CHAPTER 18 3rd Person's Pov. Masaya silang nakabalik sa Resort at hindi matatawaran ang kanilang experience sa araw na ito. Diretso na sila sa kanilang mga kanya kanyang mga silid upang makaligo at makapag ayos ng kanilang mga sarili. Pagkatapos nilang sabay sabay na nag hapunan sa Restaurant ng Resort kasama pa din si Lenon ay nandito naman sila ngayon sa malapit sa dalampasigan at nag set sila ng bon fire dito at mga lounging chairs para kung gustong humiga ng iba ay makakahiga sila dahil sa pagod nila sa paglalaro at pamamasyal maghapon. Ngayon din ang announcement ng mga nanalo sa kanilang palaro kanina. Hinihintay lang nila ang iba pa nilang mga kasamahan. “Mabuti na lang talaga Hijo, at nasabi mo sa amin ang mga pasyalan dito. Nag enjoy kaming lahat salamat sa'yo.” Pagpapasalam

