2:30
Pauwi na at tinatahak ang kahabaan ng traffic sa EDSA. Kakatapos lang mula sa shoot sa isang teleserye na kaniyang ginagampanan.
Umaga siyang umalis at umaga din siya uuwi.
Pero sanay naman siya umuwi ng umaga na. Sa mga nakalipas na mga taon sinubsub niya ang sarili sa pag tatrabaho at ang mga hirap naman na ginawa niya ay nagbunga.
Now indeed she's one of the biggest actress. Kapitapitagan at tinitingalaan ng lahat sa loob at labas ng bansa. Madaming siyang pinagdaanan, humuhubog sa katauhan niya. Sumubok sa kinatatayuan niya sa showbiz pero ni minsan hindi siya natibag.
Patuloy siyang lumalaban ..
Hanggang ngayon ...
Mag u-umaga na pero hanggang ngayon halos hindi umuusad ang traffic sa EDSA, siguro dahil long weekend at abala ang lahat papunta sa kanilang pag babakasyunan. Samantalang noon kapag ganto ay may sarili din siyang lakad kasama ang mahal sa buhay, pero ito siya abala padin sa trabaho at dahil mamaya may mga shoot na naman siya na pinasched sa araw na ito. Kailangan niya lang umuwi at magpahinga kahit sandali para mapalipas lang ang pagod sa kanyang katawan.
Wala siyang makita kundi ang pulang ilaw mula sa mga likod ng sasakyan na nasa kanyang harapan. Natutukso siyang buksan ang radyo pero ayaw niya ..
May ayaw siyang mapakinggan ...
May ayaw siyang alalahanin pa pero mukhang mahihirapan siya lalo na sa mga susunod na araw.
Sa kahabaan ng EDSA ay tila may nakita siyang billboards sa mga daan. Sa dinami dami ng mga billboards niya ay tila mayroong isang pumukaw ng kanyang pansin.
It's her billboard celebrating her 21st year in showbizness from her ABS-CBN family. Pero bukod pa doon, ang larawan na nakapaskil ay larawan niya noong araw na nakatanggap siya ng award galing sa Osears.
She won best actress from her solo movie entitled "Araw Gabi" it's a kind of romance movie potraying the life of Yna Macaspac that was captivated by a lot of people.
Ang movie na iyon ang kauna-unahang proyekto ni Cassandra na medyo may pagka sensitibo, dahil sa mga scenes na s****l at kaharasan. Marami ang tumuligsa sa proyektong iyon dahil madami ang nagsasabi na hindi niya pa kaya ang ganong klasenng proyekto pero pinatunayan niya ang kanyang abilidad at talento na makakaya niya ang ganoong klaseng proyekto. At hindi niya binigo ang lahat ng naniwala sa kanya dahil ang movie na iyon ay nanalo ng best film at siya naman bilang best actress na nagdala ng matinding karangalan sa Pilipinas at naiangat nito ang kaledad ng pelikulang pampilipino.
"You can't please everyone, hindi porket may mga taong umaayaw sayo ay ayaw na sayo ng lahat, maraming naniniwala at nagmamahal sayo, isa na ako doon. Dadating din ang panahon na matutunghayan ng lahat ang talento mo at sinisigurado ko na ang sipag, hirap, at tiyaga na iyong ginagawa ay magbubunga din. Nandito lang ako sasamahan kita hindi kita iiwan hanggang sa sabay nating marating yung pangarap nating dalawa"
Pinahid niya ang luha ni Cassandra pagktapos ay hinalikan ang noo nito ...
"Wag ka ng umiyak, mahal na mahal kita"
Pinahid ni Cassandra ang kanyang luha at sarkastikong napatawa sa bagay na naalala. Pero ang kinaiinisan niyang lubos ay ang kanyang mga luha.
"Hindi na dapat kita iniiyakan"
"Matagal na panahon ng hindi kita iniyakan"
"Tang*na"
Kinuha niya ang kanyang bag at kumuha ng sigarilyo doon bago sindihan.
Napabuga siya ng usok, bago muling napahawak sa manubela, pilit niyang inaalis ang bagay na iyon sa isipan niya pero parang bangungot iyon na paulit ulit kahit pa't gising siya.
"Hindi kita iiwan, dito lang ako sa tabi mo hanggang sa marating natin yung mga pangarap natin Cassandra"
"Sinungaling——ang gago mong sinungaling"
Iba ang plinano niya na magiging buhay niya ngayon, pero hindi yon nagkatotoo.
After everything he have put her through, most people expect her to hate him, and she will admit that there are days where the sound of his name can ignite a fire in her that can only be put out by tears.
Sobrang galit ang naramdaman niya.
Muli napatingin si Cassandra sa mga billboards niya na nadaanan, parang kailan lang hindi naman siya nag-iisa lang sa mga iyon. Walong taon na ang nakakaraan may isang pangalan na nakadikit sa kanya, yung tao na lagi niyang kasama sa lahat ng proyekto niya.
Isang tao na naging parte ng pangalan, at pagkatao niya.
Binago nila ang buhay ng isa't isa. Ang buhay ng mga tao na humanga at naging parte nadin ng buhay ay sila.
Isang lalaki na nangako ng panghabang buhay. Ang lalaking hindi lang isang loveteam para sa kanya. Kundi ang lalakeng kung saan nakita niya na ang buong kinabukasan niya, yung lalakeng iniisip niya na magiging asawa niya, ama ng magiging anak niya.
Wala siyang ibang minahal kundi si Calvin lang.
Pero nagkamali siya ...
Maling mali siya ...
Nakakahibang at naniwala siya.
Napailing at mapait na ngumiti pagkatapos ay muling hinithit ang sigarilyo na kanyang hawak.
"Katangahan na yan Cassandra tama na !"
Napangisi pa siya at napaisip na siguro dulot lang iyon ng alak na ininom niya kanina. Naalala na naman niya yung napanood kanina habang nasa set siya.
It's a news flash on TV Patrol about Calvin, akala niya namamalikmata lang siya, akala niya nananaginip lang siya pero totoo, dahil kitang kita ng dalawang mata niya ang video kung saan kakarating lang ni Calvin mula sa airport, may iilang lumapit sa binata, agad din itong pinagkumpulan ng mga reporters.
At sa kanyang kinakatakutan muling naungkat ang katanungan na matagal na ding palaisipan sa lahat maski na sa kanya.
Kitang kita niya ang mga tingin sa kanya ng mga tao na nakapaligid sa kanya, may iilan na gusto siyang tanungin kung maayos lang ba siya, may iilan na nagtatanong kung alam niya ba pero tanging pilit na ngiti lamang ang na itugon niya.
Papaano niya sasagutin ang bagay na hindi niya alam ang kasagutan? Papaano niya sasagutin ang katanungan samantalang walong taon na walang paramdam ang dating kasintahan.
Dahil sa nangyari halos hindi na tumigil ang cellphone niya sa pag ring, mula iyon sa mga tao na muli magtatanong sa kanya.
Umalis siya sa set, at muli nakahanap ng kalinga sa alak na kahit sa panandalian lang ay makalimutan niya ang sakit na muling nagbabalik sa kanyang nararamdaman.
Pero tila nagpa-lala lang ang idinulot non sa kanya
Dahil imbis na makalimot ay muling naramdaman niya kung gaano kapait ang pinagdaanan niya, kung paano nadurog ang puso niya nung iniwan siya ni Calvin.
There were days when she would have given anything to see his name pop up on her phone. Pero nung lumipas ang ilang buwan na wala padin siyang paramdam, ni isang text, ni isang tawag, para siyang mas lalong nabaliw. Thousands of pictures of smiles and kisses and adventures and memories nila sa isa't isa left a hole inside her, at alam niyang walang makakapuno at makakahilom ng sugat na iyon kundi si Calvin lang.
"Siya lang ang kailangan ko....si Calvin lang ang kailangan ko, Ma please gusto kong makita si Calvin"
She cried, tears rolled down her cheeks as she packed his things. Lahat ng gamit niya sa bahay after 2 years of sleeping in his t-shirts and the way his cologne smelled sa mismong katawan niya na kahit sa paraan lamang non ay maramdaman ulit niya ang mga yakap nito. She choked back tears when someone asked her kung ano yung nangyari, kung ano yung rason and her only accpetable response was "I'm not sure."
It cut her open, day after day, that he had walked away with nothing more than anything, and he turned his back to her and walked away, ni walang dahilan, ni hindi niya alam kung ano yung naging problema.
After he left, she was in a hole so deep that no amount of helping hands could not have pulled her out. Kahit ang sariling ina o yung mga kaibigan nila.
Laying in the bed day after day she tried to think of ways to reach out to him and she cursed his name over and over like the profanities she accompanied with his name would hurt him the same way that he had hurt but they didn't.
Halos madurog siya.
She did things that she regretted, and because things she was not before. She went to parties and kissed boys that she had no feelings for, listened to their song over and over, torturing herself everytime.
She learned to believe that she was unlovable and let herself become unhealthy only to realize that none of these things would hurt him the way he hurt her.
Indeed the heartbreak he caused her was enough to nearly kill her.
Napasapo siya sa kanyang mukha at muling hinayaan ang mga luha na tumutulo. Inilabas ang mga hikbi sa muling pagkadurog ng kanyang puso.
"8 years, 8 f*cking years—— Calvin bakit ngayon pa? Bakit bumalik ka pa?"