NAALIMPUNGATAN si Cassandra ng maramdaman ang pagyugyog sa kanyang balikat. Pinilit niyang idinilat ang mga mata pero gumuhit ang matinding sakit sa kanyang ulo.
"Oh my god Cassandra, amoy alak kana"
Boses palang pero alam na alam niya na kaibigan niya iyon.
Sino pa ba? Siya lang naman nakakaalam ng lugar na ito, wala ng iba.
"Hi Athena babes" napangiti siya pagkatapos ay itinalukbong uli ang kumot sa kanyang mukha pero hinila iyon ng kaibigan.
"Lasing ka na naman kagabi, hinahanap ka ni tita min hindi ka umuuwi sa condo mo. Pinasundo ka niya sa set kagabi pero umalis ka na daw! Hayyy Cassandra"
Sumenyas nalang siya pero hindi padin siya nito tinantanan.
Well that's Athena, pinaghahampas nito ang pag upo niya pagkatapos ay nakipag agawan na kunin ang kumot na nakabalot sa katawan niya .
"Hay nakong babae ka di ka pa pala nakapagbihis! Kahapon pa tong umaga ah! Ito yung suot mo ng interview— God ang baho mo na talaga! Take a cold shower, amoy na amoy ko na ang katawan mo—nakakasuka"
"Athena naman, kailangan ko lang ng pampatulog , ilang shots lang naman—at alam mo na hindi ako pwede magpakita kay mama ng ganto"
"Haayss Cassandra talaga! Susuntukin na kita eh"
"Kaya ko toh, iidlip lang ako saglit then aalis din ako for the taping"
Napailing si Athena, kilalang kilala niya na kasi si Cassandra at alam niyang hindi lang iilang shots ang iniinom nito, sa tapang ng amoy ng alcohol na sumisingaw sa katawan nito malamang ilang bote ng alak na naman ang inubos ni Cassandra kagabi.
"Haay nako malaman ko lang na nagdrive ka ng sobrang lasing kagabi matatamaan ka talaga sakin" at nakita niya ang pag ngiti ni Cassandra.
"Don't worry buo pa naman ako oh"
"Cassandra hindi nakakatawa yon! The last time na nag drunk drive ka halos makaladlad na yung sasakyan mo, papaano kung sa susunod maaksidente ka na ng tuluyan ha?!"
"Edi maganda. Wala ng Cassandra Solomon" naantok pa na wika nito, at hindi na naman naiwasan ni Athena na mapahilamos gamit ang kanyang palad, lagi nalang iyon sinasabi ng kaibigan... At kakaunti nalang talaga masusuntok na niya ito.
"Shut up——you!! Arghh! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo" hindi na sumagot si Cassandra, napapailingnalang si Athena
"Haayy nako talaga. Pero sige na, wala naman akong magagawa mas mabuti pa na nakausap ko si tita min, na cancel na niya ung schedule mo sa shooting for today"
"No, tell her na pupunta ako!!"
Napa angat ito ng tingin sa kanya at umupo na sa kama.
Umiling si Athena....
"No you can't go na ganyan ka, so magpahinga ka nalang ngayon, sinabi ko nalang na sa akin ka tumuloy para hindi na mag alala si tita"
"Pupunta ako sa shoot mamaya Athena and that's final, iinumin ko lang yung ibuprofen ko then wala na, magiging maayos na pakiramdam ko non.
"Pero Cassandra"
"Why? Bakit bigla kayong naging ganyan sakin? Before sabi niyo magpaka busy ako sa work tapos ngayon gusto niyo wag akong pumasok? Are you guys afraid na baka makita ko yung lalakeng yon sa ABS ngayon ganon ba?"
"Alam mo na?" Tanong ni Athena kaya napairap siya.
"Tingin mo sa bahay ko walang TV, walang cellphone? And besides he's all over the news, my phone won't stop beeping with all the tags and mentions. Mas viral pa nga yung pagbabalik niya kesa sa laban ni Pacquiao".
Napailing si Athena...
"Hindi kona itatanong sayo kung ano nararamdaman mo kasi alam ko na sagot diyan. But please don't be hard on yourself, magpahinga ka muna sa ngayon dahil bukod pa sa matinding hangover mo niyan mamaya alam kong hindi ka tatantanan ng mga reporters, magtatanong at magtatanong ang mga yan"
"Edi sasagutin ko ulit sila ng hindi ko alam——isa pa kung iiwasan ko sila sasabihin na naman nilang bitter at affected pa ako"
"Cassandra naman".
"Minsan ng tumigil ang mundo ko nung umalis siyakaya hindi ko hahayaan na muling tumigil iyon dahil lang sa bumalik siya——pupunta ako sa shooing place ko mamaya dahil kailangan kong magtrabaho. So kung makita ko man siya o hindi wala na akong pakealam"
Pinakatitigan siya ni Athena kaya napataas ang kilay niya....
"What?"
Bigla siyang niyakap nito ng mahigpit.
"You are so hard headed Cassandra"
Napatawa si Cassandra at niyakap pabalik si Athena, sa lahat ng naging kaibigan niya ito lang ang hindi nang iwan sa kanya, syempre aside din kay Arisse, naiintindihan niyanaman ito dahil abala ito sa sariling buhay at mas mabiti nadin ito na si Athena ang nakakasama niya, nasasabihan niya kasi kapag nag breakdown siya sa harap ni Arisse iiyakan siya nito pero pag si Athena ang kaharap niya babatukan lang siya nito.
Hindi niya daw dapat iyakan ang lalake,dapat siya ang nagpapaiyak sa lalake.
At kahit sino ang magtanong kay Athena tungkol sa kanya o kinaroroonan niya ay hindi nito sinasagot.
Ngayon umuwi si Calvin, maaaring hanapin siya nito atleast kung magtanong sila kay Athena hindi ito magsasalita.
"Hahanapin niya ako, yun ay kung may pakealam siya sakin kasi kilala ko si Calvin, kung may balak siya na makipag ayos edi sana kagabi pala pinauntahanna niya ako?"
"O kaya naman ngayon ay kumakatok na siya diyan sa pintuan ko."
"Baka kaya wala na talaga"
"Bakit pa ba ako umaasa?"
"Imposible na yon at hindi naman na dapat pa"
Umaasang tugon ni Cassandra...
"Pero hindi porket niyakap na kita eh nakalimutan ko na ang baho baho mo-maligo kana Cassandra and I'll make you a breakfast"
"Aww Athena——you're the best!!!"
Muling sabi ni Cassandra bago niyakap muli ang kaibigan na parang inaasar pa ito lalo.
"God Cassandra Solomon!! I can't believe you, smell like sh*t! Ligo na!"
...
"CASSANDRA sinabi ko na wag ka munang umalis, pinapacancel ko na nga yung shooting mo today pero sinabi mo na pupunta ka"
"I need to go to the work ma, madami akong hinahabol na matapos ang long weekend paspas na naman ako sa trabaho gusto ko lang bawasan, bukas ang rest ko at bukas sisismulan ko ang pahinga"
Biglang lumungkot ang mukha ng kanyang Ina..
"Anak"
"Ma——alam ko kung ano ang pinag a-alala niyo na baka makita ko siya pero don't worry kaya ko na ang sarili ko, hindi na ako papaapekto. Pupunta lang ako sa ABS para sa shooting the I'll go home na"
Dinampot niya ang gamit niya pagkatapos ay lumabas na ng bahay nila, wala na din magawa ang kanyang ina kundi ang hayaan nalang ang kanyang anak.
Pero sa isip isip niya....
Sana nga ay hindi na ito talaga naaapektuhan, sana nga ay talagang naka move on na ang anak niya sa nakaraan.
...
Sunod sunod na kislap ng camera ang bumingad sa kanya paglabas ng building, naging madali lang ang photoshoot nila ngayon at siguro ay sapat na ang mga nakuhang litrato na gagamitin para sa susunod na awarding kung saan na nominee pa siya bilang best actress sa mga nakaraang proyekto.
Pero kung gaano kabilis natapos ang trabaho niya ngayon ay mukhang mas mahihirapan pa siya na lusutanang mga reporters at press na halos kanina pa dumumog pag dating niya kanina.
May iilang naghihintay sa labas ng studio at halos lahat iisa ang naging sagot niya.
"Cassandra alam mo ba na bumalik na si Calvin?"
"O talaga? Good for him"
"Hindi mo ba alam na pupunta siya dito sa Pinas? Hindi ba kayo nagkausap?"
"No, walang ganon"
Sa isip isip niya papaano magsasabi ito na babalik siya eh hindi nga ito nagsabi na aalis siya.
"Cassandra—eh kung alukin ka sa isang project tatanggapin mo? Ready ka na ba na makatrabaho ulit si Calvin?"
Tanong pa uli ng isa kaya napatingin siya doon..
"Balita kasi namin ay inaalok si Calvin sa panibagong serye, willing ka ba na makatrabaho siya kung sakaling ikaw ang mapili niya na kapareha?"
"Kung trabaho rin naman wala naman problema" pilit siyang ngumiti
"Pero kung sakaling kausapin ka niya papayag ka ba na kausapin siya ng personal?"
Tanong pa ng isang reporter kaya napahinto siya....
"Pero ano ba kasi talaga ang dahilan kung bakit siya umalis? Ngayon ba na bumalik na siya masasabi mo na ang rason kung bakit nangyari yun 8 years"
Muli hindi siya nakapagsalita...
"Pero dibawala naman kayong closure kahit 8 years na ang lumipas, ibig sabihin non kayo pa?"
"Sorry I need to go"
May iilan na humabol sa kanya pero mabuti nalang ay may humarang nadin na mga guards mula sa ABS ang. Nag assist sa kanya papunta sa kanyang sasakyan na kahit na nakapasok na siya sa loob ay may iilan padin na kumakatok.
Nag babakasakali na sagutin niya ng mas malinaw ang mga katanungan nila.
Napabugtong hininga siya na napahawak sa manubela ng sasakyan...
Randam padin niya ang paghihina ng kanyang mga binti, ang panlalambot ng kanyang kalamnan kanina habang pilit niyang pinagmumukhang malakas ang sarili sa harapan ng lahat.
Habang pinipilit niya na hindi magmukhang nagpapaapekto sa kanya.
It hurts to let go, but sometimes it hurts more to hold on ika nga. Hindi ganon kadaling bumitaw at sa nakalipas na mga taon pilit niyang pinaniniwala ang sarili na okay na siya, na hindi na siya masaktan.
Nagawa niya iyon, pero siguro dahil sa wala siyang nakitang bakas ni Calvin kaya madali niyang napaniwala ang sarili.
Pero iba na ngayon...
Tila tumindi yung sakit, ibang lebel ng emosyon ang kanyang nararamdaman, naging ibang lebel yung sakit.
Inisip niya sana na dapat sinunod niya yung payo ng kanyang ina at kaibagan na sana hindi na siya tumuloy sa shoot ngayon pero hindi eh, may parte sa loob niya na gusto niyang ipamukha sa lahat na kaya niya, kung kinaya ni Calvin na alisin siya sa buhay nito ng ganon kadali ay kaya niya din iyon gawin sa binata.
When we're deep into something it's hard to see clearly and to hear advice from others. It's hard to focus on a solution when we are consumed with the problem.
Nilamon na siya ng sakit na nararamdaman, poot at galit dulot ng ginawa ni Calvin sa kanya.
Ngayon hindi na niya alam kung papaano paglalaruan ang tadhanang mukhang nagsisimula na paglaruan siya.
It's the difference between playing and watching a game of chess. It's so much easier to see checkmate when you're not the one playing the game.
"s**t! I need a drink" not just a drink but a real drink yung klase ng inumin na makakapag patuwid sa pagiisip niya, at sa kabilang banda ay makakapagpalimot sa panlalambot ng katawan niya.
......
9:30 pm
Oasis Aqua Tower Poblacion Makati
" Ano napuntahan mo na ba?"
"Nagkita na ba kayo? Ano?"
"Nakapag explain kana?"
"Ano namura ka ba?"
Sunod sunod na tanong nila Pat, Joe, at Marco sa kanya na hindi niya alam kung papaano niya sasagutin ang bawat isa don.
Si Pat, Joe at Marco ay ang matalik na kaibigan ni Calvin.
Pero nagkita na nga ba sila?
Hindi pa kasi nabahag ang buntot niya lalo na nakita niya si Cassandra kanina sa ABS.
"Wala bro eh"
"Ay t*ngina! Diba nagpunta ka sa ABS kanina? T*ngina bro hirap na hirap akong humagilap ng balita kay Cassandra lalo na sa schedule niya tapos sasayangin mo lang yung pagkakataon?
Napailing na tanong ni Pat sa kanya...
Wala eh naduwag siya eh, napaka gago niya kasi talaga.
"Hindi mo ba siya nakita doon?"
"Nakita"
"Ay t*ngina iyon naman pala eh?!"
Napailing si Calvin at tinuga ang alak na nasa baso niya. "Wala eh naduwag"
"Ay ikaw ba yan? Ang tapang mo nga nung iniwan mo tapos ngayon naduduwag ka?" Tanong ni Joe bago napailing...
"Oo nga naman Calvin sayang naman yon, akala ko ba gusto mo siyang kausapin? Na gusto mong makipag ayos sa kanya? O anyare?—— T*ngina bro bumalik ka nalang kung saang lupalop ka nagpunta, wala ka nang pag-asa"
"Kaibigan ko ba kayo? Tanong niya uli at inisang lagok uli ang alak..."Salamat ah?"
"Sinasabi lang naman namin Calvin kung gusto mo talaga na makipag ayos at makipagbalikan diyan kay Cassandra gumawa ka na ng paraan kasi kung papalipasin mo pa ng ilang araw, baka mababad ka sa shot lalo, imposible na wala pang ideya yon na nandito ka na——kaya habang maaga ayusin mo na yan"
"Tol maaga pa ba yung walong ta0n? Pasalamat nga yan di pa nagsawa si Cassandra kaya kahit papaano may pagkakataon pa".
"Eh papaanong mag-aasawa yung isa eh yung nangako na papakasalan siya, iniwan siya ng walang pasabi, naglalahong parang bula——kaya yang pagkakataon na yan ewan nalang kasi yun yung tanong ngayon, sa lahat nang nangyare may pagkakataon pa nga ba?" Sarkastikong wika ni Joe.
Naiintindihan naman niya ang kaibigan niya. Alam niyang galit padin ito pero nagpapasalamat padin siya na kasama niya ito ngayon.
Dahil gusto ng mga ito na malaman yung dahilan niya,
Pero bago pa man yon, halos maligo na siya sa mura mula sa mga kaibigan niya simula kagabi ng dumating siya.
Hindi siya tinigilan ng mga ito. Agad dumeretso sa condo niya at hanggang ngayon ay nandidito parin ang mga ito dahil baka mawala na naman daw siya.
Pero tama naman ang mga ito, bumalik siya at nagbabakasakali na magkakaroon pa siya ng pagkakataon kay Cassandra.
Pero iyon nga din ang problema.
Mapagbibigyan ba siya ng panibagong pagkakataon matapos ang mga nangyari?
8 years too late
Pero kahit papaano kailangan niya pa ding subukan.
Kanina na sana ang pagkakataon niya pero ng nakita niya si Cassandra sa labas ng studio para siyang napako sa kinatatayuan niya, biglang dinaga ang dibdib niya.
May idea na siya sa maaaring sabihin nito na sumbatan siya nito na handa naman niyang tanggapin.
Ang hindi niya lang alam ay kung papaano maipapaliwanag dito ang dahilan niya.
Ang dahilan kung bakit walang taon siyang nawala...
"So ano na bro, ano na balak mo?"
Tanong ni Marco pero si Joe uli ang sumagot..
"Balak niya na magtago uli, mga sampung taon na naman,dito nalang siya hanggang maging mukhang ermetanyo siya, tapos papanuorin nalang niya si Cassandra sa TV, hanggang maagaw ng iba, ikasal sa iba at magkaroon ng sariling pamilya——tapos siya mamatay sa lungkot, uuurin dahil walang bibisita ni isa sa atin, ni walang makakaalam ng pagkamatay niya hanggang sa malusaw nalang ng kusa yang laman loob niya at dumikit nalang yang balat niya sa sofa——tapos matatagpuan siya after 100 years na kasi may isang tao na naglakas ng loob na silipinnyung mysterious files of missing stupid persons, tapos ayun lalabas sa tabloid The Corps of the Famous Star Calvin Grandé tapos makikita yung balat mo at buti mo na nakadikit sa sofa para dalhin sa isang national museum, tapos sasabihin nila ito ang katawan ng PINAKA TANGANG LALAKE SA MUNDO——yon ganon ang balakniyang mangyari sa kanya kasi duwag siya!"
Natawa si Pat at Marco sa sinabi ni Joe pero si Calvin ay nanatili pa din na masama ang tingin sa kanya.
"Grabe naman advance mag isip yan Joe"
Pero kung may bagay siyang hindi kaya ay ang makita ito na masaya na sa iba, na kung sa bagay tama siya kung magiging duwag siya dadating yung araw na makikita niya nalang sa telibisiyon na ikasal at bumuo na ng pamilya si Cassandra pero hindi sa kanya kundi sa iba.
At malamang sa malamang mamamatay siya ng mag isa dahil habang buhay niyang pagsisisihan ang bagay na ginawa niya.....
Ang pagkakataon na pinalagpas niya.
"Kung wala kang balak bro ako meron"
Napalingon sila kay Pat...
"At ano naman yon?"
"Tara labas tayo, kung gusto mo talagang makapagisip ng maayos para maresolusyonan mo yang problema mo"
"Tama, mag The Palace tayo" isa iyong exclusive bar sa makati, tanging miyembro lang ang mga nakakapasok doon. "Umalis tayo dito sa maalikabok mong condo"
Taas baba ang kilay pang wika ni Marco...
"G*go——kagabi pa kayo dito edi kung madudumihan kayo magsilayas na kayo" saad ni Calvin pero inakbayan siya ng dalawa na tila akala mo dinedemonyo siya...
Noon pa man iniiwasan na niya ang lugar na ganon at ngayon na kakabalik niya lang pangit naman na makita siya agad sa lugar na yon baka mamaya lumabas pa siya sa mga blind items. Okaya naman may magpipicture sa kanya at baka makita pa ni Cassandra sabihin na mas inuuna niya ang pag paparty kesa ang magpaliwanag dito.
"Sinasabi lanh naman namin yung totoo" sabat ni Pat... " Member ako doon pwede ko kayo ipasok"
"O yun oh di na tayo mahihirapan"
Umiling si Calvin...
"Wag na. Dito nalang ako, mukhang di naman ako makakapagisip ng maayos kapag pumunta ako sa luga na yon"
"Makakapag isip ka" ngisi pa ni Pat bago tinapik tapik ang balikat nito.
"Malay mo nandoon ang sagot sa problema mo"
"Wala akong balak makipag ano sa mga babae don g*go"
Natawa ang dalawa at nagkatitigan kaya hindi niya napigilan na mapakunot ang kanyang noo.
"Bro wala naman kami sinasabi na makipag ano ka sa ibang babae, ang tinutukoy namin ay yung mismong babae na laman ng puso at isipan mo"
"Si Cassandra?"
"Mismo!" Nagtama ang kanyang kamay ng dalawa bago minasahe ang braso niya....
"Imposible—— hindi nagpupunta sa ganong bar si Cassandra"
"Hep hep hep" putol ni Pat bago umiling
"Walong taon dude. Maraming nangyari sa walong taon at hindi mo alam yon"
Hindi niya alan ang sasabihin niya dahil imposible talaga.
"Sa walong taon walang imposible dude——ikaw nga eh inisip namin na imposible na iwan mo si Cassandra pero ginawa ko pa din, not just days or months but for 8f*cking years kaya walang imposible" wika ni Marco kaya napatingin siya kay Pat.
"Ang ibig sabihin ba nito ay pumupunta sa ganong bar si Cassandra? Kelan pa?"
Walang bisyo ito ni hindi nga nito hinahayaan na maamoy ang kahit usok ng vape niya tapos pupunta sa ganong lugar si Cassandra na parang pag labas mo may lung cancer ka na sa kaliwa't kanang nag sisigarilyo.
"Hindi magagawa ni kath yon"
"Bro VIP lang naman yung membership ng EX GIRLFRIEND MO" wika ni Pat, malakas na boses nitong sinabi ang ex girlfriend na parang mas pinapamukha pa sa kanya ang kagaguhan niya.
"Seryoso??" At sabay tumango ang dalawa
"At malamang nandoon yon" saad ni Pat..
Napatingin siya kay Joe na naiiling nalang..
ALAM niya na hindi dapat sa lugar na ito sila muling magkita pero sa hindi malaman na dahilan ay pumayag siya sa balak nila Pat.
At nandito nga sila sa isang lugar na bungad pa lang ay rinig mo na ang malakas na tugtugin, kaliwa't kanang nagiinuman at nagsasaya.
Mga kilala at mayayaman na miyembro ang nagkalat sa loob ng the palace, lahat ay abala sa mga kanya kanyang grupo.
Nagtawanan, nagsayawan at nagsaya lang.
At sa isipan niya paulit ulit niyang pinagdadasal na sana mali nga sila Pat.
Sana hindi totoo ang sinabi nito.
Kung sakali man ayaw niyang makita ngayon si Cassandra, lalo na sa lugar na ganito.
Pero nasa kalagitnaan pa lamang sila at dipa nararating ang table na pinareserve nila.
"Wild"
At ng sumdan niya ang tinuri nito ay kitang kita niya ang tanging babae na nasa isipan niya. Ang babae na hiniling niyang makita simula ng dumating siya sa Pilipinas.
Nakaguhit ang saya sa mukha nito habang iniindayog ang katawan sa gitna ng dance floor, napapaligiran din ito ang mga tao doon na nagsasaya pero tila may sarili itong mundo habang sinasabayan ang malakas ba tugtog.
"Naniniwala ka na?"
Hindi na niya napansin ang ilang sinabi ni Pat dahil napako ang tingin niya kay Cassandra.
Noon tanging sa prod niya lang nakikita na sumasayaw ito, o kaya naman kapag may mga selebrasyon sila at nakakasama ito. Pero siya ang kasayaw nito.
Pero ngayon halos napakuyom ang kanyang kamao ng biglang may isang lalake na lumapit kay Cassandra, inaasahan niya na itutulak ito ni Cassandra lalo pa at idinikit nito ang katawan sa kanya at humawak sa bewang nito pero iyon nalang ang panlalaki ng mata ni Calvin ng imbis na itaboy ito ni kath ay mas kinapit pa nito ang lalake at siniil ng halik sa labi niyo.
"P*tangina"
Naihakbang niya ang kanyang mga paa, handa na para tuunin ang kinatatayuan ni Cassandra at ng kahalikan nito.
Hinila at inilayo si Cassandra sa lugar na 'to pero biglang hinawakan ni Pat ang braso niya at pinigilan siya.
Masama niya itong tinitigan at umiiling si Pat. "Tandaan mo, wala ka ng karapatan sa kanya Calvin, walang taon na ang nakakaraan"
......