CHAPTER 21 Pocky's Pov. Nakarating na kami ngayon dito sa mansion. Masaya kaming lahat lalo na ang aming mga kasama sa bahay. Marami silang mga biniling pasalubong sa kanilang mga pamilya. “Yaya Beth heto po ang aking token para sa inyo. Tayong mga girls lang po ang mayroon ng mga ganito.” Wika ko sa kanya sabay abot ko sa kanya ng pulseras na gawa sa mga shell na binili ko sa accessory booth nila Lenon kaninang umaga. “Ay ang ganda naman ng mga iyan Baby girl. Nakita ko nga din ang mga iyan kaso masyadong pricey kaya hindi ako bumili. Salamat at binilhan mo kami.” Tuwang tuwa si Yaya Beth at ang iba pa, nang iabot ko isa- isa ang kanila ding mga pulseras. “Your welcome po.” Shempre binigyan ko din si Mommy kanina sa van noong naka byahe pa kami. Gabi na nang nakauwi kami at sa labas

