CHAPTER 30 Lenon's Pov. Hindi man pinlano na mag date kami ngayon ng mahal ko ay masaya ako dahil ang Panginoon na ang gumawa ng paraan. Sa Date naming ito ay marami akong natutunan sa mga bagay bagay at natikman na mga pagkain na sa tanda kong ito ay ngayon ko pa lang natikman na dati nadadaanan ko lang at hindi ko pinapansin. Ang balot lang talaga ang hindi ko buong kinain dahil awang awa ako sa duckling na hindi man lang hinayaan na mabuhay at mailuwal sa mundo. Nang makarating kami sa mansyon ng mga Sobrefenia ay naka abang sa may pintuan si Tita Susan at hinihintay ay pagdating namin ni Baby girl. Ito ang gusto ko sa pamilyang ito dahil ramdam na ramdam mo ang pagmamahal nila sa isa't- isa. Namimiss ko na tuloy ang aking mga magulang. Ganito rin si Mommy noong maliliit pa lang ka

