CHAPTER 7
Lj's POV
Dahan dahan akong umakyat ng itaas ngunit ang ngiti ko ay hindi mawala sa aking mga labi .
Kagat kagat ko ang aking mga labi ng buksan ko ang aking pinto saka agad pumasok sa loob ng aking silid .
Nang isara ko ang pinto ay agad akong sumandal sa likod ng pinto . Hawak hawak ko ang aking dibdib saka ang mga ngiti ay akala mo nanalo ako sa lotto sa sobrang saya .
Aminado akong masaya ako ngayon dahil ngayon lamang niya ako nabigyan ng pag aalala . Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya sa'akin na ikinibigla ko talaga ng marinig ko iyon .
' S-sorry .' Ayan ang sinabi niya sa'akin kanina na sobrang ikinasaya ko talaga , isipin ko isang demonyo nang hingi ng pasensiya .
Mabilis akong umupo sa kama saka tinignan ang aking kamay .
" Masakit ang pagkakahawak niya talaga ah ." Dagdag ko ng igalaw ko ang aking kamay ngunit ramdam ko ang kirot na uminda sa'akin .
Inalis ko ang benda saaking kamay saka iyon iniharap sa'akin .
" May hiwa pala . " Napapikit nalamang ako ng maalala ko ang katangahan ko kanina bakit ko kelangan pulutin kung nakita ko naman ng basag na ! Bakit ko pa iyon pinulot !
Hindi ko ren alam saaking sarili kung bakit ko pa ginawa ang katangahan na iyon .
Agad akong umiga ng bigla habang ang mga paa ko ay naka apak paren sa sahig , kalahati lamang ng katawan ko ang nakaiga sa kama habang ang mga kamay ko naman ay naka straight lamang .
Napaangat ang ulo ko ng marinig kong may kumatok sa pinto ko ng tatlong beses .
Sino naman kaya iyon?
" Sino yan ? " Sigaw na tanong ko sa kumatok mula saaking pinto .
" Lj , Ako to si Myra dala ko yung benda mo para sa sugat mo . " Napatingin naman ako sa pinto ng may halong pagtataka kahit hindi naman niya iyon nakikita ngunit napaisip nalamang ako ng paano ?
Paano niya nalaman na may sugat ako ? Hindi ko pa naman sinasabi sa kanya ang nangyare kanina dahil dumiretsho lamang ako paakyat ng kwarto kanina .
" Di mo ba ko papasukin ? Andito na yung benda saka panglinis ng sugat oh ." Dagdag pa muli ni Myra kaya naman ay napa upo ako ng maayos sa kama saka pumunta sa gawi ng pinto .
" Tagal naman buksan ." Pag iinarte niyang sabi sakin habang hawak hawak ang isang box na kung saan ay naandon ang mga iba't ibang uri ng panlinis ng sugat.
" Sampalin kita dyan e , paano mo nalaman ?" Natatawang asik ko sakanya saka dumiretsho muli sa upaan saka naman siya umupo den sa tabi ko .
" Eh sabi saken ni Sir.Kevin kanina e , pinahahanap yung kit at dalhin ko daw dito dahil may sugat ka daw . " Pag dadagdag niya habang inalalabas ang mga betadine at kung ano ano pa .
" Sabi niya ? Totoo ? Hindi ka nag bibiro ? Weh ? Gawa gawa ka ah!" Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon ! Inutos niyang puntahan ako para sa sugat ko !
Kagat kagat ko ang aking mga labi ng isipin nanaman ang pag dila niya sa kanyang mga labi kanina .
" Oo , saka pag tapos daw linisan yang sugat mo kumain ka na daw sa baba . " Natatawang sabi ni Myra saka niya kinuha ang aking kamay at naramdaman ko nalamang ang hapdi ng may tumama sa aking palad .
" Kahit ako ay hindi ren makapaniwala sa sinabi niya e ." Napatingin ako kay Myra ng sabihin niya iyon , parehas lamang kami na hindi makapaniwala sa nangyare .
" Mas lalo na ako , paano pa ko diba ?" Halos kung ano ano nalamang ang napasok sa isip ko kung bakit niya iyon ginawa dahil sa totoo lamang ay hindi iyon ganon sa'akin .
Kalimitan ay wala siyang pake sa'akin sa kung ano man ang mangyare sa'akin ay wala siyang pake .
" Kahit ako rin nga e , ano ba pinakain mo at naging ganon nalamang iyon bigla sayo ? " Dagdag na tanong niya habang iniikot ang benda sa aking kamay .
" Wala naman akong ginawa e , wala naman akong pinakain sakanya dahil di naman yon natanggap ng alok ko . " Pag iisip ko ng maalala kung bakit ba siya biglang naging ganito sa'akin .
" Hay nako , wag na natin isipin kung bakit naging ganon yon saiyo bumaba ka nalang para kumain. " Sinarado niya ang kit saka ako iniwan dito sa kama at isinarado ang pinto .
Bakit naman kaya? Ano sadya niya ? Baka naman may iiutos kaya ganon? O baka dahil mag hihiwalay na kami at baka mahirapan siyang makipag annulled saakin dahil akala niya ay hindi ako pipirma kaya nagiging mabait siya sa'akin?
Hindi kaya ?
Ang dami kong naiisip ngunit nakuha ng atensiyon ko ang pag tunog ng aking telepono kaya naman ay agad kong kinuha iyon gamit ang isa kong kamay .
From: +639051071*09
Hey , Okay na ba kamay mo ? I'm sorry dahil nasugatan ka .
Save my digits . Yohan
-
Yohan ? Napaka ganda ng pangalan niya . Ang bilis naman niya atang mag text ? Well , siguro dahil gusto niya lang manghingi ng pasensiya kahit ang totoo ay kasalanan ko ren naman .
Aminado akong gwapo si Yohan ngunit mas gwapo naman ang Asawa ko kesa sakanya .
To: +639051071*09
Yohan , Don't worry ayos lang ako .
-
Iyan lamang ang reply ko sakanya saka isinave ang kanyang numbero sa aking telepono .
Ano naman kaya maganda ipangalan sakanya ? Baby ? Babe ? Honey punch? Sweetie? Buko pie? Natawa nalamang ako dahil sa aking pinag iisip isip na pangalan na pwedeng ilagay sa contacts niya .
In the end .
" Ayan mas better ." Saka ko clinick ang save .
Ilalapag ko na sana siya nang tumunog ulit ang aking telepono .
Napaka bilis naman niya mag type ? Or hobby niya ang makipag text?
From: Yohan
No , di ako nag woworry sayo . Joke ! Btw do you have a boyfriend?
-
See ? He can't resist my beauty charot! As if naman na magustuhan niya ako diba ?
Bakit naman niya tatanungin kung may Boyfriend ako ? Para saan ? Ah , baka kase magalit dahil nag cha chat siya sa'akin .
To: Yohan
Dami mong knows , wala . Wala akong boyfriend , bakit ?
-
Tss , bakit totoo naman ah! Wala naman talaga akong boyfriend dahil may asawa na ako . Saka kahit sabihin kong may boyfriend ako , sino sasabihin ko? Si Kevin ? Tapos Personal Assistant ang dating ko pag kasama ang lalaking iyon?
Nawala bigla ang mga ngiti ko sa labi ng maalala ang pag uusap namen kanina habang nasa sasakyan niya ako papunta dito sa bahay .
" Saan ka ba nakatira?" Natatawang tanong nito sa'akin .
" S-sa Bahay " Natatakot akong ituro kung saan dahil baka makita niya si Kevin at tanungin ako kung kaano ano ko iyon , hindi ko alam isasagot ko .
Pwede ko namang sabihin na Personal Assistant niya ako pero jusko naman ! Gusto ko na ng bagong buhay ! Ayoko na mag tago bilang Personal Assistant niya .
" I know , Pero saan nga ? " Tanong nito muli sa'akin dama kong pinagpapawisan na ako dito dahil kabang dinudulot nito sa'akin .
" S-sa Estate . Dyan liko ka lang . " Kabadong bigkas ko at ipinanalangin kong wala sa labas si Kevin .
" What a coincidence ! " Biglang ngiti niya sa akin habang nililiko ang sasakyan nito .
" Jinja ! Hahaha ." Sambit niya pa habang tumatawa .
Ee? Ano daw ?
Translate : Jinja - Really ( Korean Word )
" Ah ,hahaha a-ano daw ? Bakit ? " takang tanong ko dahil hindi ko gets ang sinabi niya pero tumawa nalang den ako kahit halatang pilit .
" Actually , parehas lang tayo ng dadaanan . " Masayang bigkas niya muli na ako naman ay juskooo lord help me! Ibig sabihin ba non ay taga rito lang siya ?
" W-weh? " Kabadong tanong ko , sana hindi niya sabihin na taga rito siya please !
" Malapit lang kami sainyo ." Ngiting sabi nito .
Halos pabagsak akong humiga sa kama ng maalala ko ang mga iyon . Baka puntahan niya ako no no no no!
Halos sabunutan ko ang sarili ko saka nag pagulong gulong sa igaan .
Ang tanga tanga mo ! Dapat hindi mo sinabi kung saan ka nakatira ! Dapat ay hindi mo na itinuro!
" Kakain ka ba o gugulong ka na lang sa kama mo ? " Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko kung sino ang nag salita mula sa loob ng silid ko .
Mabilis pa sa alas kwatro akong napaupo sa kama saka tumingin sakaniya.
" A-ah ." Kabadong sabi ko sakanya saka kinagat ang aking labi .
Nakatayo lang siya sa pinto habang naka cross arm at nakasandal sa gilid . Hindi ko man lang naramdamang binuksan niya ang pinto kakaisip ko ng katangahan ko .
" Sino nga pala yung kasama mo ? " Holy Crap! Ano sasabihin ko! Nako patay na!
" S-sino ?" Wala na akong maisip kaya naman nag maang maangan nalamang ako .
" Bumaba ka na ." Yun nalamang ang sinabi niya saka umalis .
**
Sinasabayan kong kumain ngayon si Myra ngunit ang nasa isip ko ay kung ano ang gagawin ko , bakit na kukunsensiya akong mag sinungaling sakaniya .
" Te , matanong lang ah . " Napatigil ito sapagkain saka nag tanong , napatingin naman ako sakanya at inaantay ang kaniyang tanong .
" Ano yon ? " Walang ganang sabi ko saka sumubo .
" Sino yung kasama mo kanina? Ang cute niya ! " Halos mabuga ko ang kakasubo ko palamang na kanin ng marinig ko ang tanong ni Myra .
Paano niya nalaman ? Baka nakita niya .
" Kaibigan ko , Yohan pangalan. " Nag lagay ako ng tubig sa aking baso saka uminom ng tubig .
Nakita ko ang pag ka interesado kay Myra ng sabihin ko ang pangalan ni Yohan.
" Pero kung makikita mo lang si Kuya Kevin kanina , akala mo sinilaban e sobrang sama ng tingin ." Napatingin naman ako sa kanya ng dis oras .
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Myra , Hindi kaya't nag seselos ang isang iyon? Ay hindi parang hindi baka nainip lang yon kasi ang tagal kong bumili ng Wine .
" Tama na kalokohan mo , kumain ka na ." Halalhak kong sabi saka pinag patuloy ang pagkain .
" Malapit na pasukan mo , sa lunes na kayo papasok ni Kuya Kevin . Saan ba ang school niyo ? " Curious na tanong nitong sabi saken .
Namilog ang aking mga mata ng maalala kong College Life here i come! Panibagong buhay na tayo!
" Sa Shin University ." Excited na sabi ko kay Myra , nanlaki naman agad yung mata niya ng sabihin ko kung saan kami papasok ni Kevin.
" H-hindi nga ? "Hindi makapaniwalang bigkas niya , aba hindi pa ata makapaniwala ?
Sabagay kasi ang Shin University o mas kilalang SHINUN ay sikat na College University sa pilipinas , isa ren siya sa mga Exclusive School na maituturing sa pilipinas.
" Bakit parang di ka makapaniwala ? " Natatawang tanong ko sakaniya .
" Paano naman kase ! Ang daming papi doon , ang daming pogi !" Ano pa nga ba ang aasahan ko dito mukhang pogi ang isang ito .
" Tss, parang iyon lang. " Kahit kailan talaga hindi ako nahilig sa mga gwapong mukha talaga .
" At hindi lang yon doon din mag aaral yung pinaka hot at gwapo sa Estate na to , yung pamangkin ni Mr.Shin si Yohan Shin. " Updated na updated ah , pero Yohan ?
Kapangalan lang ni Yohan na nakilala ko lang kanina .