DANICA POV Kinabukasan, 5 am pa lang tumunog na ang alarm clock ko. Pisting yawa talaga, sanay na sanay na naman ako sa ganitong klase ng gising pero aminado talaga ako na ang hirap bumangon lalo na't mas lalo pang sumakit ang katawan ko ngayon. Ngunit alang alang kay sir Joshua na gusto akong makita ngayong araw, kailangan ko na itong ilaban. Ayaw ko nang mag aksya pa ng panahon. Di ko na gusto pang ma late kaya nag take na lamang ako ng gamot at saka ako kumain. Binawi ko na lamang sa kape ang kulang sa tulog kong mga oras. Grabe, iba pa rin talaga kapag mayroong inspirasyon. Grabe, ang sarap lang din nang pakiramdam ko na maging isang in love... yun nga lang kawawa ako kung walang sasalo sa akin. Pero ayos lang naman din siguro sapagkat naranasan ko rin kahit papaano yung feeling n

