JANELLA'S POV
"Chef Ella!! "
Napatigil ako sa aking ginagawa, ng may biglang sumigaw sa likod ko at tinawag ang aking pangalan. Kaya napasulyap pa kami sa sumigaw. Ngunit binalik ko ulit ang aking atensyon sa aming ginagawa ng batang kasama ko ngayon.
Nandito kasi ako sa labas, pagkatapos kaninang magluto, dahil wala naman kaming ginagawa sa loob, kaya naisipan kong lumabas muna, eksakto naman na may umiiyak na cute na bata.
" chef Ella!! " Sigaw ulit ng tumawag sa akin,
Kaya tumigil na ako sa aking ginagawa, siya naman ang simangot ng batang kasama ko.
"Ano bang ginagawa mo dito? Hinahanap ka ni boss! " Hingal na hingal ng isa sa aming mga kasama sa kusina.
"Hah? Bakit daw? " Takang tanong ko sa kanya.
Hindi kaya may nagawa akong mali, o di kaya naman ay hindi masarap ang luto ko? Pero kanina pagdaan ko sa loob, puro magandang completement ang aking narinig mula sa kanila.
"Ewan, pumunta ka na daw doon, kanina ka pa hinahanap. " Parang may pangamba sa boses ni Anna. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Lalo pa at sinabi ni Claire na may pagka-sama ang ugali ng boss namin!
"Sige Ana, sunod ako. " Tugon ko kay Anna.
"Sige ikaw bahala hah. Sunod kana, para makauwi na rin tayo, gabi na oh. " Sagot sa akin sabay nguso pa! Kung sabagay malalim na rin ng gabi. Pero para sa akin ok lang dahil malapit lang naman ang bahay namin mula rito.
"Ok, sunod ako, " Tipid kong sagot sa kanya, at umalis na nga siya.
Muntik ko pang nakalimutan na may kasama akong bata at napahinga pa siya ng malalim.
"Hays! Aalis ka na po? " Malungkot nitong boses ng tanong sa akin. Pero hinawakan ko ang mukha niyang napaka-cute.
"Opo, halika na hatid na kita sa loob, next time huwag ka ng lumabas hah, lalo na kapag wala kang kasama. " Sagot ko sa kanya.
Kasi naman, mag isa lang siya kanina, may pinuntahan daw ang yaya nito. Tapos ang sabi pa sa akin, wala daw gustong kumuha sa kanya dahil mabigat siya, totoo nga naman dahil ang cute-cute niya talaga!
"Ate pretty, magkikita pa ba tayo? " Tanong sa akin, medyo malungkot pa ang mukha nitong tanong sa akin.
"Naku, hindi ko alam, kasi po, part-time lang ako dito. " Sagot ko sa kanya. kahit alam kong,hindi niya maintindihan ang aking sinasabi.
Natuwa din ako sa tawag sa akin na ate pretty. Para siyang matanda kung makipag-usap sa akin. E' ang pagkakaalam ko baka 4 year-old, o 5 siya, pero ang cute nito talaga dahil ang taba niya, tapos hapit na hapit pa sa kanya ang damit nito!
"Ate pretty, may I see you tomorrow again po? " Magalang na tanong sa akin. Naaninag ko pa ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Hmmp.. Hindi ako sigurado baby boy, bakit wala kabang yaya? " Tanong ko sa kanya. Kasi naman mukhang mayaman naman tong batang ito eh! Mga suot palang mamahalin na. Dahil sa brand ng suot na sapatos. Kahit mahirap naman ako alam ko ang kalidad ng original at imitation. Isa pa, lahat yata ng bisita kanina, may sinasabi sa buhay. Sa sasakyan ba naman nila na nagrarangyaan sa ganda! Kung sabagay nga naman, anniversary pala ng magulang ng boss namin.
" I don't like may yaya ate pretty, she's so masungit, specially when my dad and mom not in the house po. " Parang nagsusumbong sa akin. E' ngayon palang naman kami nagkita kakaiba din ang batang to! Mukhang madaldal.
Tapos hindi pa sinabi sa akin ang pangalan niya, pati nga ako eh hindi pa ako nakapag kilala sa kanya.
"Naku, mas maganda siguro kung sabihin mo ito sa mommy at daddy mo hah. Naku kawawa ka naman kung pinapagalitan kang yaya mo baby boy, pero baka naman sobrang makulit ka? " Sagot ko sa kanya sabay haplos sa kanyang mukha, na para bang nagustuhan nito ang ginawa ko. Dahil napa hagikhik pa.
"Sige na nga halika na nga, baka magalit ang boss ko sa akin. " Bulalas ko pa sa kanya. As if naman na maintindihan ako ng batang ito!
"You know what, ate pretty, I can tell my kuya pogi, he will hire you. He has many restaurant po. He's a good chef as well. You and him have the same similar work po, " madaldal pa nitong sagot sa akin.
Oo nga, na kwento niya sa akin kanina na may kuya daw siya kasing pogi at payat niya. Siguro mataba din ang kapatid nito!
Habang nag uusap kami, at hawak kamay pa kaming pumasok sa loob ay halos wala ng mga bisita. Ngunit hingal na hingal si Anna na papunta sa gawi ko!
"Chef! Chef! " Sigaw sa akin sabay wagayway sa kamay nito na akala mo may sunog! At akala mo'y may kinakatakutan na ewan.
Siya naman ang takbo ng isang batang babae na may kausap sa phone.
"Mom I found him, don't worry about him, I'll bring up there. " Narinig kong bulalas nito sabay pamaywang sa harapan ng batang nakahawak sa aking kamay na akala mong ayaw akong bitawan dahil sa higpit ng pagka hawak sa akin.
"You! Do you know, mom and dad worried about you brat! Where have you been hah? And you yay--" tuloy-tuloy na bulalas sabay turo sa akin, ngunit binawi rin agad ang daliri dahil mukhang nabigla siya ng makita ako.
"Who you are? " Suplada nitong tanong sa akin sabay bawi ang batang nakahawak sa kamay ko.
"Chef Ella, ano ba nakikinig ka ba sa akin? Bahala ka nga sa buhay mo! " Nagulat ako sa sigaw ulit ni Anna muntik ko na ulit nakalimutan. Napangiwi tuloy ako. Ayon umalis na ang gaga!
Hindi ko pa nasagot ang babae na hanggang ngayon mukhang galit sa batang paslit! At nakataas ang kilay sa akin.
Dahil nakatingin lang naman sa akin, sabay ngisi! Nakaramdam tuloy ako ng kaba!
"Hi po! " Nakangiti na nitong saad sa akin, yung nakataas nitong kilay kanina ay biglang maamo na ang mukha. Pero kapag nakatingin sa paslit na bata para na nitong kainin dahil parang tigre na may angil dito!
"Isumbong kita kay mommy! " Sigaw ng batang mataba sa dalagita.
"E' di magsumbong ka! Ikaw ang lagot ngayon! Allaka! " Panakot pa nito sa batang paslit, at mukhang maiiyak na nga ang cute na cute na bata!
Pero bago pa may umiyak, nagsalita na ako.
"Wait lang po, baka may umiyak. " Pag-awat ko sa kanila. Buti naman at tumigil sila pareho.
Pero ang batang cute, masama ang tingin sa dalagita. Felling ko magkapatid sila kasi magkamukha. Maganda ang dalagita may mahabang buhok na mukhang alaga sa saloon, at makikinis nitong balat at maputi pa, pero hindi talaga maikakaila na may pagka-arte.
"Kasi po ate, " Napatigil muna siya sa pag sagot sa akin, at tinignan pa ako ng pataas at pababa. At napa tigil sa aking mukha na para bang, iniisip nito na kung magkakilala ba kami. Iyon kasi ang naobserbahan ko sa dalagita. Mukhang matalino siya.
"Did we meet before? " Maya't maya tanong sa akin.
"No, hindi pa tayo nagkikita, ngayon palang siguro. I guest. " Nakangiti kong sagot sa kanya.
Nang bigla nalang pumunta sa harapan ko ang batang mataba na super cute!
"Don't hurt her, I will tell mommy if you hurt her! " Parang galit pang sagot ng batang lalaki sa kausap namin.
"Tsee! Tumigil ka nga diyan! Halika na nga! Kanina kapa hinahanap ni mom at dad! " Paasik din na sagot ng dalaga sa kanya.
At hinawakan na nito ang braso ng bata at hinila na nito! Nahirapan pa siya dahil ayaw magpahila ang batang paslit. Dahil nakatingin lang sa akin na para bang ayaw umalis.
Tumigil rin ang dalaga at tumingin sa akin. At napakamot sa kanyang ulo.
"Hi po, by the way. My name is Shakira and his my brother Alexis po. And you are? " Maya't maya pagpapakilala sa akin sabay tanong.
Mabait nga naman talaga siya. Akala ko kanina maldita. Sorry judge mental ako minsan. Iyon dapat ang wag natin gawin lalo pa at hindi natin lubos na kilala pa ang isang tao.
" Hello, just call me ate Ella. Nice to meet you Shakira and Alexis. " Nakangiti kong sagot sa kanila, at napahawak pa ako sa pisngi ni Alexis.
Kasabay iyon ang hingal na hingal na parang Yaya pa ata dahil sa suot ng damit na terno. Para ngang nurse.
"Senyorita Shakira, nandito pala kayo. " May pag-alalang saad nito. At hindi siya pinansin ni Shakira at may pabulong pa ang dalaga na hindi naman umabot sa aking pandinig.
"Fyi! Lumandi ka na naman! "
Bulong nito! At masama ang ipinukol na tingin ang babae kay Shakira. Hindi ko lang alam kung nakita ni Shakira.
"Alex, halika na baby. " Saad ng babae kay Alexis pero ayaw bitawan ang kamay ng kanyang ate at nakasimangot na ito.
"Yaya, saan ka na naman kasi nanggaling? Alam mo galit na sayo si mommy, lagi mong iniwan si Alexis kung saan-saan! " Parang galit pang saad ni Shakira sa babaeng tinawag nitong yaya.
At ang babae naman, ay hindi nakaimik agad. Biglang umasim ang mukha. Ngunit panandalian lang. Kung hindi ako nagkakamali magkasing-edad lang kami ang tinawag ni Shakira na Yaya.
Sumulyap ulit sa akin si Shakira at walang umutawi na boses mula sa kanya, ngunit sumenyas na mauna na sila. At hindi man lang sinagot ang yaya nito.
"Maldita ka talaga! May araw. Ka rin sa akin! " Hindi nakaligtas sa akin pandinig ang himutok ng yaya nila. At bigla akong nakaramdam ng kaba ng hindi ko mawari ang dahilan.
Ng wala na sila sa harapan ko, bigla kong naalala ang sinabi ni Anna sa akin!
"Alla! Lagot na! " bigla kong naibulalas sa aking sarili at mabilis na akong pumasok sa loob ng restaurant. Dahil pati si Anna hindi ko namalayan na wala na siya sa tabi ko kanina.
Pagpasok ko sa loob. Isang malakas na sigaw ang bumungad sa akin!
"Sino ang nagmamagaling na pumalit sa mga dish ko?! "