.
"I'm a hired service. I was contacted by someone to do that."
"And who's that, someone?"
"Galileo Saldivar."
Of course. The one and the only man. I picked him up and let him sit. I did that so I could punch his face and knock him out. "You're not allowed to be awake. Have a good sleep." And I punched his jaw that made him unconscious.
Lumapit ako kay Suede at Bianca para sabihin sa kanila ang plano ko. "He didn't say anything. He chickened out and fainted when I said I would pull off the Russian roulette. Hindi ako nakakuha kahit anong impormasyon."
"That's okay. We have this." Bianca said pertaining to the disks and the envelope that we found.
"We have to hide him though. We still need him. So, sino sa inyong dalawa ang may taguan ng katawan ng tao?"
We left and continued our daily lives. Tinago namin ang katawan ng lalaki sa isa mga lugar na pagmamay-ari ni Bianca. Gusto niya raw na siya ang magbantay sa taong pumatay sa kapatid niya. Napagpasyahan namin na huwag muna sabihin kahit kanino na nasa amin ang killer. Gusto naming mahuli ang lahat ng may sala sa amin at pagsabayin silang ipakulong.
'Yon ang pinapaniwalaan ni Bianca dahil wala siyang kaalam-alam sa mga pinaggagawa ko. Pakiramdam ko minamanipulate ko si Bianca. Parang dinidikta ko sa kaniya kung ano ang dapat niyang maramdaman at malaman.
Pagkatapos ko i-park sa garahe ang sasakyang hiniram ko ay agad na akong bumalik sa loob ng mansion at sinubukan muling makipag halubilo. Mag aalas-syete na ng gabi at eight thirty matatapos ang ceremony. Dalawang oras din pala akong nawala. Habang nakikipag-usap ako sa mga tao, biglang may lumapit sa aking lalaki na mukhang nagtratrabaho sa mansion. Binulungan niya ako at sinabing tawag ako ni Don. Galileo.
Kumabog ang dibdib ko pagkatapos sabihin sa akin ng lalaki 'yon. Hayop. Ito na nga ang kinakatakutan ko. Napansin niya ba? s**t.
Sinundan ko ang lalaking bumulong sa akin at tumigil kami sa gazebo na nasa gitna ng plant sanctuary ng hacienda. Iginawi ng lalaki ang kamay niya patungo sa kinakaroon ni Mr. Saldivar. Tumango ako sa kaniya at ngumiti bago siya iwan.
Naabutan kong umiinom ng alak si Mr. Saldivar habang nakaupo sa isang metal chair. Nakatingin siya sa langit at nakatalikod siya sa akin. Umubo ako nang pakunwari para malaman niya na nandito na ako.
"So, you have seen my daughter. My Asea." Panimula niya bago siya tumayo at hinarap ang buong katawan sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya? Paano niya nalaman? Nag-usap ba sila? pumunta ba si Asea rito? Akala ko ba hindi siya pumayag sa sinabi ni Suede? Pahamak naman oh!
"I don't understand, sir." Pagsisinungaling ko.
Huminga siya nang malalim at sumimsim sa baso niya. Inalis niya muli ang tingin sa akin patungo sa ibang gawi. "My daughter---She doesn't know anything about what you and I have been doing and I intend to keep it that way now that she's in town."
So, I'm right. Nagkita sila. Bakit hindi nga ba ang totoong Asea ang gumagawa ng trabaho na 'to? Because he knows that Asea wouldn't approve of this, that's why I am here. Doing his dirty work.
"Okay, sir."
Hindi na siya sumagot sa akin kaya napagdesisyunan ko na umalis na. Pero bago pa ako makalayo sa kaniya nang tuluyan ay narinig ko ang pag ngisi niya pagkatapos sabihin ang mga salitang 'to. "What a cloy."
Holy s**t. Does he know about it too?