CHAPTER 4
Lj's POV
Ngayon ay nasa kwarto lang ako at kwarto ko lang bakit porket asawa ko na siya pwede na kami mag isang kwarto ?
Hindi niya kaya at hindi niya ren naman gugustuhin dahil hindi niya madadala ang mga babae niya sa bahay kung naandon ang mga gamit ko at doon ako natutulog .
Baka pumayag siya di ba nga ? kadiri daw ako diba ? Alam naman nating lahat na di kaaya aya ang mukha ko tapos tatabihan ko pa siya matulog? Para sakanya ang mukha ko ay isang panget na kulugo na tumama sa lubot o kung saan man at iyon ang nakikita niya sa mukha ko .
So ano naman kala mo siya lang lalaki sa mundo , hintayin niya lang ako , pag ako gumanda ! Who you ka talaga sa'akin !
Ang nakakatawa pa sa sinasabi ko ay akala mo talaga may igaganda ako sa lagay kong ito , aminin na nating hindi talaga ako kagandahan ngunit hindi naman ako ganon kapangit tulad ng iniisip ni Kevin , maayos naman ako ngunit hindi lang talaga ako pasok sa taste niya .
Ayoko naman isipin na magugustuhan niya ako dahil ang lintek na puso ko ay bigla bigla nalang natibok para sakanya!
Bakit sa dinami dami ng lalaki ? Bakit siya pa ang nagustuhan mo lintek na!
Hindi naman ako natatakot na masaktan or pag tawanan wala akong pake , nakaka inis lang , di ko talaga mapipigilan ang puso pag umibig .
Minsan nga naiisip ko kung maganda kaya ako tulad ng iba magugustuhan kaya ako ni Kevin ? Pero minsan naiisip ko ano kahihinatnan ko kung patuloy lang kaming ganto . Gusto ko mag ka pamilya , mag ka anak tulad ng ibang pamilyadong pamilya .
Nakahiga na lang ako sa kama ko habang nag iisip ng kung ano ano , dumagdag pa sa iniisip ko kung habang buhay nalang ba ganto ? Habang buhay nalang ba siyang mambababae at habang buhay nalang ba akong mag tatagong asawa niya at mag papanggap na Katulong niya o hindi kaya Personal Assistant?
Madaming napasok sa isip ko kasama na doon ang lungkot na hindi ko man lang mapigilang isipin dahil ayokong makita o maisip ang sarili ko na years from now ganito paren kami .
" Tss. So? Hindi ako magkaka anak! Ganon ba ! Teka ? Hindi ! Ayoko magkaroon ng anak sakanya ! Hindi sakaniya ! No way!" Para akong baliw na nagsasalitang magisa sa kama habang nakaiga lamang .
Hindi ako magkaka anak sakanya ! Ano ako nasisiraan ng isip? Ni hindi nga ako makitaan ng magandang mukha tapos babalakin pa kong makipag ano ! Chuchu! Hays basta!
Halos nawala ang pag pag iisip ko ng biglang may kumatok na tatlong beses sa aking pinto . Hindi ko mawari kung sino iyon dahil wala akong narinig na pangalan o tinig man lang upang makilanlan ko .
Teka mukhang kilala ko na kung sino ito ! Tss ! Siya nanaman ! Ano nanaman ang gusto niya . Umiinit ang ulo ko sakaniya talaga .
Napaupo ako sa kama ko saka tinignan ang pinto .
" Hala ka ! Jusko !" Gulat kong sabi ng biglang lumakas ang kalabog mula sa aking pinto na hindi ko inaasahan .
" May balak ka bang sirain ang pinto ko!? " Halos sigaw kong sabi saka agad tumayo at umalis sa aking kama .
Dali dali akong pumunta sa harap ng aking pinto saka nag kung ano anong make face doon . Iyon lang naman ang magagawa ko dahil wala naman akong laban sa kaniya kung tutuusin .
Alam ko naman kung para saan niya ako kinakatok , wala namang ibang dahilan para katukin niya ako dahil kaya lang naman siya nakatok ay para sa babaeng pupunta dito , ayun lamang at wala ng iba .
Nag make face ako na halos papangitin ko ang mukha ko sa harap ng aking pintuan ngunit ganon nalamang ang gulat ko ng bigla itong bumakas .
Holy Crap! Nanlaki ang mga mata ko ngunit hindi paren umayos ang mukha ko dahil naka make face paren ito .
Kita sa mukha niya ang pagka gulat ng mabuksan niya ang pinto ko saka parang nandiri akong tignan .
" Yuck ,. " Kumirat kirat ang aking isang mata saka ako napakurap . Luna Jane nakakahiya ka talaga .
Iniisip mo kung may pag asa ka ba niyang gustuhin ngunit heto ka nag mamake face at nakita pa niya .
Napayuko nalamang ako saka inisip na wag kang mag papahalatang may pake ka sa sinasabi niya . Tumingala ako at hinarap ang kaniyang mukha , ngayon ay magka tingin kaming dalawa . Siya itong nakataas ang dalawang kilay at ako naman itong nag papanggap na hindi tinablan ng hiya .
" Ano ang kelangan mo? " Pag tatanong ko sakaniya , halata saakin ang nahihiya itsura ngunit hindi ko iyon talaga matago dahil sa nag hahalo parin sa aking isip ang itsura kong nakita niya ngayon ngayon lamang . Nakakahiya talaga .
Napapikit pikit muna ito bahagya saka napaubo ng kaunti . Nakatingin lamang ako sakaniya ngunit agad akong napalunok ng basain nito ang kaniyang labi gamit ang kanyang dila .
Holy moly! Sana naging labi nalang ako!
Ano bayang pinag iisip mo! Parang kanikanilang ang sinasabi mo ay paano ko pipigilan ang sarili kong mahulog sa lalaking ito ngunit ngayon ay gusto kong maging labi ! Para ano ? Para dilaan ako!
" Panget , pupunta si maxine bukas kaya mag ayos ka ! " Sabi nito habang hawak ang doorknob ng pinto ko , mabuti nalamang at naayos namin ni Myra ang sirang Doorknob na iyon kanina dahil sa kagagawan ng lalaking ito .
" Ha? Nanaman ? " Halos hindi ako makapaniwalang tanong sakanya dahil sinunod sunod naman niya ata ang pag dadala ng babae dito .
Kung sino sino na ang nakakahalikan nito , tatawanan ko talaga to pag nagka sakit to ng Gingivitis e.
" Bakit ? " Taas kilay niyang tanong habang nakapatong ang kanyang siko sa doorknob ko.
Ngunit nanlaki nanaman ang aking mga munting mata ng ngumisi ito saka dinilaan ang kaniyang mga labi muli !
This is torture! Pinikit ko ang mga mata ko upang hindi ko makita ang kaniyang ginawa .
" W-wala! Oo na , sige na ! " Madali kong sabi saka agad pumanik sa aking kama , tinaklob ko ng aking kumot ang aking buong katawan na sa madaling salita ay nag tatago ako .
" Tss, Sabihin mo lang kung nahihirapan ka na . " Dinig kong sabi niya habang pumapasok sa loob ng aking silid . Pinikit ko ang aking mga mata ng marinig ko ang tinig niya .
" Nang hindi na isang taon ang hihintayin para sa Divorce natin. " Napadilat nalamang ako sa sinabi niyang iyon , kagat kagat ko ang aking labi saka tinggal ang kumot at bahagyang naupo ang pag sarado nalamang ng pinto ang aking nakita .
Years ago , nung nalaman kong ikakasal ako sakaniya . Nakiusap pa saakin non si Papa dahil ayaw niyang mawala ang pinamanang Company ni Lolo sakaniya at ang tanging paraan lamang para makakuha ng mas maraming shareholders .
The two companies were tired of beating each other up, bidding for the best employees.
Assuming they could make the arranged marriage work, they knew they’d be stronger together, especially against the new competitor from another company na unang nagpabagsak sa company ng Lolo ko which is own by my Father now .
Since Rejanjo Corp is one of my Father Treasure friends at doon nila naisip ang Arrange Marriage na naging successful naman .
No choice si Kevin non , nagwawala pa nga siya non , sinabihan pakong mukhang unggoy sa isang sikat na resto .
Hindi ba naman sira ang tuktok diba !
Nung kinasal kame mukha siyang taeng tae , Sabi niya saken nung nasa bahay na kame after one year mag didivorce kami with pinky swear jusko .
As if naman na may padivorsan sa pinas e annulment lang meron dito ngunit ng maalala ko hindi nga pala kame dito ikinasal .
Alam kong nag research na siya about doon kaya alam kong tototohanin niya ang sinabi niya .
Pero seryoso ? Nung time na ikinasal kame ang nasa isip ko lang noon ay makakatulong ako kay Papa at Mama . Ito na yung time para hindi na ma stress si papa sa company at hindi na umiyak ng umiyak si mama .
Wala sa isip ko ang magustuhan ko siya noon dahil ang totoong nasa isip ko lamang ay tulungan ang pamilya ko , para saakin isa lang siyang taeng laging nakasimangot .
At nitong nakaraang araw lamang? Inamin ko sa sarili ko na may gusto na ako sa lalaking iyon . Well , sino nga bang hindi mahuhulog sakaniya?
Masyadong maraming nangyare saakin at bagong kapa kapa sa buhay ko nung ikasal ako sa kaniya .
Madaming Bash ang inabot ko madaming hablot at pag bibigay ng mga gamit para ibigay ko kay Kevin , madaming nagalit at higit sa lahat lagi akong pagod noon dahil alam ng lahat na ako ang Personal Assistant niya kaya naman madaming gifts at letters ang bitbit ko araw araw.
Sa taong magkasama kame , nasanay ako na lagi niya akong inuurat . Sinasabihang Panget o hindi naman kaya Kokey sinasabihang Unggoy , bago lang yung bad breath kase hindi ako nakapag toothbrush ata nung time na iyon .
Nakaramdam ako ng uhaw sa aking katawan kaya naman ay agad akong bumaba upang kumuha ng tubig sa ref.
Naglagay ako ng tubig mula sa aking baso saka ako umupo sa upuan na kung saan ay doon lagi ako naupo .
Maingay na paginom ang aking nagawa saka iyon inilapag sa mesa .
" Ahh~ " Munting bigkas ko ng makainom ako ng tubig at maramdaman ko ang tubig na hinahanap ng aking katawan .
" Lj ! " Halos magulantang ako ng biglang sumulpot sa gilid ko si Myra .
" Jusko! Bakit ? " Hawak hawak ko pa ang aking dibdib habang nagbitaw ng hangin .
" Bakitt ayaw mong sabihin? " Napatingin ako sakaniya at inisip ang tanong nito sakin . Bakit ayaw kong sabihin ang ano? Dali dali itong umupo sa tabi ko .
" Ha? " Pag ito sinabihan akong Hatdog , susungalngalin ko to .
" Okay , Satingin ko kase may poblema ka kaya sabihin mo na sakin . " Pakindat pang sabi nito saken , hindi ko talaga siya magets .
" Ha? " Ulit kong tanong dahil naguguluhan talaga ako sa mga tanong niya .
" Hello ? Ilang years na kita kilala mas matanda kalang saken ng ilang taon pero syempre alam ko na kung may pinag dadaanan ka o wala ." Ngumiti ito saakin saka siya nangalumbaba mula sa mesa .
Nakatingin lamang ako sakaniya , sa totoo lang ay nanlambot ang puso ko sa sinabi niya .
" Bakit hindi mo nalang aminin kay Kuya Kevin ang nararamdaman mo ? " Sabi niya sabay kuha ng baso ko at ininum ang laman niyon.
Naalala ko doon ang ginawa ni Kevin nito lang kung saan doon ko narealize na nahulog na ako sakaniya.
" Alam mo kung ako sayo Ate Lj ? Sasabihin ko na para sa huli kung may pagsisihan man ako atleast nagawa kong umamin at hindi ko pag sisihan na wala akong ginawa . " Pataas taas ang kaniyang mga kilay habang sinasabi niya iyon saken .
" Hindi mo ba talaga ako naiintindihan? Okay, ganito na lang ! " Nilapag niya ang kanyang mga kamay sa lamesa at ako naman tong nangalumbaba habang tinitignan siya .
" Ano nanaman yan? " Hindi ko naren alam basta sumunod nalamang ako sa pinaggagawa niya.
" Sagutin mo to ah! " Napataray naman ako ng utusan niya akong sagutin ko ang mga katanungan niya.
" Oo na lang . " Walang ganang sabi ko saka ako tumungo tungo habang napikit .
" Yung maayos na sagot ! " Pagbabanta niya sa akin na akala mo ay may tinanong na ito saken.
" Wala ka pang tanong neneng ! " Halos mabilis na bigkas ko sakaniya na kinahalakhak naman niya .
" Okay , ito na yung tanong ko , mahal mo ba si Kuya Kevin ? " Pabulong na tanong nito sakin na ikinalaki ng aking mga mata .
Bakas saken ang gulat dahil sa katanungan niya .
" Ano bang klaseng tanong yan ? " Hindi ko masagot ang tanong niya kaya ibinalik ko nalamang ang tanong .
" Sagutin mo , Oo o Hindi ? " Mabilis na tanong nito sakin .
" Pass ." Mas mabilis ko pang sabi dahil ayoko sagutin ang tanong niya .
" Anong pass ? " Pakamot na sabi niya at halatang naiinis ito sa sinabi ko .
" Next question . " Walang ganang sabi ko ngunit gulat nalamang ako ng pitikin nito ang aking Noo.
" Aray maka pitik naman to! " Napahawak ako sa noo ko , ang sakit non ah .
" Sagot na kase ! " Inis na bigkas niya sa'akin na halatang naubusan na ng pasensiya .
" Oo na ! Okay? Gusto ko siya ! Mahal ko siya ! Okay na ? " Pasigaw na sabi ko sa kanya na hindi ko namalayang nakaupo na pala ako ng maayos at naisigaw ko ang sinasabi ng puso ko .
" Oh! ayon naman pala e . " Halos mairita na siyang sinasabi iyon saakin saka sumandal sa at nag crossed arm .
" Teka ? " Napabaling ako sa ginawa niya sa'akin kanina .
" Bakit ? " Pabalik na tanong niyang tanong sa'akin .
" Pinitik mo ang Noo ko samantalang ako ang Amo mo dito! " Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit hindi ko matago ang ngiti saaking labi .
Tumayo naman siya at tinignan ako bahagya saka ito biglang tumakbo sabay sigaw .
"Oo nga no! Sorry !! " Rinig kong sabi nito habang natakbo palayo sa'akin. Natawa nalamang ako sakanyang ginawa .
Bumalik ako sa pagka pangalumbaba at inisip ko ay mga sinabi ni Myra sa'akin.
Kailan ko ba balak aminin ang aking nararamdaman sa kanya? Nakakatakot isipin baka pagtawanan lang niya ako .
Wag nalang .