CHAPTER 26 3rd Person's Pov. Kinabukasan ay sabay na nagising ng maaga ang magkaibigang Pocky at Zasha. “Good morning Pated, anong gagawin natin ngayong araw?” Tanong ni Pocky kay Zasha na pupundat pundat pa ang kanyang mga mata. “Good morning din pated. Hindi ko pa alam. Mag almusal muna tayo habang iniisip kung anong ganap natin ngayon. Naaamoy ko na ang masarap na favorite kong waffle, nagutom tuloy ang mga alaga ko sa tiyan.” Sagot niya na nagtanggal na ng kanyang kumot at tumayo na agad sa kanyang pagkakahiga. “Waffle? Nananaginip ka yata. Hindi kami nag aalmusal ng waffle pated. Hindi kasi nila makuha ang recipe naming dalawa ni Gael kaya hindi nila sinusubukang magluto noon.” Natatawa na pagpapaliwanag sa kanya ni Pocky. “What? Eh iyon ang naaamoy ko eh. At hindi ako nagkakam

