CHAPTER 5
Lj's POV
Okay , ito nanaman ang aking outfit for today. My maid outfit, feeling ko ako na si Misaki ng Maidsama kaso hindi si Kevin si Usui Takumi dahil di hamak naman na mas pogi si Usui kaysa kay Kevin no .
Tinitignan ko lamang ang aking itsura sa tapat ng aking salamin , mukhang pangkatulong talaga ang peg ko ! O mukha lang talaga akong katulog?
Paside side akong tumitingin sa aking sarili sa tapat ng salamin saka ngumingiti , Wew ! Mukha akong cosplayer talaga ! Wala namang gantong katulong ang mag susuot sa panahon ngayon !
Pero kung aalisin ko ang puti na nakapulupot sa bewang ko ay mukha lang siyang normal na black dress na medyo baduy .
Lumabas na ako ng kwarto ko na may dala dalang walis . Syempre need ng props para mas mukhang makatotohanan .
Once talaga na nalaman ni daddy itong kalokohan na ito lagot ka talaga Kevin . Kayang kaya ko naman mag sumbong e .
Kung hindi ko lang talaga kita mahal iyong lalaki na iyon .
Pababa na ako ng marinig ko ang telepono kaya naman dali dali akong pumaroon .
Agad kong sinagot ang kabilang linya .
" Ma'am may bisita ho ba si Sir.Kevin ? Maxine daw po ang pangalan niya . " Tanong ng guard mula sa kabilang linya .
" Opo kuya , papasukin niyo na lang siya ." Galang na sabi ko at saka ibinaba ang telepono .
Ilang saglit laman ay narinig ko ang tunog ng Kotsheng kapapasok lamang sa gate . Silip akong tumingin sa bintana kaya naman nakita ko ang sasakyang papara mula sa gilid .
Agad akong lumabas ng pinto saka pumunta sa gawi ng sasakyan , inaantay ko ang paglabas ni Maxine na kung saan ay nasa loob paren ng kanyang sasakyan .
" Hello po , Ma'am ." May ngiting pag bati ko ng makababa ito sa sasakyan.
Ang plastic mo talaga Luna , pwede ka na pang Best Actress baka makakuha ka pa ng Oscar Awards sa pag arte mo .
" Hello din . " Sabi niya at sinuklian ako ng ngiti , nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan itong nakaalis sa kanyang kotshe .
Ang katawan niyang napaka ganda at hugis ng kanyang mukha na napaka liit . Mahahalata mo sakaniya na may halo itong Chinese? Japanese ? Hindi ko maalam ang lahi niya pero singkit ang mga mata niya .
" Wooyy ! " Gulat na asik ko ng inihagis ba naman sa'akin ang kaniyang Bag na buti nalamang ay aking nasalo .
" Why ? " Maarteng tanong nito saka naglakad pa diretsho , hindi na nito inantay ang sagot at agad agad nalamang itong dumiretsho papaloob ng bahay .
" N-nothing . " Habol na sagot ko saka ako sumunod sa kanya ng makarating na siya sa aming sala ay nilagay ko na sa desk ang bag niya , wait? hindi pala hinagis ko pa desk .
" What the heck ? My Gucci ! " Sigaw na sabi nito ng marinig niya ang pag tama ng kaniyang bag sa desk . Patakbo naman itong pumunta roon at dinig na dinig ko ang tunog ng kaniyang heels .
Mabilis na yinakap nito ang kaniyang bag saka iyon tinignan kung nagkaroon ng dents ng masatisfied ito ay binuhasan ako nito ng masamang tingin .
" Sorry , dumulas sa kamay ko ." Pag peace sign kong sabi sakanya na ikinausok ng kanyang ilong.
" How could you? Do you know that this Gucci bag is expensive? " Halos inis na inis na pagtatanong niya sa'akin . Alam kong mahal yan itapon ko pa iyan sa labas e.
Nagkibit balikat nalamang ako na parang sinasabing wala , wala akong alam sa presyo ng bag mo .
" You Dolt ." Halos nanlaki ang mga mata ko ng sabihan niya akong Dolt ! Sana talaga ay sinipa ko nalang ang bag niya palabas ng bahay e .
Nawala ang tingin nito saken ng bumaba si Kevin mula sa itaas .
"Hey , Maxine Tiu ." Masayang bati ni Kevin kay Maxine saka niya ito pinaunlakan ng beso .
Hinawakan nito ang bewang ni Maxine saka may ibinulong dito na napahampas naman bigla ang si Maxine kay Kevin .
Aminado akong paunti unti kong hindi nagugustuhan ang nakikita ko dahil nakakaramdam ako ng konting sakit mula sa aking dibdib .
" Drinks? Wine? " Pag aalok ni Kevin ng makaupo sila sa Sofa habang ang mga kamay niya'y nasa bewang paren ni Maxine.
" Yeah! I'd love to ." Malambing na sabi ni Maxine at dahan dahang hinaplos ang pisnge ni Kevin .
" Wine ? " Natatawang asik naman ni Kevin habang nakangiti at nakatingin kay Maxine.
Tumungo tungo naman si Maxine sa tanong ni Kevin .
" Sure , Lj kumuha ka ng wine . " Bumaling sa'akin ang tingin ni Kevin saka tinungahan nito .
" Wala na po tayong Wine , Hard drinks nalang po ang meron tayo . " Pagpapaalala ko sakanya dahil ubos na ang mga Wines at champagne na naririto .
" Go Buy! " Sabat ni Maxine na ikinagulat ko , bakit hindi ikaw ang bumili? Gusto kong sabihin ngunit hindi maari .
" Hey , don't be harsh to her ." Napatingin ako kay Kevin ng sabihin niya iyon dahil ngayon lamang niya ako ipinagtanggol sa lahat ng babae niya .
Hindi naman kaya nag papakitang gilas lang siya?
Makasabi ng Don't be harsh to her , e siya nga itong ubod ng harsh sa'akin .
" That freaking stupid Personal Assistant, your stupid personal Assistant, she threw my limited edition Gucci , Shame her ! " Turo niya sakin , tumaas ang dalawa kong kilay saka pinilit na huwag matawa.
' Hahaha baka gusto mong sunugin ko payan sa harapan mo ' Pag sasalita ko sa isip ko .
Hindi iyon pinansin ni Kevin at lumapit sa'akin .
" Here , bumili ka ng wine. " Pag uutos nito saka may kinuha sakanyang wallet at ibinigay sa'akin.
" Pakibilis naren ." Napatingin ako sa likod ni Kevin kung saan nakita kong nakaupo ang isang mukang utot na babae .
Bumalik na si Kevin sa kinauupuan niya at tinunguan niya na ako na parang pina paalis na ako nito .
Lalabas na sana ako ng bigla namang sumulpot si Myra .
Gulat akong napatingin sakaniya , ano ba siya Mushroom? Bigla nalang nasulpot?
" Samahan kita ? " Tanong nito sa'akin.
This adorable witch may care den pala sa'akin kahit na napaka nito minsan at walang galang.
" Hindi na kaya ko na , Dito ka nalang at bantayan mo yung nandon . " Turo ko papuntang sala na kung saan ay naandon sina Kevin at Maxine .
" Baka maligaw ka nanaman ? " Nag aalalang tanong niya saken. Natawa naman ako ng sabihin niya iyon .
" Hindi na kaya ko na talaga ,besides kaylangan ko na matuto ilang taon na ko nakatira dito sa village na to di ko paren kabisado yung mga pasikot sikot . " Pag kukumbinsi ko sakanya .
" Pero alam mo naman palabas diba saka pabalik? " Halata sakaniya ang pagaalala saakin.
" Ofcourse ! Ano kaba remember naglalakad lang ako last year pauwi dahil iniiwan ako ni Kevin. " Pagpapaliwanag ko sa kanya .
At hindi ko na siya hinayaang pang magsalita dahil umalis na ako , nasa gate na ako ng tinanong ako ni manong.
"Ma'am Lj , Saan po kayo pupunta? " Tanong ni Manong Renny sa'akin .
" Bibili lang po. " Pag papaalam ko sakaniya .
" Sige po Ma'am . " Sabi nito kaya agad na akong lumabas ng gate at tinahak ang isang convenient store na matatagpuan mo pag lumabas ka ng Village
**
Ilang saglit pa ng makarating ako sa labas ng Village namin , hindi naman kalayuan samin ngunit medyo nakakapagod maglakad .
Agad akong pumasok sa loob at ang unang tumambad sa'akin ay ang lamig na nag mumula sa aircon . Ang sarap !
Nag ikot ikot muna ako sa loob saka ako kumuha ng Red Wine at binayaraan iyon sa Cashier.
Yakap yakap ko ang aking Wine na binili saka ko inilalagay ang barya baryang sukli saaking bulsa .
" Ano bayan! " Halos dabog ko ng mahulog ang limang piso saaking kamay kaya naman ay pinulot ko iyon .
Mabilis kong nakuha ang barya saka agad dumiretsho ng tayo ngunit sa isang iglap lang ay may tumabig sa aking braso kaya't nahulog ang bitbit kong wine .
Rinig na rinig ko ang tunog ng babasagin na Wine na iyon mula sa lapag na sa sobrang taranta ko ay bigla kong dinampot ito kahit basag basag na .
" Ouch! " Daing ko ng maramdaman kong may gumuhit sa aking palad , dahan dahan kong iniharap ang aking palad saking harap ng makita ko ang tumutulo nitong dugo mula sa aking palad .
Dugo ? Dugo ! Kung kanina ay natataranta na ako , ngayon ay mas lalo na . Hindi ako mapakali ng makita ko ang dugo saaking kamay .
Ngunit ganon nalamang kabilis ang nangyare ng may mabilis na humablot sa aking kamay saka iyon pinalibutan ng panyo .
" f**k , Sorry miss . " Dinig kong sabi nito sa'akin saka ako nito hinila patungo sa isang upuan .
" Wait here . " Utos niyon saakin ngunit hindi ko ito nabigyan pansin ng isipin kong malalagot ako kay Kevin .
Tinignan ko ang nabasag na Wine sa di kalayuan na ngayon ay nililinis na ng isang babae .
" Are you alright? " Napalingon ako sa nagtanong sa'akin at ganon nalamang ang gulat at bigla sa aking katawan .
Palunok ko siyang tinignan at ganon paren ang pagkabiglang tingin ko sakaniya .
" Hey? " Kaway kaway nitong sabi sa'akin dahil para akong timang na nakatingin sakaniya .
" Ha? Ano po yon? " Hindi ko alam kung bakit ako kinakausap nito dahil wala naman akong makitang dahilan para kausapin niya ako .
Nginitian niya lang ako saka kinuha ang kamay ko at ipinatong sa lamesa.
Napatingin ako sa bawat lagay niya sa mesa ng Betadine , bulak at iba pa .
Una niyang binuhusan ng mineral na tubig ang sugat ko na wala akong kamalay malay .
" Ahck ." Ang hapdi , di man lang ako sinabihan , hindi man lang ako updated.
Sunod na ginawa niya ay dinampian ito ng betadine gamit ang bulak saka nito nilagyan ng benda na ipinalibot niya sa buong kamay ko .
Nang matapos iyon ay inilagay niya ang kamay ko sa aking hita .
" Sorry sa nangyare . " Pag papasensiya niya saatkin .
So , siya ang bumangga sa'akin?
" It's okay , kaso yung wine kase hindi kase sakin yon . " At tumingin ulit sa kung saan nabasag ang wine ngayon ay malinis na ito .
" About sa wine, bibili nalang ako para mapalitan ." Ngiting sabi nito sa'akin .
" T-thank you ." Utal utal na pag papasalamat ko sakaniya dahil kung sa iba iyon? Ay baka sabihin pa nilang kasalanan ko .
" No need to say thank you besides kalasanan ko naman ." Ngiti ulit nitong sabi sa'akin , nahawa naman ako sa mga ngiti niya kaya naman ay napangiti rin ako .
" Here. " Abot niya saken ng isang paperbag , sinilip ko naman iyon at doon ko nakita ang katulad ng Wine na ibinili ko kanina.
" Thank you ,." Pag papasalamat ko ulit sakaniya dahil napaka bait niya .
" I told you to not to say Thank you cause its my fault . " Saka nito ginulo ang buhok ko .
Feeling close to ! Ngumiti lang den ako feeling close naren siya !
" Lets go, I'll take you a ride ." Ngiting sabi nito sa'akin muli saka ako niyayang ihatid .
" A-ano , hindi na thank you nalang ."
Mabilis na sabi ko saka ako tumayo agad at hinawakan yung red wine ng mabuti baka malaglag nanaman e.
Kahit medyo masakit ay dama ko ang kirot ng sugat ko ay mas minabuti ko paring hawakan ng maayos ang Wine .
Mabilis akong lumabas ng Convenient Store dahil naalala kong pinagmamadali ako ni Kevin . Magagalit nanaman iyon sa'akin panigurado .
" Miss ." Nagulat nalamang ako ng tawagin niya ako , alam kong siya iyon kaya naman mabilis akong naglakad papalayo .
" Hey ! What's your name? " Mabilis itong tumakbo papalapit sakin saka humarang sa harap ko .
" Ha? Ano . Lj ! Bye ! " Mabilis na sabi ko at gumilid upang umalis ngunit humarang nanaman niya .
" My pleasure to meet you Lj , I'm Yohan . " Pag abot niya ng kamay sa'akin saka ngumiti ulit .
Ang chinito nitong mata ang nakakuha ng atensiyon ko kanina ng tanungin niya ako .
" May benda kase e, di kita ma hahandshake . Nice to meet you too , sige alis na ko ." Ngiting pag papaalam ko sakaniya.
" Let's go , Don't worry wala akong ibang intentions sayo. " Kindat nitong sabi sa'akin.
" E-eh ? " Ayon nalamang ang nasabi ko ng mabilis niya akong hablutin .
" Let's go. " Hinawakan niya yung paper bag na hawak ko at hinawakan niya ang kanang kamay ko .
Binuksan niya yung pinto ng kaniyang kotse at saka ako pinasakay doon .
" Hindi na.." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil agad naman niyang sinarado ang pinto ng kaniyang kotse .
Sasabihin ko sanang hindi na , kaya ko namang umuwi mag isa ngunit naandito na ako .
" Saan ka ba nakatira ? " Ang pagtatagalog niya ay medyo slang ngunit matuwid ang kaniyang pag tatagalog dahil sa itsura niya ay mukha siyang taga ibang bansa talaga .
" S-sa Vermosa ." Pag sasabi ko sakaniya na na ikinalaki ng kaniyang singkit na mata.
" Doon ka din nakatira? " May accent mag tagalog halatang di pa siya sanay mag tagalog di naman siya mukhang American boy pero mukhang siyang koreano or hapon or chinese?
" B-bakit ?" Nauutal na tanong ko sakaniya, alam ko hindi ako mukhang nakatira sa Vermosa Estate dahil ang panget ko ba naman .
" It's just were on the same Village . " Natatawang sabi nito saka pinaandar nito ang kanyang sasakyan .
Sa loob ng ilang minuto ay tawa ako ng tawa sa mga kwento niya habang nag dridrive siya papuntang Vermosa Estate.
Nag kwento siya ng nag kwento nang mga nakakatawa na kung saan pinag kamalan daw nung bata siya ay lumabas daw siya ng walang shorts at umiga sa snow .
Di nag tagal ay nasa tapat na kami ng Bahay namin saka ako ngumiti ulit sakaniya.
" Thank you , this time dahil hinatid mo ko ." Pasasalamat ko sakaniya dahil sa paghatid niya sa'akin.
" Welcome ." Sabi nito saka ako bumaba ng Sasakyan nito , papasok na sana ako ng gate ng marinig kong tinawag niya ako .
" Lj! " Napalingon ako sa gawi niya , nakababa ang kaniyang salamin ng sasakyan at nakasilip ito doon .
" Bakit ? " Natatawang tanong ko sakaniya .
" Digits ? " Halakhak nitong patanong saakin, sumilip ako sa bintana ng sasakyan nito saka hiningi ang kaniyang phone.
" Akin na phone mo . " Pag abot nito sa'akin ay saka ko inilagay ang numero ko doon at ibinalik iyon sakaniya.
" Ingat ! " Pag sasabi ko saka nag paalam sa kaniya .
" Thanks , Text nalang ako bye." Asik nito saka pinaandar ang kaniyang kotshe .