“Ay bampirang hubad! Jusmiyo, Rodrigo, iho! Anong nangyari sa'yo? Mukha kang bampira sa itim at lalim ng eyebags mo.”
Nginitian lang ni Rod ang Mama nya at naupo na sa hapag kainan.
“Alam mo, iho, ganyan na ganyan din ako noon nung binasted ako ni Agnes -- Aray!” Ang ama nya iyon na nalapirot na naman ng kanyang ina sa tagiliran.
Natatawa na lamang si Rod sa kanyang mga magulang. Parang mga teens na nagkukurutan at nag-uutuan sa isa’t-isa. Muli na naman syang nakadama ng pangungulila kay... Agatha.
“Ma, Pa, akyat po muna ko.”
Natigilan ang landian ng mga magulang. Nagkatinginan ang dalawa at saka magkapanabay na tumango. Bumalik sya ng kwarto at nahiga ng kama. Kinuha nya sa bed side table ang picture frame nila ni Agatha. Ilang linggo na syang walang maayos na tulog. Ipinatong ni Rod ang framed picture sa ibabaw ng kanyang dibdib at saka pumikit. Hindi nya akalain na unti-unti syang hahatakin ng antok...
Walang babalang hinaltak nya ang blusa ng babaeng kaharap, dahilan upang magkalansingan ang mga butones niyon na naglaglagan sa sahig. Hayok nyang pinupog ng halik ang leeg nito pababa sa malulusog na dibdib. Napasabunot ang babae sa kanyang buhok at napaliyad ang likod nito, dahilan upang mas lalo syang malunod sa mabibilog dibdib nito.
Wala syang ibang nararamdaman sa kaniig kundi ang matinding pananabik. Panaka-naka ang mga lumalabas na mumunting pag-ungol sa bibig nito. Ngunit nang gumapang ang kanyang kamay at salatin ang basa nang lagusan sa pagitan ng mga hita ay lumakas ang ungol nito na lalong nagpataas ng kanyang libido.
Nararamdaman na nya ang matinding pagpintig ng ugat sa kanyang ari. Pumuwesto sya sa pagitan ng babaeng habol ang hininga. Gigil na ibinaon nya ang ari sa kaibuturan nito, at mas lalo pang ibinundol ang katawan upang mas lalong maabot ang dulo ng kaloob-looban nito. Napaigik ang kaniig, ngunit agad din nakabawi at sinabayan ang kanyang pag-ulos.
Nang hindi pa makuntento ay gumulong sya upang mapaibabaw ang babae sa kanya. Ngunit kung bakit nang bumangon ito nang hindi naghihiwalay ang kanilang katawan ay biglang nagliwanag ang likuran nito. Nang kapwa nila marating ang sukdulan ay biglang tinubuan ng malapad na puting pakpak ang babae. Ang pakpak na lumabas mula sa likod nito ay katulad ng pakpak ng isang anghel.
Nang mas magliwanag ang paligid ay luminaw din ang mukha ng babaeng kanyang kaniig.
Agatha...
Napabalikwas ng bangon si Rod. Nahahapo nyang nahimas ang kanyang dibdib. Ang bilis ng t***k ng kanyang puso. Basang-basa ng pawis ang kanyang buhok, pati ang suot nyang damit. Napatingin nya sa suot na boxer short na nagmistulang tent.
Napa-ang tanda si Rod. Ano kaya ang ipinahihiwatig ng kanyang panaginip?
Naalala nya ang framed picture nila ni Agatha na kanina'y nakapatong sa kanyang dibdib. Agad na iyong hinagilap, at natagpuan sa sahig na basag na ang salamin.
>>>>>Joan -- ang babaeng kanyang minahal at inalayan ng kanyang buhay -- ay maraming beses silang nag-make love. Walang pagkakataon ang dumating sa kanila na hindi nila napaligaya ang isa't-isa. Nakita na rin nya ang kasintahan sa kanyang balintataw na inihaharap ito sa may dambana. Ngunit nabura ang lahat ng iyon nang bawiin sa kanya ng langit ang babae.
Wala na syang ibang minahal pagkatapos ni Joan, o mas tamang sabihin na isinara na nya ang puso para sa mga ganoong klaseng relasyon. Hanggang sa isang kaibigan ang humikayat sa kanya sa simbahan. Nakita na lamang nya ang sarili na tinatahak ang daan patungo sa paglilingkod sa simbahan. Doon sya nag-desisyon na mag-pari.
Kung noon ay 100 percent sure sya, pakiramdam nya ngayon ay 80 percent na lang. 50 percent kamo...dahil yun kay Agatha.
“Pssttt!!!”
Nahinto si Rod sa akmang pag-shoot ng bola. Nilingon nya ang pinanggalingan ng sitsit. Doon nya nakita si Kim na papalapit.
“Bakit di ka na napapadpad sa gym?”
“Uhm...busy lang lately.” Nginitian nya nang pilit ang dalaga, sabay dribol ng bola.
Napansin nya naman na nagningning ang mga mata ni Kim.
“Galing! Kanina pa kita pinapanood eh.” Luminga ito sa paligid. “Nasaan si Agatha?”
“Wala, bumalik na ng Cebu,” matamlay nyang sagot.
“Ah... Girlfriend mo ba sya?”
Wish ko lang... urgh! Rod, saan naman galing yon? Kastigo nya sa sarili.
“Hindi. Kababata ko si Agatha. Nagbakasyon lang sya samin.”
“Ah. Good.” Umakto pa ito na tila ba nakahinga nang maluwag. “Wag ka sana magagalit huh. Pero kung kayo, alam mo, hindi kayo bagay. Uy! No offense huh. sobrang opposite kasi kayo eh. Laking States ba yun? Yung hitsura nya kasi, you know, red hair, may tattoo, tas... basta! Hindi na ko magtataka kung nagyoyosi rin sya. Sobrang liberated nya.”
“Tapos ka na?” Ayaw mang mambastos ni Rod ng babae o ng kahit sino, pero hindi nya gusto ang mga lumabas sa bibig ni Kim. Tila nagpantig ang kanyang tainga sa lantarang panghuhusga nito kay Agatha.
“Wait. Sorry na, Rod! Concerned lang ako sa'yo. Ayoko lang mapunta ka sa maling tao,” habol pa nito.
“Hindi magandang nanghuhusga ng kapwa, Kim. Isang beses mo pa lang na-meet si Agatha, kaya wala kang karapatan na sabihan sya ng mga ganon. Excuse me. May gagawin pa ko.” Iniwan na nya ito.
Kung anuman ang gawin ni Agatha sa sarili nito ay wala nang pakialam ang ibang tao don. As long as walang natatapakang kahit sino ang kaibigan ay susuportahan nya ito.
>>>>>>>>>...kung inaakala mong... ang pag-ibig ko'y magbabago... itiga mo sa bato... dumaan man ang maraming pasko... kahit na di mo na ko marinig... kahit na di mo na abot ang sahig... ikaw pa rin...ang buhay ko..
Naamlimpungatan si Rod dahil sa mainit na hangin na humahaplos sa kanyang tainga. Iminulat nya ang mga mata. Tumambad sa kanya ang mukhang anghel na kumakanta. Nilalaro pa nito ang hibla ng buhok nya sa may bandang patilya. Panaginip. Muli syang pumikit.
“Urgh! Parati ka na lang laman ng panaginip ko...”
Humagikgik ang anghel. “Hindi ka nanaginip, mister,” bulong nito.
“Panaginip 'to, alam ko. Alam ko na ang susunod na gagawin mo, hahalikan mo ko.”
“Okay...”
Naramdaman nga ni Rod ang malambot at mainit na labi ng anghel sa kanyang labi. Napaungol sya at agad ding napadilat nang maalalang maya-maya lamang ay lalabas na naman ang puting pakpak nito. Ngunit sa kanyang pagdilat ay naroon pa rin ang anghel, at patuloy na nagpaparusa sa kanyang labi. Gising na sya, at si Agatha ang humahalik sa kanya.
“Agatha...”
“Hmm...” humiwalay ito pero malapit pa rin sa kanya, at nginisihan sya. “So napapanaginipan mo ba talaga ko o style mo lang yun para halikan kita?”
“I missed you...” at muli nyang sinakop ang bibig nito.
>>>>>Sagot, Rod, sagot!
“No. You are who you are. Wala kang dapat baguhin sa sarili mo. Tara kumain na tayo.”
Sorry, Agatha, naguguluhan pa ko sa ngayon.
Itutuloy...