Simula
"Welcome back Madame Victoria," si Margarita. Siya ang sumalubong sa akin pagkababa ko sa sinakyan kong Taxi mula metro.
Pagkabayad ko sa sinakyan ko ay si Margarita na ang nagbaba ng mga gamit ko at hindi na ako pinatulong pa. Bahagya lamang akong ngumiti sa kanya at nanatiling nakatayo sa harapan ng isang Mansyon.
It's been two years since the last time I saw this Mansion. All my wealth vanished like a bubble, lahat ng karangyaan ko noon ay pangarap na lang muli ngayon. Kung dati ang bilis maglabas ng pera galing sa palad ko, ngayon kahit piso ay ang hirap pakawalan.
"Madame Victoria, tara na po sa loob kanina pa sila nag aantay sa'yo." Bitbit na ni Marga ang dalawang maleta ko at handa nang pumasok sa loob.
Tumango ako.
"Marga..." tawag ko sa kanya. Huminto siya at binalingan ako.
"Bakit Madame?" Tanong niya. Nanatili ang mga mata ko sa kanya at may kung ano ang bumara sa lalamunan ko sa sasabihin ko sa kanya.
Umiling na lamang ako.
Natawa siya roon at kalaunan ay napagtuloy na sa paglalakad papasok. Huminga muna ako nang malalim at saka sumunod sa kanya sa loob. Ang pinaghalong makaluma at makabagong mansyon ay ganoon pa rin ang ayos, nag-iba lamang ang puwesto ng mga kagamitan sa loob.
Inilibot ko roon ang aking tingin. For more than three years na pagta trabaho ko as a CEO of Villagracia Corporation, ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang bahay na 'to. I was busy collecting fame and money that time na nakalimutan ko na ang lahat kasama 'to.
"Welcome home, Madame Victoria!" Isang party popper ang sumabog sa gilid ko pagka-apak ko pa lamang sa entrance ng bahay. Natuod ako roon at hindi nakagalaw dahil sa gulat.
Nakatayo at nakahilera sa harap ko ang ilan sa mga naging kasama ko noon hanggang ngayon, habang may hawak na tarpulin. Si Margarita na assistant ko sa loob ng tatlong taon. Si Lilit na laging nasa front desk noon, si Kuya Mavi na driver ko at ilang mga kasambahay.
"Na-speechless 'ata si Madame," si Kuya Mavi. Natawa ako roon kaya naman nagtawanan din sila. I never knew what's family consist of, or what's the sense of having a family, not until they came to my life.
"Hindi niyo naman kailangan pang gawin 'to. Makita ko lang kayong nandito ay surpresa na iyon sa akin." Sabi ko. Natahimik ang lahat ng kasama ko maging ako.
I'm trying not to break my voice. Nakakahiya naman kung iiyak ako sa harap nila na parang tanga. Malawak ko silang nginitian.
I still remember how hard they work just to satisfy me. Iyong oras oras gusto ko malinis ang lahat, 'yong kaunting mali lamang nila ay nakasigaw na ako. 'Yong halos murahin ko na sila sa bagal nilang kumilos. Those are the days I regret not doing.
"Tara na sa dining Madame, naghanda kami ng mga paborito mo..." si Lilit iyon, pambabasag niya sa katahimikan. Muli silang umingay habang naglalakad papunta sa dining room.
Naiwan ako roon nakatayo. Still trying to cope up how my life ended like this. Kung paano ang pinaghirapan ng aking Tatay at ako ay nauwi sa wala. Kung paano kami naghirap sa isang iglap.
Still a nightmare.
"Madame tara na. Lalamig na ang pagkain. Mas masarap kainin iyon kapag mainit." Si Margarita. Ngumiti ako at naglakad na rin ako kasunod nila sa may dining. Papalapit pa lamang ay amoy ko na kung ano ang mga niluto nila.
Dumako ang mata ko sa mga pagkain na naroon. Isang bowl ng gulay, piniritong isda, fish paste, at ilang mga prutas at isang pitchel ng apple juice. Simple. Kaagad akong umupo roon katabi ni Margarita.
"Namiss ko 'to, wala naman kasing ganito sa ibang bansa." Kuwento ko. Natutunan kong kumain ng ganito dalawang taon na. Sino ba naman ako para tumanggi pa, mahirap na nga ako tapos mag-iinarte pa ako.
Natawa si Kuya Mavi.
"Hayaan mo Madame, aaraw arawin natin ang ganitong ulam." Biro niya. Muntik pa akong mabulunan dahil sa sinabi niya, kaagad akong bumunghalit ng tawa na sinundan naman ni Marga.
"'Wag naman Kuya, sige ka baka magkaroon ka na ng hasang kakakain mo ng isda." Si Lilit. Nagtatawanan lamang kami habang kumakain hanggang sa nauwi na lamang sa kuwentuhan pagkatapos.
Nakapalumbaba lamang ako at matamang nakikinig sa mga pinag uusapan nilang tatlo. Paminsan minsan ay nagtatanong sila tungkol sa akin na sinasagot ko naman, minsan ay natatawa na lamang ako.
"Ikaw Madame, marami bang pogi sa ibang bansa?" Isang beses na tanong ni Lilit sa akin. Sa akin lumipad ang mga tingin nila kaya naman natawa ako.
Sumagot ako.
"Marami rin. Magaganda ang mata, mapuputi. Pero kahit isa wala naman akong nagustuhan." Sagot ko habang natatawa. Nagbukas ng isang wine si Margarita kaya naman halos lunurin ko ang tiyan ko dahil doon.
Napasinghap si Lilit.
"Sus Madame, hindi ako naniniwala. Sa ganda mong 'yan!" Sagot niya pa. Umiling lamang ako sa kanya pero siya ay patuloy pa rin sa pagsabi na hindi raw siya naniniwala na wala akong nagustuhan o walang nagkagusto sa akin.
I just shrugged my shoulder.
"Kayo, kumusta kayo rito?" I asked. Naging seryoso silang tatlo at matamang nakatingin lamang sa akin. Sa tanang buhay ko na kasama sila ngayon ko lamang nai-tanong kung kumusta sila.
I smiled trying to hide my nervousness. Nagkatinginan pa muna silang tatlo bago ulit bumaling sa akin.
"Okay naman kami Madame. Still working for Villa— I mean sa Yosingco Corp." Si Marga. Iyon na lamang siguro talaga ang pinagpasalamat ko. Hanggang ngayon ay doon pa rin sila nagta trabaho, kahit wala na ako.
Tumango tango ako.
"Good to hear that, Marga..." sabi ko. Ngumiti rin siya sa akin. I'm blessed to have friends like them. Iyong hindi ako iniwan, may pera man ako o wala.
Tumikhim si Lilit.
"Ganoon din naman ako Madame, still in the front desk. Tapos si Kuya Mavi, shuttle service driver naman." Sagot niya. Napanganga ako sa sinabi niya. They remained in that kind of jobs kahit na umalis ako.
"Tama po 'yon Madame," si Kuya Mavi.
Tumango tango akong muli at hindi na mapigilan ang pagngiti dahil sa kanilang sinabi. I'm happy to see them happy because they deserve it. And now I'm thankful na hindi sila na-karma katulad ko.
"That's because you're a good and hardworking employees. Mukhang nakatulong ang pagsusungit ko sa inyo to be professionals. So proud for the three of you. Keep up the good work." Puri ko. Pinalakpakan ko pa sila dahil doon kaya naman muli kaming nagtawanan.
"Wala naman kami rito Madame, kung hindi sa pagtitiwala niyo." Si Kuya Mavi. Sincere ang pagkakasabi niya kaya naman halos mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.
For more than a year as their CEO, lagi ko lamang iniisip na gawin nila ang kanilang mga trabaho. All I want for them, is to give me an outstanding service, na miski kung ano ang buhay na mayroon sila ay hindi ko pinapansin.
I smiled wider.
"Still you're a good employees who deserve a good respect." Sagot ko. Tinaas ko ang baso at ganoon din naman ang ginawa nila. Pinagdikit namin ang aming mga baso at kaagad na nilagok ang wine na laman niyon.
"Thankyou Madame..." sabay sabay pa nilang sagot kaya naman napapailing na lang ako at natatawa. Binalot ang lamesa namin ng katahimikan kaya naman tumikhim ako.
Lumipad sa akin ang kanilang mga tingin.
"One more thing. 'Wag niyo na 'kong tawagin na Madame. Haevyn na lang o kaya Victoria, kayo na bahala..." I just realized na pare parehas na lamang kami ng buhay ngayon kaya wala ng rason para tawagin pa nila akong ganoon.
Nakunot ang noo ni Margarita.
"Ayos lang Madame. Nakasanayan na namin 'to." Sagot niya. Tumango naman si Lilit at Kuya Mavi sa sinabi niya. Pasimple akong ngumiti at tumango. Pagkatapos naming kumain ay sinamahan akong bumalik ni Margarita sa sala.
Si Lilit ay maghuhugas ng aming pinagkainan, even though I insist, dahil sila na ang nagluto, yet she didn't agree. Si Kuya Mavi naman ay nasa garden dahil aayusin niya raw ang mga tanim na halaman doon.
Maybe some other day ay magawa ko na rin iyon. Kapag nakapag-adjust na ako sa oras ko. Natutunan ko rin naman ang mga iyon noon pa.
"Margarita..." tawag ko sa kanya. Pinaakyat na niya sa ilang kasambahay ang gamit ko sa kuwarto ko noon, na gagamitin ko rin ngayon. Tumingin siya sa akin.
"Bakit Madame?" Tanong niya.
"Kumusta na ang kumpanya?" I asked. I promised na hindi ko na papakialaman pa ang kumpanya dahil hindi na iyon sa akin, still I care. Nakita ko ang paghinga niya nang malalim bago ako binalingan.
Tumango tango siya.
"Still in the number one, Madame. Magaling siya magpatakbo at madali niyang solusyonan kapag may problema..." sagot niya. Ako naman ang tumango tango sa kanya at ngumiti bago bumaling sa telebisyon sa harap.
Alam ko naman iyon. He knows how to handle a company. Dahil noon pa lamang ay kaya na niya. He used to be the problem solver kapag may problema ang kumpanya kahit na empleyado pa lamang siya noon.
And now he's the CEO.
Payapa ang tulog ko ng gabing iyon dahil na rin siguro sa pagod sa byahe. Maaga akong nagising kinabukasan. Kaagad akong pumasok sa restroom at naligo bago bumaba.
"Morning." Bati ko. Naabutan ko na silang nakaupo sa dining at handa na rin ang mga pagkain sa mesa pero hindi pa rin sila nagsisimula.
"Good morning Madame, tara na kumain na tayo." Anyaya sa akin ni Lilit. Nagulat ako na inaantay pa nila ako. Kita ko ang gulat sa mata nila ng lumihis ang lakad ko papunta sa Ref.
"Naku hindi na. Magja-jog ako ngayon, sayang ang araw." Sagot ko. Kumuha ako ng isang basong gatas at kaagad iyong inubos. Kinuha ko rin ang lalagyan ko ng tubig at sinalinan iyon.
Tumikhim si Margarita.
"Kahit konti lang Madame." Anyaya niya pa. Still ay umiling ako.
"Hindi na talaga. Ganito talaga ako noon pa. Sige mauna na ako, magkita na lang tayo mamaya." Iyon lamang ang sinabi ko at kaagad na akong umalis. Suot ko ang aking terno na pang-jog at isang jacket.
I turn on my music playlist at kalaunan ay sinimulan ko na ang pagtakbo. Sa Village lang naman ako at walang gaanong dumadaan na mga sasakyan. Marami rin ang kasabay ko sa pag-jog. Nang makarating ako sa dulo ay naupo ako sa isang bato. Isang lawa ang nasa bandang likuran ng village na 'to kaya naman magandang pang tambayan.
It is an undiscovered paradise.
Puros mansyon ang nakatayo sa Village na 'to. May Dad was once part of share holders of this, pero kaagad niya ring binitawan. Malalaki ang bahay na narito kaya mataas din ang security. Our Mansion is a Victorian Mansion style.
After a minutes my phone beep. Kinuha ko iyon at isang call iyon galing kay Margarita. Kaagad ko iyong sinagot at tinapat sa aking tainga.
"Why?" Tanong ko sa kanya.
"Madame, may bisita po kayo..." nakunot ang aking noo. Wala akong inaasahang bisita ngayong araw, wala namang may alam na ngayon ang uwi ko galing ibang bansa.
"Sino? Wala naman akong inaasahan ngayong bisita, Marga." Sagot ko. Tumayo na ako mula sa pagkaka upo at pinagpag ang aking damit. Sinimulan ko na ang pagtakbo pabalik.
Narinig ko ang pagtikhim niya.
"Kanina pa kasi nandito 'to, Madame. Sabi ko nga wala ka pero ayaw pa rin umalis." Ramdam ko ang pagkataranta sa boses niya. Napapikit ako ng ilang sandali dahil doon.
Huminga ako nang malalim.
"Okay alright, pabalik na 'ko. Tell him to wait for me for fifteen minutes." Iyon lamang ang sinabi ko at nagpatuloy na sa pagtakbo pabalik. Kinse minutos bago ako nakabalik sa Mansyon.
Pagkabalik ko ay isang sasakyan ang naka-park sa labas ng gate. Hindi ako pamilyar kung kanino iyon kaya naman kaagad na akong pumasok sa loob.
"Madame..." si Lilit iyon. Base sa mukha niya ay ramdam ko rin ang pagkataranta roon kaya naman mabilis na kinain ng kaba ang dibdib ko sa kung sino ang bumisita sa akin.
"Sige na. I can handle this." Tumango siya at iniwan na ako roon. Dumiretso ako sa living room at nandoon si Margarita habang may kausap na isang lalaki.
The guy is wearing a formal grey polo. Nakasalamin, at bagsak ang kanyang buhok. I don't know him. Sa tabi niya ay isang brown envelope na siyang nakatawag pansin sa akin.
"Madame..." si Margarita. Kaagad akong ngumiti sa kanya at lumapit sa puwesto nilang dalawa. Pagka upo ko ay siya ang binalingan ko.
"Sige na Marga. Kaya ko na 'to," I said.
Kumunot ang noo niya. Matamang nakatitig siya sa akin. Ang lalaki naman ay pormal lamang na nakaupo at nag aantay sa akin.
"Are you sure, Madame?" She asked. Tumango ako sa kanya kaya naman tumayo na siya. Pagka alis niya ay doon pa lamang ako tumikhim upang makuha ang kanyang atensyon.
Inayos niya ang kanyang upo at bumaling sa akin.
"Good morning Ms. Villagracia. I'm Attorney Grayson Pineda," inilahad niya naman ang kanyang kamay sa aking harap na siyang tinaggap ko naman.
Tumikhim muli ako.
"Okay. So what do you need?" I ask. His attention divert from me to the envelope beside him. He handled it to me. I stare for it for a moment before ko kinuha iyon sa kanya.
"Pinapabigay po iyan ng Yosingco Corporation. Pakibasa na lang," sabi niya. Napa awang ang labi ko sa sinabi niya. Siya ang Abogado ng mga Yosingco, binuksan ko iyon at may papeles ang nakalagay doon.
It's all about property. Our property to be exact. Hindi ko pa man natatapos basahin iyon ay nanginginig na ang aking kamay habang hawak iyon. It's all about the Mansion's property.
"What the f**k is this? Pati ba naman Mansiyon ko, kukunin nila? How dare them!" I said. Sounds taut.
Ang Abogado sa harap ko ay nanatili lamang na nakaupo at hindi nagulat sa aking reaksyon. Inayos niya ang kanyang salamin bago nagsalita.
"According to Mr. Misha Yosingco, kasama ang Mansiyon na ito sa mga ari arian nila na kinuha mula sa kanila. After all this is not your property, literally. It is for the Yosingco family." Mahinahon ang boses niya. Imbes na magalit sa kanya ay kaagad akong natawa.
Nakunot ang noo niya dahil sa ginawa ko. Kalaunan ay sumeryoso ako.
"Really? For your information, My Mom was the reason why this Mansion builted, not the Yosingco Family. Maybe our other resthouses in or out of the country, pero hindi ang isang 'to." Laban ko. Ibinalik ko sa kanya ang envelope at matamang siyang tinaasan ng kilay.
"How about the papers of ownership of this Mansion. Mayroon ka ba?" He simply ask again. Halos dumugo ang aking palad sa pagkakadiin ng aking kamao.
Umiling ako.
"Well, I'll send my lawyer para roon. Kung iyan lamang ang pinunta mo, I'd say, you may now leave." Sagot ko. Kaagad niyang binalingan ng tingin ang envelope at inayos ang kanyang damit bago tumayo.
Tumayo na rin ako.
"Thankyou for your time, Ms. Villagracia. We'll wait for your lawyer..." sabi niya. Nginitian niya pa muna ako nang matamis bago naglakad palabas.
Sinundan ko pa siya hanggang makarating kami sa may gate ng Mansion.
"Ingat ka, Attorney..." sabi ko sounds sarcastic. Lumingon siya sa gawi ko at nagawa pa akong tignan ng ilang minuto. I raised my brow.
Tumango siya sa akin.
"By the way, I forgot to tell you, you only have one week to pack all your things and leave the Mansion. Mr. Yosingco already knew who is the owner of this, and literally not you or any of your family." Napa nganga ako sa sinabi niya at pinagha hampas ang bintana ng sasakyan niya nang makapasok siya roon.
"What?" Hindi mapakaniwalang tanong ko. I'm starting to greet my teeth because of anger.
"Narinig niyo po ang sinabi ko." Mahinahon ang boses niya. Dumiin ang pagkakayukom ko sa aking kamao sa sobrang inis.
"Tell him, that he will never get this Mansion from me! Kahit lumuhod pa siya sa harap ko. Never! f**k him and his family!" I growled. Naiwan ako sa gitna ng kalsada nang mabilis na umalis iyong sasakyan.
Napahawak ako sa aking sintido. Hinihingal din ako dahil doon. Kakauwi ko pa lamang pero ito kaagad ang bubungad sa akin.
"Madame are you okay?" Si Margarita. Nakatayo siya sa may gate habang ako ay nasa gitna pa rin. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kanya, katulad ng dati.
"Of course, Marga." I said. I heaves another sigh bago pumasok sa loob. Kaagad akong dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig. Biglang nanuyo ang aking lalamunan dahil sa aking nalaman.
This is all my father's fault! At ako ang nagbabayad ng lahat. I never knew this will be the consequences of everything na pati ako na walang kasalanan, ay napasama rito.
"I'll go to my room." Paalam ko sa kanilang lahat. Kaagad akong pumasok sa shower at nagbabad sa tub nang sa ganon ay mabawasan ang init ng aking ulo.
Two years ago, kinuha na nila ang lahat mula sa amin. The Company, our other businesses, cards, money and even our jobs. Hindi ako umapela, dahil iyon talaga ang dapat na mangyari. Pero hindi ko inaasahan na pati ang Mansyon na 'to. Ito na nga lang ang nag-iisang ari arian na mayroon kami!
Ito na lang ang mayroon ako. This is the last memories I have with my Mom, tapos kukuhanin niya pa? Saan ako pupulutin kapag nagkataon iyon? I know our sins is unforgivable, pero sana huwag naman sa ganitong paraan niya kami pag-higantihan.
I can't lose it. Kahit ito lang, 'wag na sana.
Pagkatapos noon ay hindi na ako lumabas pa. Kinabukasan maaga akong gumising para makapunta sa Yosingco Corp. I just wanted to clear things. Gusto kong malaman kung bakit ganito na lang kung pahirapan niya ako.
"Good morning, nandiyan ba si Mr. Yosingco?" I ask. Mula sa pagkaka upo ay tumayo si Lilit at nagulat pa siya nang makita niya ako.
"Madame, anong ginagawa niyo rito?" Tanong niya. Wala pa naman gaanong tao sa Company dahil may ilang oras pa bago magsimula ang trabaho.
Ngumiti ako sa kanya.
"Andiyan ba ang boss mo?" Tanong ko. Kaagad siyang umalis sa kanyang puwesto at iginaya ako paakyat sa office ni Misha sa huling palapag. Naabutan naming dalawa roon si Margarita sa kanyang table.
"Good morning, Marga." Bati ko sa kanya. Napaawang ang kanyang labi nang makita niya akong nakatayo sa harapan ng kanyang desk.
"Madame, anong ginagawa niyo rito?" Namamangha ang kanyang boses. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lilit bago ko siya nilapitan.
"I'm looking for your boss. Nandiyan na ba siya?" Tanong ko. Siya ang bagong secretary ni Misha simula nung umalis ako sa Company.
Tumango tango siya.
Nagpaalam na si Lilit sa amin na babalik na siya sa kanyang puwesto, dahil baka mapagalitan daw siya ni Misha, na tinaguan ko. Nang makapag paalam na kami ay ginaya na ako ni Margarita sa office ni Misha na nasa hulihang room.
"Knock three times before you enter," paalala niya. Tumango ako. This is my rule since then, and nakakatuwa na until now ay ginagamit pa rin nila.
"Hindi mo ba 'ko sasamahan sa loob?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin at kaagad na nagpaalam sa akin na babalik na siya sa desk niya. Huminga ako nang malalim bago kumatok ng tatlong beses.
"Come in." Isang baritonong boses ang narinig ko mula sa loob. It's been two years since the last time I heard his voice. Ngayon na lamang ulit. Kaagad kong binuksan ang glass door.
Bumungad sa akin ang kulay itim na interior design sa loob. That last time I used this ay hindi ganito. Ngayon ay ibang iba na ngayon. Miski ang mga paintings ay tinaggal, at pinalitan ng iba. It's simple as black and white chess.
Manly ang datingan, dagdag pa ang air-freshener na pabango na amoy na amoy pagkapasok pa lamang. Dati ay employee ko ang pumupunta rito para sa akin, ngayon ako na.
Napatitig din ako sa kulay itim na couch sa harap ng table niya. It's been two years. Iyon na lang yata ang natira sa pinundar ko sa Company. And I'm glad na ginagamit niya iyon.
"What are you doing here?" Ang kanyang tanong ang nagpabalik sa akin. Nakaupo siya sa kanyang upuan at matamang nakatingin sa akin, walang emosyon.
Sinimulang gapangin ng galit ang dibdib ko. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Pumunta iyong lawyer mo. May I remind you na hindi mo pagma-may ari ang Mansyon ko. It was builted because of my Mom, at hindi ang pamilya niyo." Mahinahon na paliwanag ko. Itim na itim ang suot niya ngayon, mula sa kanyang bagsak na buhok hanggang sa makintab niyang sapatos.
Bagay iyon sa kanya dahil angat na angat ang kulay gatas niyang balat. Kung ako ang tatanungin ay kumukha niya si Edward Cullen sa Twilight.
"You got it wrong. Sinabi na ng Dad mo na kami talaga ang may-ari noon. At kahit piso ay wala kayong nilabas na pera. So kung ipagpipilitan mo pa rin na sa'yo talaga iyon, mas mabuti pang ngayon pa lang ay mag-alsa balutan ka na." Sagot niya.
Suminghap ang aking baga ng hangin upang madaluyan ang nanunuyo kong lalamunan. Mahigpit ang aking pagkakayukom na para bang mapupunit na iyon.
I tried to remain calm.
"You can sue me or even my dad for lying to you and to your family. Pero 'wag mo naman sana idamay pa 'yong nag-iisang ari-arian na sa amin naman talaga!" I said through greeted teeth. Ang kanyang panga ay halos dumiin sa isa't isa.
"You never changed, makulit ka pa rin at gusto mo lahat ng naisin mo nakukuha mo agad." He said. His eyes widened because of frustration. Even I raised my voice ay nanatili lamang siyang kalmado.
Mabuti na lamang at sounds proof ang office na 'to kaya walang nakakarinig bukod sa aming dalawa. Malakas naman ang aircon sa loob pero pinagpapawisan ako sa galit.
"Baka nakakalimutan mo, you are just my employee back then. Ako ang nagpa pasahod sa iyo noon, ako ang laging naka-suporta sa inyo. I was there, when you don't have anything. I was always there behind you, catching all the responsibilities. I was there for you, when no one else was..." sabi ko.
Mas lalong humigpit ang kanyang panga, maging ang pagkakakuyom ng kanyang palad.
"Sumbatan?" Tanong niya habang nakangisi. Umiling ako.
"No. Gusto ko lang na sana ako pa rin ang masusunod dahil sa amin naman talaga 'yon. I never knew, time makes you being an arrogant!" Matigas na laban ko.
I don't have any single idea how cruel he became. Pare parehas lang naman kami na nagbabayad ng tax sa bansa. We're breathing the same air, looking at same sky at hindi ako isang pulubi na aabutan lamang niya ng barya.
"Look who's talking, naririnig mo ba yang sinasabi mo? Shame on you kung bakit kinakailangan mong magmaka-awa ngayon sa akin dahil sa mansyon na 'yan." Sabi niya. Suntok sa dibdib ang kanyang sinabi pero hindi ko iyon pinansin.
I blink my eyes. I just realized na mukha akong pulubi talaga na nagmamakaawa sa harap niya para lamang sa isang Mansyon, na naiwan sa akin at mag-isa kong pinaglalaban. But that Mansion is ours! Hindi sa kanila.
"Hindi pagmamakaawa ang tawag dito, Vierre. Pinapaalala ko lang sa'yo na sa amin talaga iyon. And I'll never ever kneel down infront of you, or even say the word please." Madiin na pagkakasabi ko.
He remained staring at me, pero alam kong nagpipigil lamang siya ng galit dahil sa pagkakadiin ng kanyang panga na para bang masisira na ang kanyang ngipin dahil doon.
Nakita ko ang paghugot ng kanyang malalim na paghinga.
"I don't care. You just proved to me that all Villagracia's are cruel and sinners. You lost your power and strength and even your class." Iyon lamang ang sinabi niya bago siya tumayo at lumabas sa sarili niyang office.
He even dragged my shoulder before he leave. Hindi rin naman ako kaagad na nagtagal pa roon dahil baka may ibang makakita sa akin. I stormed out to the room at nagpaalam na kay Margarita at Lilit, na kapwa busy sa trabaho.
Kaagad akong sumakay sa aking sasakyan at nag-drive na pabalik sa Mansyon. I just did the right thing. Pinaalala ko lamang na sa amin talaga iyon, at hindi puwedeng basta basta sila uma-angkin ng isang bagay na hindi naman sa kanila.
They can lost trust because of that. Mahihirapan silang mag-earn ng trust mula sa ibang tao. I was stuck in the traffic nang tumunog ang cellphone ko. It is Ate Kayla ang kasambahay namin.
Kaagad ko iyong sinagot at ni-loud speaker para mas marinig ko.
"Hello Ate Kayla, napatawag po kayo?" I asked. Narinig ko ang ingay sa background niya na para bang may hinahagis na kung anong bagay.
"Madame Victoria..." tawag niya sa pangalan ko. Nakunot ang noo ko dahil doon, I can feel in her voice that something bad is happening.
"Ano po bang nangyayari?" Tanong ko. I am running out of patience because of those background noises, nakakarindi iyon. Narinig ko ang pag-hikbi niya.
Kaagad akong na-alarma.
"Madame... lahat ng gamit natin nasa labas na. May mga lalaki ang pumunta sa bahay at sinumulang ilabas ang mga gamit natin. Lahat lahat." She's now starting crying. Napapikit ako at napakagat sa aking ibabang labi. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.
I heaved a sigh.
"Pero bakit daw? Tresspassing ang ginagawa nila!" I said. Kahit nakapikit ako o kahit bingi ay alam kong si Misha ang may pakana nito! Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa frustration.
"Utos daw sa kanila, Madame. Pinigilan ko sila Madame, pero binantaan nila akong kakasuhan kapang nangialam ako." Sabi ni Ate Kayla sa kabilang linya. Halos mahulog ang puso ko sa sinabi niya. Gusto kong umiyak at paliparin ang sasakyan ko pero hindi ko magawa.
I'm helpless.
"Sige papunta na ako r'yan. Pakihintay na lamang ako at hihingan ko sila ng notice kung sino ang nagpahintulot sa kanila na pumasok diyan ng walang paalam sa akin!" I am about to drop off the call ng magsalita si Ate Kayla.
It's just a few words, but I feel like my world vanished again for the second time around. At wala akong nagawa para pigilan na mangyari iyon.
"Madame wala na ang Mansyon. Nilagyan na nila ng kordon..."