Cj's POV
"Calm down son, she will be fine. " Saad ni Dad sa akin.
Pa balik-balik ako ng lakad sa labas ng silid ng hospital, kung saan dito ko dinala ang babaeng nabangga ng kotse ko kanina, kasama ang aking ama.
And s**t! Isa sa mga staff ko. Tinawagan ko agad si dad dahil hindi ko alam ang aking gagawin, lalo pa at hanggang ngayon ay wala pa itong malay.
"Dad, I swear I didn't meant it! " Tugon ko sa aking ama. Dahil kilala rin niya ang babae. Walang iba kundi ang babaeng kanina lang nagpa galit sa akin ng husto.
Dahil pinakialaman lang naman ang aking mga dish na alam ko naman na wala itong kasalanan. Hindi ko lang matanggap sa aking sarili na may isang taong, papalitan ng mga dish ko?
"Yeah, I know son. Calm down. " Tugon ulit ni dad sa akin. Sabay tapik sa aking balikat. Siya naman ang paglabas ng doctor mula sa loob ng silid kung nasaan ang babae.
Agad kong sinalubong ang doctor, at tinanong. Daig ko pa ang isang boyfriend kung umasta! Damn it!
Napailing nalang ako sa aking iniisip. Ano ba kasi ang pakialam ko sa babaeng ito? Pwede ko naman iwanan kung tutuusin.
"Sino ang pamilya ng pasyente? " Bungad agad ng doctor.
"Doc! " Sagot ko sa kanya sabay taas ang aking kamay. Pati ang aking katawan, parang may sariling utak. Kahit hindi naman ako ang pamilya ng pasyente. Isa pa tinawagan na kanina ni dad ang mga naka-save na numero sa cellphone ng babae, kamag-anak nito.
Medyo napakunot noo pa ang doctor ng pagka kita sa akin. At kay Dad.
"Mr. Smith? " Halata ang pagka-gulat ng doctor, ngunit kay dad na siya nakatingin.
"Doc. William? " Halata din sa gulat na tanong ni dad sa lalaking kaharap nito! Mukhang magkasing edad sila.
Pero, bago pa kung saan mapunta ang usapan nilang dalawa ay tumikhim na ako.
"Ahm! " Agaw pansin ko sa kanilang dalawa at sabay pa silang napalingon sa akin.
"Cj? Is that you? " Parang takang tanong pa sa akin. How could be na kilala ako, but anyway, sino nga ba kasi ang hindi nakakakilala sa akin? Pero si dad na ang sumagot.
'Yeah, pare he is! " Na medyo napailing pa si dad na parang gustong matawa, pero ako seryoso ang aking mukha. Dahil wala naman nakakatawa sa sitwasyon.
"Mukhang nagmana sayo ang panganay mo pare, anyway. Kaano-ano ninyo ang pasyente? " Maya't maya tanong ng doctor at sa akin na nakatingin. Ngayon ko lang siya nakita. Kahit dito pa nanganak si mom noon, hindi ko siya nakita.
"How is she? " Instead na tanong ko sa doctor. Ngunit ngumisi lang siya sa akin. Dahil hindi ko siya sinagot.
"Anak mo nga ito pare! Parehong-pareho kayo ng ugali. " Pailing-iling na tugon ng matandang doctor. Anyway hindi naman siya matanda, kasing edad lang ni dad. Maybe nasa 50's na ito!
"You don't have to worry about her, because her organs are okay and no broken bones, she wasn't injured. Anyway, she fainted due to fatigue, lack of sleep or maybe she was stressed. It looks like before the incident she seems tired."
Mahaba-habang sagot ni dok William, sa amin dahil palipat-lipat pa siya ng tingin sa aming dalawa ni dad. Siguro nga pagod ang babae, dahil sa dami ng niluto kanina.
At hindi lang 'yon, dahil kanina may limang lalaki na na lumapit sa akin, akala nila uurungan ko!
Naalala ko tuloy ang nangyari kanina. Habang pauwi na sana ako sa aking condo unit, at may nakalimutan akong kunin na papeles sa bagong resto na regalo ko kina mom and dad.
Kaya bumalik ako, and accidentally, nakita ko ang bago kong staff according to Claire. I wonder why, para kasi nakita ko na ang bago kong staff before?
Hindi rin nila ako napansin ng paalis na si Claire, dahil sa likud ako dumaan. At nandoon rin ang aking sasakyan. Akala ko isama siya ni Claire kanina pero todo tanggi naman ang aking staff. Alam naman nito na malayo pa ang highway mula sa restairant. Alam ko nagtaka kayo kung bakit dito ko pinatayo ang resto na para kay mom, actually this is not for public people's. This is for us, for private only, for family to be exact.
Pwede rin sa mga event, kasal, binyag, engage ect... Isa pa bata pa si Alexis at ayaw ni dad na mag work muna si mom. Hands-on kasi si mom sa mga kapatid ko. Sa amin anyways.
Nang nakita ko na walang tao sa loob ng resto, ay umalis na rin ako. Meron din akong binabayaran na guard.
"Paalam sir, ingat kayo! " Paalam ni mang Celso sa akin. Tumango lang ako bilang sagot.
Sumakay na ako sa aking kotse ng nakita ko na ulit ang pigura ng babaeng kanina lang nag painit sa aking ulo! Hindi ko alam kung bakit, dapat nga magpasalamat pa ako sa kanya dahil pinuri nila ang kanyang luto, but I don't I understand myself. Kung bakit mas nangibabaw ang galit ko!
Habang lulan ko ang kalye, hindi siya mawala sa isip ko.
"Nakokonsensya ka dahil sinigawan mo siya? " Napailing nalang ako sa aking naiisip.
Pinabilis ko nalang ang takbo ng aking sasakyan ng biglang may tumawid at parang wala siyang pakialam sa paligid, huli na akong magpreno ng bigla nalang natumba siya sa harapan ng aking sasakyan.
But I swear, I know hindi ko siya nabangga. Pagbaba ko sa aking kotse ay limang kalalakihan ang palapit sa akin.
"Bro, ibigay mo na sa amin ang babae kung ayaw mo pareho kayong lamayan ngayon. "
Tugon ng isang lalaking mukhang kulang sa bitamina, dahil sa sobrang payat nito. Bigla akong, parang nabingi sa kanyang sinabi sa akin.
"Ano daw paglamayan? Tsk! " Napailing na lang ako sa mga gongong na 'to!
Hindi ko sila pinansin at tinignan ko muna ang babae at ganun na lang ang aking gulat dahil ang laman ng aking isip ang nabangga ko?
Buhatin ko na sana siya at isakay sa loob ng kotse ko, ngunit lumapit ang dalawa sa akin. Pero binuhat ko pa rin ang babae. Hindi ko sila binigyan ng pansin.
Nang bigla akong pigilan ng matabang lalaki at hawakan na sana ang aking braso ng bigla akong nagsalita.
"Wag na wag mo akong hawakan kung mahal mo pa ang buhay mo. " Mahina kong boses ngunit alam ko narinig nito!
Umatras siya ng tinitigan ko siya ng matalim, at nagtaka ang kanyang mga kasama. Alam ko ang klase ng mga bituka nito! Sila ang tambay sa kalye at umaasa na lang sa masamang gawain ayon sa kanilang mga itsura. At kahit kailan hindi pa ako nagkamali sa akin insist.
Mga adik na pinakawalan. Dahil kung hindi payat, mataba ang iba ngunit halatang kulang sa ehersisyo.
"Bossing, mukhang nagkamali tayo ng babanggain. Uwi na lang tayo. " Narinig kong bulong ng mataba sa tinawag nitong bossing na mahaba ang buhok at napapalibutan ng balbas sa mukha nito.
"Tarantado! Duwag kaba! Mag isa lang siya tayo lima gago! Bobo! " Sigaw ng mahaba ang buhok.
At lumapit nga siya sa akin, binuhat ko na ang aking staff at isinakay sa loob ng aking kotse at binalikan sila.
"Do you need money? This is what you want right? " Saad ko sa kanila sabay bigay sa perang alam ko iyon lang naman ang kailangan nila para lubayan na kami at madala ko na ang babae sa hospital.
"Wow bossing! Ang dami oh! " kumukutitap ng bulalas ni taba pagka kita sa aking hawak na pera.
"You can get it, but one condition. " Saad ko sa kanila.
"Hoy gago! Pilipino ka din kaya mag tagalog ka! Wag mo ako ma english-english diyan! " Sigaw ng mahaba ang buhok sa akin.
Dahil sa inis ko, tinawagan ko siya na lumapit sa akin, sa pamamaraan ng pag senyas sa aking kamay. Lumapit naman siya ngunit hindi pa siya nakakalapit ay agad ko ng sinunggaban ng sipa! At tinutok sa kanya ang baril na lagi kong dala.
Yeah, I always carry my gun, to protect myself from incidents like now.
"Do you know who I am? " Tanong ko sa kanya sabay putok ng baril sa mga kasama nito dahil palapit na sila sa akin na mukhang tutulungan nila ang ugok nilang bossing na wala naman palang binatbat.
Hindi ko narinig na sumagot siya sa akin, dahil sa higpit ng pagkaka sakal ko sa kanya kaya binitawan ko.
Napa ubo pa siya ng sunod-sunod dahil sa higpit ng aking paghawak sa kanyang kulyohan.
"Ang ayaw ko sa lahat, yung tinatawag akong gago! Pasalamat kayo may nabangga ako! Dahil kung wala baka hindi na kayo sikatan pa ng araw! Kaya kung mahal niyo pa ang mga buhay niyo umalis na kayo sa harapan ko! " Sigaw ko sa kanila.
Para silang hangin na bigla nalang nawala sa aking harapan sa bilis ng kanilang takbo, pati ang tinawag nilang boss na akala mo kung sino kanina.
Nang bigla kong naalala ang babae na aking nabangga. At mabilis akong pumunta sa loob ng aking kotse!
Nang bigla ko nalang nakita ang dugo sa kanyang kamay kaya tinawagan ko na agad si dad. Dahil sa aking pagka taranta! Aminin ko ito ang kauna-unahan na may nabangga ako at babae pa!
"Son, are you with us? " Nag balik ang aking diwa sa boses at tapik ni dad sa aking balikat.
Nang may dalawang babaeng hingal na hingal pa at patakbo ng pumasok sa loob ng hospital.
"Tita, huminahon ka po. " Halata sa kasama nito na may pag-alala sa kanilang mukha. Sabay haplos sa likod nito na para bang doon nito pina-patahan ang ginang.
"Nurse! Saan po dito ang room ni Janella Manalo? " Narinig kong tanong ng isang Ginang sa receptionist.
"Kayo po ba ang Nanay ng pasyente ma'am? " Sagot ng reception.
"Opo, siya po ang Nanay. Kamusta po ang kaibigan ko? Nasaan po siya? Ok lang ba siya? " Sunod-sunod na tanong ng isang dalaga.
Sinagot ang reception ang tanong ng dalawa, at nang papunta na sila sa gawi namin ay biglang natigilan ang ginang pagkakita kay dad, ganun din si dad mukhang nagulat din sa ginang.
"Crisanta? "
Mahina man ang boses ni dad, ngunit umabot sa aking pandinig. At halata sa kanya ang gulat sa kanyang mukha! And I wonder why, kung sino ang ginang dahil ngayon ko lang nakita.