CHAPTER 36 POcky's Pov. Mahal na mahal ko na si Lenon, maiksi man ang panahon na nakasama ko siya at ang pagkakakilanlan ko sa kanya ay hindi ganoon kalalim, ngunit makikita naman sa kanyang mga kilos at galaw kung gaano siya kabuting tao at kasinsero sa akin. Idagdag pa dito ang respeto niya sa mga magulang ko at pakikisama niya ng maayos at pantay sa aming mga kasama sa bahay ay wantawsan points na sa akin. Kaya sino ba namang babae ang hindi mahuhulog sa kanya. Isang multi Billionaire na binata na napaka down to earth at piniling mamuhay ng simple kaysa mamuhay ng marangya at magwaldas ng kanyang yaman. Makipag socialites sa mga alta at magpakasarap sa loob at labas ng bansa. Kaya nang mag propose siya sa akin bilang opisyal na maging mag boyfriend ay hindi na ako nag pabebe pa

