CHAPTER 6
Lj's POV
Napaka tagal naman ng babang iyon , saan lupalop pa siya bumili?
" Kevin, matagal pa ba yung pinabibili mong wine? " Napalingon ako sa gawi ng babaeng katabi ko ngayon .
Ngunit hindi ako mapakaling tignan ng tignan ang pinto kung naandito na ba ang babaeng iyon .
" That Psychotic b***h , bakit ba siya yung napili mong maging Personal Assistant? May ihihire ako sayo much better than her . " Pananabik nitong saad ngunit agad sumimangot ang mukha ko ng marinig ko ang Psychotic b***h na sinabi nito kay Lj.
" Maxine , don't call Psychotic b***h . Wag mo gawing salamin ang Personal Assistant ko ." Hindi naman ako laging ganito sa mga babaeng lumalait kay Lj ngunit hindi maganda sa pandinig ko ang sinabi niya na ikinainit ng ulo ko .
" Let me correct you , Psychotic Assistant yon ." Kindat na sabi nito sa'akin saka nag pipindot pindot sakaniyang hawak na telepono .
Umalis ako sa pagkaupo at agad pumunta sa pintuan .
Baka naligaw nanaman yung panget na iyon . Last time na nangyare ito ay naligaw ang babaeng iyon at hindi maganda ang kinalabasan .
* FLASHBACK *
" Wala pa ba si Lj? " Tanong ko kay Myra na ngayon ay kinakabahan sapagkat ang babaeng iyon ay wala pa .
" Wala pa po kuya Kevin e . " Halata sa mukha nito ang pagkakaba ng sagutin niya ang aking tanong .
Asan na ba ang babaeng iyon? Tss . Hindi ako nakikipag biruan sayo panget kaya umuwi ka na .
" Anong oras na saan ba nagpunta yon? " inis na tanong ko kay Myra , sakanya ko nabuhos ang inis na meron ngayon saaking katawan .
" Pupunta daw po siya ng supermarket e, gro-grocery daw po siya para malutuan ka niya for dinner ." Napapikit ako ng malaman ko ang dahilan , hindi pa nito kabisado ang daan dito sana ay nagpasama nalamang siya .
Bakit pa niya ako kelangan lutuan kung meron namang nagluluto para samin . Bakit ba ang utak mo ay hindi mo ginagamit Luna Jane!
At kahit naman magluto siya ay hindi ko paren naman babalaking tikman iyon dahil alam ko na agad ang lasa .
Ayoko pa mamatay .
" May cellphone number ka ba non? " Tanong ko sakaniya habang siya ay nakayuko lamang .
" Wala po akong cellphone kuya Kevin ." Humarap ito ng tingin sa'akin saka nag kamot sa kanyang sintido habang sinasabi niya iyon sa'akin.
Pag ikaw talaga Luna Jane ! Simangot ang makikita sa aking mukha dahil sa hindi maiwasang pag alala . Alas kwatro umalis ngunit Alas nuwebe na ngunit wala parin siya dito .
Patakbo akong lumabas at binalak na libutin ang buong Estate saka ang Supermarket na malapit dito upang hanapin ang babaeng iyon .
" Kuya Kevin !" Nahinto ko ang pagbukas ng aking kotshe ng tawagin ako ni Myra habang siya'y patakbo sa gawi ko .
Hingal hingal itong humarap sa'akin .
" What ? " Pagmamadaling tanong ko habang ako ay pumapasok sa kotshe dahil hindi na kelangan pang patagalin ito .
" Kabisado ko po ang number ni Lj ." Napapikit nalamang ako ng sambitin niya iyon sa'akin .
Ewan ko kung may utak ba to o wala? Bagay talaga kayo magsama ng kaibigan mong Brainless den .
" Akin na bilisan mo , Baka napano nayon sa daan ." Pagmamadali kong inabot sa kanya ang aking cellphone at agad naman niya itong kinuha at tinype ang mga numero .
Iniaabot nito sa'akin ang aking telepono saka iyon mabilis na dinial .
LJ Dialling ......
Malakas na palad ang tumama sa aking horn ng panay ring lamang ang nasa kabilang linya . Hindi niya ito sinasagot .
Muli kong pinatay ang linya saka iyon muling tinawagan .
Pag ito hindi mo sinagot malalagot ka talaga saken . Ilang ring lamang ay nagulat ako ng sinagot nito ang aking tawag .
" Hello ! Lj asan ka ba ! Alam mo ba kung anong oras na ha !" Sigaw ko sa kabilang linya ngunit tila walang nasagot .
Talaga bang inaasar mo ako?
" Ano ba sumagot ka !" Sigaw ko muli ngunit wala paring nagsasalita hanggang narinig ko sa kabilang linya ay ang boses ng isang lalaki .
" Pre , tignan mo yung babae ." Sabi ng lalaki sa kabilang linya .
Hindi ito kalinawan pero sapat na para maintindihan mo ang kanyang sinasabi .
'Pre tignan mo yung babae ?' Nanlaki ang mata ko at agad kong binalik ang atensiyon ko sa kabilang linya .
" Hello ,Lj please answer me please ? " Mahinahong sabi ko sa kabilang linya , sinikap kong maging mahinahon .
Hanggang sa narinig ko nalamang na parang nalaglag ang phone ngunit hindi paren namamatay ang tawag .
" Hello? " Sagot ng kabilang linya pero boses ito na ng lalaki
" f**k YOU! , WHO ARE YOU ? WHERE'S MY WIFE ! " Sigaw ko sa kabilang linya .
" Easy easy , So this is your wife ? Wait lang . " Tindi ng kaba ang bumalot sa'akin ng marinig ko ang tinig ng lalaki .
" WHERE THE HELL ARE YOU !?" Puputok na ang ugat ko sa sobrang kaba at nervous kaya sabihin niyo na bago ko basagin ang mukha niyo .
" Pre ,tumawag ka na ng ambulansiya ngayon na . " Rinig ko sa kabilang linya .
Para saan ang ambulansiya? Ano nangyare kay Lj?
" What happened? Hello ? please answer me. " Takot ang bumalot sa'akin ng marinig ko ang sinabi mula sa kabilang linya , halos nanlambot ang mga katawan ko .
" Bro, pumunta ka nalang sa Cuangco Hospital ." Yun nalang ang huli kong narinig at ibinaba na ito ng kabilang linya .
Agad kong pinaandar ang kotshe ko at dumiretsho sa sinabi nitong hospital .
Nasa labas na ako nang hospital ng may saktong dumating den na ambulansiya. At agad akong bumaba kahit nakaharang ang aking sasakyan sa daan .
Wala na akong pake .
Binuksan ang pinto ng ambulansiya at don iniluwa ang nakaiga na babae na ikilalong ikinabilis ng aking dibdib dulot ng kaba .
Patakbo akong sumama sakanila papuntang emergency room . Masyado na daw mababa ang kanyang heart beat kaya sobrang kinakabahan ako
Nang ipinasok na siya ng emergency room e naalala ko ang lalaking kausap ko sa kabilang linya .
Hinanap ng aking mata ang lalaking iyon, ngunit napansing ko kung sino ang kasama ko sa labas ng emergency room .
Nakita ko itong nakatalikod kaya't tumakbo ako papunta sa kanya at hinarap saken at agad kwenelyuhan .
" M-macky? " Agad kong binawi ang pagkwelyo ko sa kanya dahil nagulat nalamang ako sa bumungad sa'akin.
" Kevin? Asawa mo yon? Yon ang asawa mo? " Turo turo niya sa pinto ng emergency room .
" O-oo " Paiwas na tanong ko saka binaling ang tingin sa emergency room at inisip na sana umayos na ang kalagayan mo Lj.
" Dude , Bakit hindi mo sinabi saamin? " Pagalit na sabi saken ni Macky .
" At paano nangyare yon? " Sabi ni Micko
" Fixed marriage nina Mommy at Daddy for business matter . " Saad ko sa kanila at saka umupo sa upuan at ganon din sila na pinagitnaan ako .
" How?" Hindi makapaniwalang sabi ni Micko .
" Dude , I'm not a freaking storyteller ." Inis na asik ko saka ipinikit ang aking mga mata habang ang dalawang kamay ko'y naka hilamos saaking mukha.
" Alam na ba to nina Jared at Chester ? " Tanong saken ni Macky na ikinahinga ko ng malalim .
" No ." Tipid na sagot ko dahil sa kabado paren ako ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay si Luna Jane.
" Ano ba pangalan ng asawa mo? Di paren ako makapaniwala pre ." Makulit na pagtatanong sakin ni Micko .
" Luna Jane . " Tipid ko na sagot ko sakaniyang tanong dahil hindi ko talaga kaya pang sagutin lahat .
" She seems so familiar to me bro , parang nakita ko na siya sa school . " Nagtatakang sabi ni Micko kay Macky na ngayon ay nag iisip din kung saan nakita si Luna Jane.
" Wait , yung Personal Assistant mo? " pasigaw na sabi ni Macky na hindi makapaniwala sa kanyang pagkakaalala.
" Hindi ako pwedeng magkamali siya nga iyon!" Halos pasigaw na saad ni Macky at natungo lang si Micko .
" Just a show , di pwede malaman ng iba . " Tipid na sagot ko at tumungo tungo naman sila .
Maya maya ay lumabas ang doctor sa pinto ng Emergency Room.
" Sino ang kasama ng pasyente ? " Tinatanggal nito ang kanyang Surgical Gloves at ibinaba ang kanyang mask .
" Me ." Taas kamay kong pagsabi at lumapit sa kanya
" Kaano ano mo ang pasyente ? " Tanong nito muli sa'akin.
Napalunok ako saka sinabing " Husband. " saka huminga ng malalim .
Halata sa mukha niya ang pagka gulat dahil aminado naman akong bata pa kami para mag asawa .
" Stable na ang lagay ni Misis , It seems na dapat alam mo ang bawal sa asawa mo . Alam mo naman siguro na may asthma ang asawa mo . Asthma is serious mister . It can kill if it not treated in the right way . At mabuti nalang ay nadala siya agad . " Paliwanag ni doctor sa akin .
" Thank you ,doc " Pasasalamat ko sa kanya , nakahinga naman ako ng maluwang ng sabihin niya iyon sa'akin.
" Ililipat na namin siya , Sumama ka muna sa kanya para sa mga i fifill up mo interns sa mga bills ." At sumama ako sa isang nurse para sa mga i fifill up na bayaran at kung ano ano pang papel .
Ngayon ay stable na ang lagay ni Lj . 2 days siyang nandito sa hospital para maka recover ng tuluyan .
Kaylangan niya muna mag stay para sa mga medicines na kaylangan niya itake.
Nang magising na siya ay ipinakilala ko sa kanya ang aking mga ka grupo .
Kame ang The Crawl , Minsan ay nag gi gig kame kadalasan sa mga school at sa iba naman ay mga bigating events .
Ipinakilala ko sakanya ang Hernandez brothers na sina Macky Hernandez at Micko Hernandez .
Ipanakilala ko ren sa kanya sina Jared Jayona at si Chester Perez .
Nalaman naren nila ang kasunduan namin ni Luna na after 1 year ay mag annul na kame.
At tuwang tuwa naman si Micko dahil handa daw siyang magintay ng isang buong taon para lamang kay Lj.
* FLASHBACK ENDS *
Lalabas na sana ako ng pinto nang may biglang tumigil na sasakyan sa harap ng gate at don ko nakita si Lj .
Napaayos ako ng tayo ng makita kong bumaba ang salamin mula sa bintana ng sasakyan . Lalaki? Bakit may lalaki?
Agad na akong pumasok sa loob ng bahay at doon nalang siya inintay sa loob . Tss ? Lalaki ? Marunong na siya manlalaki ngayon?
Nasa likod lamang ako ng pader at inaantay lamang siyang pumasok , ilang saglit pa ay hinablot ko ang kaniyang kamay saka hinila papalapit sa gawi ko .
Halata ang gulat sa kaniyang mga mata ngunit hindi ko alam sa kaniyang mukha kung bakit para siyang nasasaktan sa ginawa ko .
" Ouch .. " Mahinang sabi niya at akmang napatalon pa kaya napatingin ako sa kamay niya .
Nanlaki ang mga mata ko at unti unting binitawan ang kamay niyang nabalutan ng benda . Itong babaeng ito tuwing lalabas laging na didisgrasiya .
" S-sorry ." Utal utal na sabi ko habang dinilaan ang aking ibabang labi dahil sa ginawa ko .
" Anong nangyare dyan ? " Patungong tanong ko sakaniya na ikinabigla niya .
" Ano , na ano ako e . Nasugatan ako e." Nahihiyang sambit nito saka itinago ang kanyang kamay sa likod nito .
" Okay ka lang ba ? Tatanga tanga ka talaga ." Inis na sabi ko ng maisip kong may nag hatid sa kanyang lalaki kanina .
Sino naman kaya iyon? Baka naman ay kakilala lang niya ? Impossible , hindi pala kaibigan ang babaeng ito .
" Kevin ? Oh ! Andito na pala ang Psychotic Assistant mo . " Napalingon ako sa gawi ni Maxine saka huminga ng malalim , tinignan ko si Luna saka bumaba ang tingin sa kanyang kamay .
Nag angat ang tingin ko sakaniyang mukha saka niya ako binigyan ng ngiti .
" Tawag ka na pumunta ka na don , wag mo akong intindihin okay lang ako ." Ngiting sabi nito saka tumalikod .
" Hey , Baby ." Hawak hawak ko ang Wine saka iyon inalog alog kita sa mukha ni Maxine ang pagka excite ngunit napadako ang tingin ko kay Luna Jane na ngayon ay paakyat sa hagdan .
Sino naman kaya ang lalaking kasama niya kanina? Akala mo sinubsob sa harina sa sobrang puti .
Ano nga bang pake ko? Tss , nahihibang ka nanaman Kevin .