Chapter 11

1575 Words
Pakitang gilas si Agatha sa paghataw ng drums at cymbals. May gig sila ngayon sa isang papasikat nang Resto Bar. Maraming tao dahil kaarawan ng may-ari ng bar. Tagaktak man ang pawis dahil sa init ng mga nakatutok na ilaw sa kanilang grupo ay sige parin sya sa paghampas ng drumstick sa saliw ng musikang rock.   Nagtatalunan, nagsisigawan at may kanya-kanyang steps ang mga taong sumasayaw at sumabasabay sa kanilang tugtugin sa dance floor. Nang papatapos na ang rock song ay sunud-sunod nyang tinambol ang drums sabay hampas sa cymbals. Nagpalakpakan at hiyawan ang mga tao.    Nag-flying kiss pa sya sa lalaking proud na proud at nangunguna sa pagpalakpak sa kanya... si Rod.   “Galing! I'm so proud of you!” sabay yakap ni Rod nang mahigpit sa kanya. Ito ang una nyang nilapitan pagkababa nya ng stage. Parang gustong sumabog ng puso ni Agatha sa saya nang marinig iyon mula sa lalaki. Wala pang kahit sino ang sumalubong at nagsabi sa kanya ng ganon.   “Thank you! Wag mo na ko masyadong yakapin at basa ako ng pawis.”   “May dala kong towel, nasa bag. Kunin ko ba?” kinapa-kapa pa nito ang kanyang lukuran. “Hahaha! Wag na, nu ka ba. Mapagkamalan ka pang yaya ko,” hiyaw nya rito dahil sa ingay ng paligid.   “So what? I don't care. Basta gusto kitang alagaan.”   Hindi nya mapigilan ang mapangiti sa sinabi ng binata.   “Fine. Pero wag dito, dance floor 'to, haha.”   Iginaya na sya ni Rod sa mesang inuukopa nito kanina. May mga pagkain nang nakahanda roon.   “Agatha, babe!”   Sabay silang napalingon ni Rod sa talipandas na tumawag sa kanya ng "babe." Ay si Vic pala! Bakit parang bigla syang nakaramdam ng pagkairita sa Ex-Crush nya?   “Babe, sorry na-late ako. Hindi tuloy ako nakatugtog.” Mas lumapit pa si Vic sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.   Sasagot na sana si Agatha ng 'Okay lang, wala may pake!' nang maramdaman nya ang brasong pumulupot sa kanyang bewang. Nang lingunin nya si Rod ay patay malisya lamang ito at sisipol-sipol pa habang pagkahigpit-higpit ng yakap sa kanya.   “Um, Vic, this is Rod. Um...” Ano nga bang dapat na pagpapakilala nya, friend, speacial someone, boyfriend, o kaibigang pari? Kaibigang pari? Pero kung makapulot sa bewang wagas! Nakakahinga ka pa teh?   “Hi! Rod, Agatha’s friend,” sabay pakikipagkamay nito kay Vic. Ouch! Friend?! Friend?! Umasa na ko mamen!   “Oh. Vic, pare! Si Agatha na ang bahalang magsabi sa'yo kung anong status namin. Hehehe.” Ngumisi pa nang nakakaloko ang kumag.   Status? Kutos gusto mo? Wala sa mood si Agatha na sumakay sa mga biro ni Vic ngayon. Malakas ang loob ng lalaki, palibhasa ay hiwalay na ito sa nobya. Mukhang nakahalata naman ata ito na nawala sya sa mood, kaya umiskapo na ang epal.   Parang nakaramdam na ng pagakairita si Agatha. Sa kung anong dahilan ay hindi nya malaman. Okay. Charot lang. alam nya talaga ang dahilan ng ikinairita nya, at iyon ay dahil Friend lang ang pagpapakilala sa kanya ni Rod. Di man lang ginawang Best Friend!   “Kain na, Tata, mga paborito mo 'to oh.” Akma na syang susubuan ni Rod nang tabigin nya ang kamay nito.   “Ayoko nyan, diet ako. Wine ang gusto ko.”   Bumuntong hininga ang lalaki. “Galit ka ba? Okay ka naman kanina ah. Kainin mo muna 'to, at saka ako kukuha ng wine.”   Pinaikutan nya ng mata si Rod at saka inagaw dito ang kubyertos. Kumain sya mag-isa nang wala ang tulong nito, tulong na subuan sya.   “Ano mo yung Vic?”   Hah! Pagkakataon na niyang makaganti. “Hmmm...” umarte sya na tila kinikilig at kinagat pa ang ibabang labi upang supilin ang kunwaring ngiti. “Uhm...”   “Agatha, magsalita ka nang maayos, hindi yung para kang may singaw na di maibuka nang ayos ang bibig.” Tila nauubusan na ng pasensya ang lalaki. Humalukipkip na ito at isinandal ang likod sa sandalan.   “Nagmamadali?! May lakad?!”   “Ano mo nga yun? Bakit 'babe' ang tawag sa'yo?” Bagot na ang mukha ni Rod.   “Bili ka muna ng wine, saka ko sasagutin ang tanong mo!” Haha! Yari ka sakin kapag nalasing ka!    >>>>>>>>>Tototohanin mo ba ang nangyari sa panaginip mo? Syempre hindi! Pagtatalo ng isip nya.   Sunud-sunod na napalunok si Rod nang tumambad sa kanya ang malusog na dibdib ng dalaga, ang maliit na korona non na alam na nya ang pakiramdam kapag nilapirot.   “Tanggalin mo na, Rod...” “Bakit hindi mo sinabing wala ka palang panloob?”   “Basta alisin mo na lang! Malay ko bang ikaw ang maghuhubad sakin!”   Oo nga naman. Wala na syang nagawa kundi alisin iyon. Marahan ang kanyang ginawa, kaya naman marahan din na dumampi ang daliri nya sa malambot na balat ng dalaga. Napasinghap sya at si Agatha.   “Isusunod ko na ang palda mo.”   “Gawin mo na lang at tigilan mo na ang pagpapaalam!”   Una nyang inalis ang boots ni Agatha, saka nya isinunod ang mini skirt nito. Nasilayan nya ang itim na underware. May lace iyon na nakapagpadagdag sa kanyang pag-iinit.   “What are you doing to me, Agatha?” naguguluhang bulong ni Rod sa sarili.   “Palayain mo ang sarili mo, Rod...” malat na tugon ni Agatha. Narinig pala nito ang sinabi nya.   Nakaluhod si Rod sa harapan ni Agatha, samantalang ang mga binti naman ng babae ay nasa pagitan ng kanyang bahagyang nakabukakang binti. Kaya nang bumangon ito at hatakin ang kanyang damit sa bandang dibdib ay napangudngod sya rito. Napasabay sya sa paghiga nito at tuluyan nang napadagan sa babae.   Ngayon ay damang-dama na ni Rod ang malusog na dibdib nito na nakadikit sa kanyang dibdib.   “Wag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo sa bandang huli, Agatha...”   “Kung anuman ang mangyari satin, Rod, ay hinding-hindi ko pagsisihan.”   “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Agatha... wala ka sa tamang katinuan...”   “Hindi ako lasing!” giit nito.   “Magpahinga ka na, at sa sala na lamang ako matutulog.” Umalis na sya sa ibabaw ni Agatha at kinumutan ito.   “No! Please, Rod...Let's do it... I lo--”   “Agatha, please, matulog ka na. Maaga pa tayo bukas paluwas ng Baguio. Kasal ng kabigan mo, remember? Sinabi mo sakin kahapon. Magpahinga ka na.”   Lumabas na si Rod ng pinto, ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang hikbi ng dalaga.    >>>>>raw.” Pakilala sa kanya ni Agatha sa kaibigan nito. Ngayon nya lamang nakilala nang personal si George dahil wala ito nang dumating sya sa Beauty Apartment. Nakilala nya rin si Cedric na si Maggie naman ang nagpakilala, dahil noon lang din na-meet ni Agatha ang pinsang iyon ni Georgina.   Hindi sya masyadong kinikibo ni Agatha. Alam nyang may sama pa rin ito ng loob sa kanya, at naiintindahan naman nya yun. Kung alam lang ng dalaga kung gaano katindi ang pagtitimpi nya.   “Hello. Ang cute mo naman. Ako si Agatha. Ikaw, what’s your name?” tukoy ni Agatha sa chubbing bata na lumapit sa kanila.   “Bless po.”   “Wow, ang cute. Gahaha. Ummm. Muah! Mahilig ka rin sa fried chicken?”   May naramdamang bigat si Rod sa dibdib nya. Kapag tumuloy sya sa tawag ng simbahan ay habambuhay syang maglilingkod dito, at ito na ang maituturing nyang pamilya.   Pero sa nakikita nyang saya sa mukha ni Agatha habang nilalaro ang batang si Bless, parang mas gusto na nya ang bumuo ng sariling pamilya. At ang isipang bubuo ang kababata ng sarili nitong pamilya sa piling ng ibang lalaki ay naging sanhi ng pagkirot ng puso nya.    Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD