CHAPTER 7 Pocky's Pov Kinabukasan ay babyahe kami pa- Norte para sa Special Celebration ng aking Birthday kasama ang aking pamilya at mga kasama sa bahay sa isang pinaka maganda at mahal Beach Resort sa Pangasinan ang EL Paradiso. Masaya at excited ang mga kasama namin sa bahay. Anim ang mga ito na kabilang si Yaya Beth. “Magiging mga Dyesebel nanaman tayo mga kumars. Dapat pa-sexyhan tayo doon. Ang k.j. ay manlilibre sa bawat isa sa atin ng branded na matitipuhan sa mall.” Sabi ni Yaya Beth sa kanyang mga kasamahan. “Naku pass ako jan sa pasexyhan dahil dala ko lagi ang salbabida ko.” Sagot ni Yaya Perla na natatawa. Nagtawanan naman ang kanyang mga kasama. “Oh sige. Pagandahan nalang ng suot na mga bikini. Kasi sigurado naman na naka bikini lahat tayo doon dahil bawal ang doray sa

