Chapter 10

1671 Words
JANELLA's POV "Tama na Chef Ella, sinabi ko naman kasi sayo sumunod kana agad eh, ayan tuloy. " Awat sa akin ni Anna, sabay haplos sa aking likod. Umiiyak lang naman ako dahil sa pagpapahiya sa akin ng aking boss. Ayaw ko naman na may makakita sa akin kaya mga nagpunta ako sa banyo, ngunit sinundan pala ako ni Anna. "Ang arte niya talaga! Kung gusto pala niya magluto, di sana sinabi niya agad! Ang dami niyang satsat! " Himutok ko sabay pahid sa aking luha ng dumaloy mula sa aking pisngi. Ganito kasi ang nangyari kanina. Lahat daw ng dish na niluto ko ay hindi ang dish na gusto niya. Inawat naman siya ng kanyang magulang kanina, pero nung nakaalis na sila ayon! Naging dragon ulit! Na akala mo naman ang laki ng kasalanan ko. May panakot pang alisin ako sa trabaho! Mokong na yon! "Mukhang pinaglihi siya sa sama ng loob dahil hindi man lang marunong ngumiti! " himutok ko ulit sa aking sarili. "Pero aminin mo gwapo ang boss natin Chef Ella! " Sabad ni Anna, bakit ba laging,sumusulpot ang babaeng to! Kaya sinamaan ko siya ng tingin,sabay singhot ako, dahil hindi ko talaga kaya ang pagpapahiya ng boss namin sa akin. "Anong gwapo ka d'yan! Hindi siya gwapo! Mukha siyang sherk na pinaglihi ng sama ng loob! Bakit kaya hindi siya nagmana sa mommy niya, mukhang mabait naman ang mommy niya! " Himutok ko ulit. Pero hindi maipagkakaila nagmana siya sa daddy nito, kasi kanina ganun din ang ama nito seryoso rin ang mukha. Pero hindi talaga maitatanggi na may magandang lahi sila! Joke ko lang na pangit ang boss namin! Dahil ang sama ng ugali, kaya nasabi kong pangit siya. "Ang gwapo niya kaya Chef, naku kung palarin sana ako pwede akong mag apply sa kanya kahit bilang yaya na lang ayeh! " Hagikhik nitong sagot sa akin. Kaya simanaan ko ulit siya ng tingin! Buti naman tumigil siya, at napanguso pa! "Sus! Sige na nga! Para matigil kana, pero alam mo kanina Chef, tingin ng tingin sayo. Napalunok pa nga eh! " May panunudyo nitong saad sa akin. "Anong tingin ka diyan! At lunok? Hoy Anna wag mo akong pinagloloko makikita mo! " Galit kong tugon kay Anna, akala ko ma offend siya sa sigaw ko pero bungisngis lang sinagot sa akin ang gaga! Lokaret din pala ang babaeng to eh. Feeling close kami tuloy na dalawa. Ano naman ang pakialam ko kung nakatingin sa akin, malamang pinapagalitan nga ako diba? "Sige na, sunod kana sa akin hah, sabay na tayong umuwi, total naman madaanan namin ang inyong lugar. " Sabi pa sa akin bago siya umalis, tumango ako bilang sagot. At iniwan na nga ako dito sa banyo. Huminga muna ako ng malalim at naghilamos sa aking mukha, ng biglang bumalik ang sinabi sa akin ng boss naming dragon! "Miss Manalo! Do you think you have the right to change my dishes? And who the hell are you? You're fired!! " "Erase Ella, erase! " Napailing aking ulo dahil sa pagka-alala ko sa kanyang sinabi. "You're fired!! " "You're fired!! " "You're fired!! "Hindi! Hindi!! " Sigaw ko sa loob ng banyo! Dahil paulit-ulit na nag e-echo sa akin ang salitang fired! "Hindi ako maaaring mawalan ng trabaho, dahil kailangan namin ni mama ito. " Bulong ko sa hangin. Maya't maya may kumatok sa aking cubicle kung saan pumasok ako kanina sa loob. "Chef Ella, andiyan kapaba? " Boses ni Claire ang aking narinig. Sabay katok nito sa lahat ng pintuan, at parang may pag-alala ang boses. Kaya lumabas na ako, dahil nakakahiya naman sa kanya. Isa pa pinsan pala siya ng aking boss. Nakilala ko lang naman sila kanina dahil eksaktong pag pasok ko sa kusina, ay nadaanan ko sila kasama ang magandang babae na tinawag nitong mommy. Nasabi kong maganda, dahil sa sofisticated nitong awra at halatang alaga sa katawan, parang model nga e, hindi naman nila ako napansin dahil kay Claire ang atensyon nila. Isa pa sino ba naman kasi ako para mapansin nila. "Ella? " Boses ulit ni Claire ang nagbalik sa aking diwa. Kaya lumabas na ako. "Claire! " Medyo malakas kong boses. At humarap siya sa akin. Napakahawak pa ito sa tapat ng kanyang dibdib na para bang gulat na gulat pa! "Omg! Ella! " Tugon sa akin. Napangiwi tuloy ako. Parang lumabas na ang kaartehan ng babaeng to! Napahawak pa siya sa kanyang dibdib, animo'y nagulat! Kung sabagay walang katao-tao dito sa loob ng banyo. "Are you ok? " Maya't maya tanong sa akin. Tignan mo tong babaeng to! Ako pa talaga tinanong kung ok lang ako, e' siya ito ang mukhang hindi ok. "Ako ba talaga ang tinatanong mo kung ok lang ako? Ikaw yata itong hindi ok. " Saad ko sa kanya. Kasi naman, mukhang may problema din itong babaeng ito, kung bakit kasi alam ko lahat at napapansin ko pa! "Wala to! Don't mind me. Ikaw ang inaalala ko, ok ka lang ba? " Ulit nitong tanong sa akin. Saksi kasi siya kanina sa kaganapan sa kusina at buti na lang din at nandoon siya dahil isa siya sa umawat sa boss kong sobrang sungit. "Don't mind kuya Cj what he's telling you earlier, ganun lang talaga si kuya, but he's a good naman. " Hindi na ako magtataka kung ipagtatanggol niya ang boss ko, dahil pinsan nga naman nito. Napatango na lang ako sa kanya bilang sagot. Gustong sagutin kung saan banda ba ang pagiging mabait ng dragon na iyon! Dahil bawat boses na lumabas sa bibig ay parang bumubuga ng apoy! Ni wala ngang makaawat kanina. Si Claire puro kuya, hays! Buti nalang at biglang nag ring ang cellphone ng dragon na yon! Kaya umalis siya at binigyan ako ng pagkakataon na lumabas na rin sa kusina. Hindi ko naman alam na sinundan ako ni Anna. "He's not firing you, don't worry. I know Kuya Cj very well. " May pagmamalaki pa nitong sagot sa akin. Kung hindi lang sila mag pinsan, at hindi kuya ang tawag nito, baka pag isipan ko na siya ng hindi maganda. Na may gusto siya sa kuya Cj nito! Kasi naman kumukutitap pa ang mga mata habang binabanggit ang kuya Cj. Hays, nagiging masama na ang laman ng utak ko, dahil sa dragon na yon. E' kasi naman babae din ako no! Alam ko kung may gusto ang isang babae sa isang lalaki! "Wag kang ganyan Ella! " Bulong ko sa aking sarili. Ngunit napalakas yata. " Ano yon? " Biglang sabad ni Claire sa akin, mukhang napa lakas ang aking boses. "Wala, ang sabi ko halikana at labas na tayo, gabing-gabi na! " Sagot ko sa kanya, at hinawakan ko na ang kanyang braso, dahil mukhang nawawala na siya sa kanyang sarili. Nandito na kami sa labas ng resto at tahimik na pala ang lahat. Mukhang umuwi na ang lahat ng mga tao, dahil patay na rin ang ilaw mula sa taas. Sumakay na rin si Ella sa kotse nito at sumenyas sa akin na sumakay na rin ako. Dahil paglabas namin mula sa banyo ay nag aya sa akin na ihahatid daw ako. Ok lang sana kung pareho ang way namin ng uwian kaso magkaiba naman. Kaya todo tanggi naman ako. Isa pa baka mas lalong mapalayo siya sa kanila. Bumusina ulit siya, kaya sumenyas ako na wag na dahil umiling ako at nag ba-bye na at iwinagayway ko pa ang aking mga kamay. Nakita ko pa siyang ngumuso pero tumawa ako! At ngumiti na rin siya. Kahit ilang araw pa lang kami na magkakilala ni Claire ay masasabi kong mabait naman siya, pero sa ikli namin pagsasama unti-unti ko rin matutuklasan ang kanyang ugali. Isang busina pa nito, at kumaway ng tuluyan na siyang umalis. Napa hinga pa ako ng malalim ng mag isa na lang ako. Akala ko kanina sabay kami ni Anna, pero si sabi ni Claire nauna na daw itong umalis, dahil nga sabi daw ni Claire siya na maghatid sa akin. Iyon ay hindi ako pumayag. Kaya ito ako ngayon mag isa. "Kaya mo yan self! Sanay ka naman diba? " Kausap ko sa aking sarili. Habang binabagtas ko ang daan. Hindi naman ako takot kahit maraming Pine-Tree dito dahil maliwanag ang paligid, mukhang pina sadya ang lahat. Luminga-linga ako sa paligid para sana sumakay nalang ako, dahil medyo malayo pa ang aming bahay mula rito. Patuloy pa rin ako sa paglalakad at hindi ko alintana ang lalim ng gabi sa gitna ng kalye. Nang may nakasalubong akong isang grupo ng kalalakihan na mukhang sanggano! At lima pa sila. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba at luminga ulit sa paligid, ngunit mukhang tahimik ang lahat. "Wow pare! Chix! " Sigaw ng isa, sabay dila nito sa kanyang labi. "Ako ang mauna! " Sigaw ng matabang lalaki! Alam ko naman na hindi safe ang mag isa sa gabi, pero bakit ko nga ba iyon nakalimutan. "Sige bossing, pagkatapos mo ako naman! " Tugon ng isa, bigla akong nagpanik at tumalikod ako at mabilis na tumakbo! "Hoy mis butipul! Wala ka ng ma takbuhan! Halika at ipa patikim namin sayo ang langit! " Sigaw ng isang kasama nila, mukhang lasing sila dahil ang pagbigkas ng beautiful ay nagiging bulol na! Hindi ko sila pinakinggan basta mabilis akong tumakbo! Lalo na ng sinabi niya ang katagang langit! "Diyos ko! Tulungan mo po ako, wag mo akong pabayaan na makuha ang mga hudas na iyon!" Dasal ko sa kawalan habang mabilis akong tumakbo at mabilis akong tumawid sa kabilang highway, nang biglang may parating na sasakyan na mabilis ang pagmamaneho! Hindi ko na alintana ang kotse at mabilis akong tumawid, ngunit isang nakakabinging tunog ng gulong ang nagpagimbal sa akin. Kasabay ang aking pagbagsak! "Ito na ba ang aking katapusan, San Pedro? " Nakapikit kong tugon sa aking sarili. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na alam ang kasunod pa, pero bago pa nagdilim ang aking paningin ay naaninag ko ang driver ng sasakyan ng lumabas mula sa kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD