CHELSEY POV "Sure ka na teh? Kasi parang ang hirap naman paniwalaan ng sinasabi mo eh!' sabi niya pa matapos ang ilang sandali. "Malamang sobrang seryoso ako sa sinasabi ko. Kailan pa ba ako nag biro sa chismis ha? I swear, talagang nakita ko talaga silang dalawa na magka halikan. Siguro naman ay paniniwalaan mo ang mga sinasabi ko sayo di ba?" wika ko pa sa kanya. "Sorry na, kilala naman kita Chelsey. And pasensya na rin kasi nakaka gulat naman talaga ang sinabi mo sa akin eh. Kita mo naman, wala sa hitsura ni sir ang papatol sa isang loner girl. At alam ko na sobrang sakit nito para sayo kasi di hamak naman na mas maganda ka at mas sexy sa babaeng yun. Kahit nga sa trabaho ay hindi ka kayang malamangan niyan. And then what? Mababalitaan na lamang natin na ganito?" "Well, isa lang na

