CHAPTER 3
Lj's POV
Ano ba iyan , hirap naman ng ganto pero dapat masanay nako diba ? Pero teka ? Bakit kelangan ko maapektuhan ng ganito? Ang pagkakaalala ko ay hindi naman siya ang tinitibok ng puso ko .
Ano pa ba dapat ang gawin ko? Syempre wala ! Hindi ka naman mahal makiki etchos ka . Bakit ba kelangan ko maapektuhan kung hindi naman siya ang mahal ko? Hindi naman kaya mahal ko siya ? Hindi naman kaya nasisiraan na ako ng bait? Magkakagusto ka doon e hindi ka nga niya makita bilang babae .
Andito ako ngayon sa kusina . Madaming natakbo sa utak ko na ang gulo gulo , siguro pwede ako mahulog sakanya pero bawal ma fall ? Ang gulo ! Natatakot akong mahalin siya kase alam kong hindi naman ako kayang mahalin pabalik . Mas okay na yung napantasyahan mo na siya , wag mo nalang siyang mahalin .
Umupo nalamang ako sa upuan saka nangalumbaba sa lamesa , kinuha ko ang basong malapit sa gawi saka iyon nilagyan ng tubig at bahagyang ininon ko ng kaunti.
Napalingon ako sa salamin na kung saan ay pag nasa kusina ka ay makikita mo ang ginagawa nila pero pag nasa sala ka ay ang makikita mo lang sa salamin ay ang sarili mo .
Napangiti akong mapait ng makita kong nag tatawanan lamang sila mula sa sofa .
Bakit kase hindi ako maganda ? Bakit hindi ako ipinanganak na Sexy? Kelangan ba talagang maging katulad nila ako para mapansin niya ako?
' Hep! Luna Jane ! Magtigil ka nga , Ano ba talaga ? Mahal mo ba talaga siya ? or crush crush lang? ' Tanong ko sa aking sarili
Sa totoo niyan ay Crush crush ko lang siya nung kabataan namin .
Ngayon heto naman akong naguguluhan sa damdamin ko . Crush ko lang siya ,Okay? Kase Cute siya! Gwapo ! Ayon lang hanggang doon lang yon . Walang masama sa pagiging crush mo siya , ang masama ay mahulog ka sakanya! Jusko LJ malalagot tayo nito pag nahulog ka sakanya!
" Aisshhh! " Halos guluhin ko nalamang ang buhok ko ng dahil sa kakaisip ng nararamdaman ko kay Kevin at sa feelings ko sakanya .
" Selos ka no? " May nag tanong sa'akin ngunit agad ko naman itong sinagot habang ginugulo paren ang buhok ko at naka pikit .
" Oo , " Mabilis pa sa alas kwatro na sagot ko sa tanong ni ?
SINO NAG TANONG?
Agad akong napalingon sa gilid ko habang ang mga kamay ko ay nasa buhok ko paren .
Holy Crap!
" Tss, " Iniwas niya ang tingin sa'akin at yumuko siya bahagya upang tignan ang kanyang mga paa saka ibinilik muli ang tingin sa'akin.
Dama ko ang kaba sa aking dibdib ng tignan niya muli ako . May kung ano sa puso ko ang nakuha ng mga tingin niya .
Kelangan ko na siguraduhin ang nararamdaman ko para sakanya para habang maaga palang ay maiwasan ko na .
" H-ha? " Pag mamaang maangan ko at doon naman siya lumapit sakin , namilog ang mga mata ko ng gawin niyang pag lapit sa'akin.
Mabilis akong napatayo mula sa pag kakaupo ko kase palapit siya ng palapit sa akin hanggang sa tumigil ito ng ilang metro nalang ang lapit sa'akin.
Nakatingin ako sakanyang mga mata at ganoon din ang ginawa niya , halos ilang lunok ang nagawa ko dahil sa kabang dulot ng mga tingin niya sa'akin .
Ngunit ang kaninang kaba ko ay mas lalong umingaw sa pandinig ko ng ilapit niya ang mukha nito sa'akin na ikinaurong ko .
" A-ano ba ? lumayo ka nga! " Utal utal kong bigkas sa kanya ng mas ilapit niya pa ang kaniyang mukha sa'akin.
Umurong ako ngunit nabangga ko ang upuang inuupuan ko kanina kaya naman ay muntikan na kong ma out of balance.
Dinig ko ang malakas na lapag ng kaniyang palad sa mesa at ang kabilang kamay naman niya'y dumako sa aking bewang .
Ang puso kong sobrang bilis kung tumibok ay mas lalong bumilis ng ang mga tingin niya'y nakatutok lamang sa mga mata ko . Ang pag tititigan namin na kung saan doon umamin ang puso ko .
Friday , July 24 , 2016 umamin ang puso kong mahal si Kevin Rejanjo .
" Tss. " Ngumisi itong tumingin sakin saka binitawan ang bewang ko . Pakurap kurap akong tumingin sakanya bago ko ma realize ang nangyare .
Ngunit ganon pa lalo ang bigla ko ng lumapit ito muli sa'akin na halos konting konti nalang ay magtatama ang mga ilong namin .
Pinikit ko bahagya ang aking mga mata , hindi ako nag aantay ng halik ngunit hindi ko ren alam kung bakit ako pumikit na akala mo ay bibigyan niya ako ng halik .
" Oy , Ano ginagawa mo?" Napadilat ako agad saka kinagat ang labi kong ngumuso kanina sa kadahilanang akala ko ay hahalikan niya ako .
Hindi ako nakasagot sa mga tanong niya pero nakatingin parin ako sakanyang mga mata .
" Kala mo ba hahalikan kita? " Natatawang sabi nito habang nakatingin sa'akin. May pa pikit pikit pa ako at nguso , hindi naman pala ako hahalikan ! Bakit mo siya sinisisi kung ikaw ang umasa! Pag sasabi ko sa aking sariling nag tatalo dahil sa nangyari .
"Bakit ? Akala mo hahalikan nga kita ? I don't kiss a girl with a Nasty Ass Breath ," Nangunot ang mga Noo ko ng sabihin niya iyon sa'akin.
" I know ! Kase ang mga gusto mo lang halikan ay yung mga Girls na merong balls, Right?" Pamewang na saad ko na ikinagalaw ng kaniyang panga , mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko .
Ano pakiramdam ? Huh ? Ganyan ka sakin !
" Ahh, So you wanna talked that way huh?" Diin nitong bigkas saakin at halatang hindi nito nagustuhan ang aking sinabi sakanya .
Bakit siya magagalit? E siya naman itong nanguna!
" You started firsts! " Kumunot ang mga Noo kong sabihin iyon sakaniya na ikina ngisi nanaman niya .
" Look Ladybug, Sinasabi ko lang ang totoo kaya wag kang masaktan dahil thats the truth." Saka niya sinundot sundot ang aking Noo ng dalawang beses .
" Mukha bang makatarungan na sabihin mong amoy pwet ang hininga ko!? " Pag didipensa ko saaking sarili , hindi naman tamang sabihan niya ako ng ganon e siya nga itong muntikan na makipag make out sa kapya ni with balls .
" Oo na ! Manahimik ka na ! " Kunot noong sabi nito sa'akin habang ang mga panga niyang iginagalaw niya pakaliwat kanan .
" Bakit ako tatahimik ? Bawiin mo muna!" Pananabik sa sabi kong bawiin ang kaniyang sinabi sa'akin dahil masyado na iyon!
" Pag ikaw hindi pa tumahimik , Hahalikan na kita !" Namilog ang mga ko ng sabihin niya iyon , natikom ang bibig ko ng hindi inaasahan at nakatingin lamang sakanyang mga mukha .
Isang sabi niya lang ng iyon ay halos buong katawan ko ay apektado , pag dating talaga sa kaniya ay ganon ako .
Lumapit nanaman ito ulit saakin saka niya ipinikita ang kanyang mga mata habang ang mukha niyang papalit ng papalapit sa mukha ko .
Tibok ng puso ko ay akala mo parang ginigyera sa loob dahil kung maka t***k ay ramdam na ramdam ko .
Di ko hinayaang ipikit ang mga mata ko dahil alam kong ipraprank niya lang ako ngunit hindi mapakali ang puso ko kaya ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng maramdaman kong may kinuha ito sa likod ko .
Dumilat ang kanyang mga mata saka lumayo ng makuha niya ang gusto niyang kunin , bakit kelangan naka pikit pa at ilapit ang mukha saken ! Napaka mo talaga ! Siguro ay iniinis nanaman ako nito !
Halata bang may gusto ako sayo? Nararamdaman mo ba iyon? Bakit ganon ka saken !
Nakuha agad ng atensiyon ko ng uminom ito , agad akong lumingon sa basa ko ngunit wala na ito !
" Hoy ! Baso ko yan! " Habang turo turo ko ang hawak niyang basong iniinuman niya .
" Ito ? " Tanong niya ngunit ininom parin niya ang kaunting tubig na laman ng baso , dumila pa ito sa kaniyang mga labi na akala mo naman ay may lasa ang kanyang iniinom .
Di yan Gatas, Mahal ! Sarot!
" Ayan na baso mo , wala ka namang sinabi na sa iyo yung tubig " Bigkas niya saka isinuot ang dalawang kamay niya sa magkabilaang bulsa ng kanyang black short .
Ano ba trip niya ? Akala ko ba nangangalingasaw bad breath ko pero ininuman yung baso ko .
Nasisiraan na siya talaga ng tuktok .
Saglit pa ay umalis na ito sa kusina panigurado akong sa babae na ang punta niyon at hndi nga ako nag kamali doon nga siya dumiretsho .
Napaupo ako saka malakas na inuntog ang Noo ko sa mesa , kelangan kong magising na hindi ko siya Mahal!
Mahal mo nga siya! Bakit ba pinipilit mo sa sarili mong hindi mo siya mahal e tignan mo ang nangyayare sayo . Pinikit ko ang mga mata saka hinayaan ang utak kong mag isip ng kung ano ano na kung bakit siya ang mahal ko ? bakit siya pa ? .
Hindi tayo dapat magpaapekto masyado! Ano naman kung mahal mo siya! Ayoko ! Masasaktan lang ako! Hindi ! Hindi ko nanalam ang gagawin ko para matigil ang puso kong umibig pa sakanya !
Bakit ba siya pa !? Ano namang masama kung siya ang ibigin mo? Siya naman yung asawa mo kaya ayos lang!
Pag ikaw nag kagusto sa iba tapos may asawa ka , ibig sabihin ay nag che cheat ka ! Pero teka ! Bakit naman siya madaming babae ! Ibig sabihin pa non ay mag che cheat na siya saken !
Napadilat ang aking mga mata ng alalahanin ko ang aking sinabi , nag che cheat siya sa'akin kung ganon nga ! Dapat ba kong magalit ? O wala kong karapatan magalit ?
Hindi niya ako mahal ! Ikinasal kami dahil iyon ang gusto ng pamilya namin , hindi kami ikinasal dahil mahal namin ang isa't isa .
Tumayo ako saka dumako sa lababo , inaayos ko nalang kung anong meron na hugasan doon at dali dali itong hinugasan .
Sanay ako sa gawaing bahay , hindi naman ako pinalaki ng nanay ko na spoiled para hindi ako pag hugasin ng pinggan .
Lagi niyang sinasabi sa'akin na kapag marunong ka sa gawaing bahay ay magugustuhan ako ng magiging byenan ko at magagamit ko iyon kung sakaling ako nalamang ang mamuhay mag isa .
" Ate Lj , umalis na po yung kasamang babae ni Kuya Kevin ! " Balita agad saken ni Myra , parang kakarating lang non ah ? Bakit umalis agad ?
Hindi kaya may balls den ang isang iyon?
" Bakit agad umalis ang isang iyon no? " Tanong ko kay Myra habang inilalagay ang mga basong nahugasan ko sa patuluan saka ako nag punas ng kamay sa isang towel na nakasabit doon .
" Hindi ko rin po alam e ," Natatawang sabi nito saka may inilagay nanamang hugasan sa lababo .
" Ako na dyan ." Kuha ko sa mga baso pang muli ngunit hindi niya ako hinayaan .
" Ako na po! " Mabilis na sabi nito saka agad humarang upang hindi ko makuha ang mga dala niyang baso .
Mahina akong humalakhak saka pumunta sa sala para ligpitin lahat ng kalat nila .
Himala di dinala ni Kevin sa kwarto niya yung babae niya at ang aga natapos ng session nila ah . Ano naman kaya nakain non bakit naging ganon yon?
Baka naman ay hindi niya trip?
May kasalanan pa ang babaeng iyon sakin! Sinagasaan niya ang Bike ko!
Pero kada iniisip ko na umalis agad ang babaeng iyon ay hindi mawala sa labi ko ang mga ngiti .
Inayos ko ang sofang pinag upuan nila saka inispreyan ng anti bacteria , Alam niyo na mas okey na yung safe .
Winalisan ko din ang sahig ngunit napadako ang tingin ko sa isang bagay na nasa gilid ng sofa .
Isang lipstick ?
" Yak ! Ano to ? Lipstick ba to talaga ? Jusko panginoon ko . " Dagdag ko ng makitang hindi kaaya aya ang lipstick na ito , parang nakita ko na ito nung sinamahan kong mag Divisoria si Myra last Christmas e.
" Oh bakit nag ya yakyal ka dyan ? " Napatingin ako sa gawi niya na hindi ko alam kung saan ito nanggaling ! Bigla bigla nalang itong nasulpot !
" Ito, ito lang naman yung naiwan ng babae mo . " sabi ko sabay hinarap ko sa kanya ang lipstick ng babae niya .
" Ano yan ? " Tanong nito at halatang takang taka ng ipakita ko sakaniya ang lipstick .
Nanatili paren sa bulsa ng shorts niya habang nakatingin ito sa lipstick na hawak ko .
" Lipstick ." Taas kilay kong sabi sakaniya at bahagyang ngumiti ng nakakaasar .
" Oh , ano meron dyan ? " Tumaas ang kaniyang dalawang kilay na para bang walang pakielam sa sinasabi ko .
" Fake lipstick na mabibili mo sa bangketa na pwede kang malason or alam mo na ! Magkasakit kase iba chemical nito kesa sa original . " Kunyare pa akong nag iisip habang iniikot ikot ang lipstick na iyon sa daliri ko .
" I guess nasa 25 pesos lang to ? " Saka umarteng nag iisip ng presyo nito .
" Bakit ka bumili nyan ? Wala ka na bang pera ? " Tanong niya sa akin na para bang nag tataka kung bakit ako bumili ng ganito? Hindi nga ko masyadong Fan ng Make up tapos bibili pa ko ng pekeng Lipstick? Hindi nalang !
Di niya ba na gets sinabi ko? Na naiwan ito ng babaeng hinahalikan niya ?
" Ito gamit ng hinahalikan mo . " Mabilis nansaad ko sa kanya ngunit bigla nalang siyang namutla at tinakpan ng kanyang mga kamay ang kanyang sariling bunganga .
Nanlaki ang kaniyang singkit na mata saka agad tumakbo patungo sa kaniyang kwarto .