CHAPTER 23 3rd Person's Pov. Continues Nagtagal ng ilang segundo na nakayakap si Lenon kay Pocky nang biglang may tumikhim. Si Don Rafael pala ito na nasa terrace ng kanilang silid sa second floor. “Gabi na Pocky anak, baka inaantok na iyang bisita mo.” Wika ni Don Rafael. Nagkatitigan naman silang dalawa ni Pocky at Lenon atsaka sabay na natawa dahil sa hiya. “Opo Daddy, uuwi na daw po siya at hinatid ko lang po siya dito sa harap.” Wika ni Pocky. “Mauna na po ako Tito. Maraming salamat po sa pag tanggap sa akin.” Paalam ni Lenon kay Don Rafael kahit na nasa itaas ang Don. Tango lang ang sagot niya sa binata. Hindi naman galit ang mukha niya at hindi din naman natutuwa. Maganda na ding maagang umalis para hindi ma badshot ito sa kanyang unang pag akyat ng ligaw, para makaulit pa i

