Isa-isa nang pinagsisilid ni Agatha ang mga damit nya sa bag. Babalik na muna sya ng Cebu. Tutol na tutol naman ang kanyang Ninang Rej sa gagawin nya.
Di man sya direktang kinakausap ng ginang ay alam naman nito ang mga happenings sa kanila ni Rod, at labis itong natutuwa roon. Ngunit wala syang ipinangako sa ginang dahil kahit sya ay nangangapa rin sa kung ano ba talagang status nila ni Rod.
Magmula nang sigawan sya nito sa parking lot sa gym na pinuntahan nila, tatlong araw na ang nakakaraan, ay tila mas tumindi at dumoble pa ang pagiging sweet at caring ni Rod. Napakalambing ng lalaki. Tila sya isang babasaging kristal kung ituring nito. Palaging nakaalalay. Feeling prinsesa tuloy ang drama nya.
Napaiktad si Agatha nang pabarandal na bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Humahangos na iniluwa noon si Rod. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanyang mukha at bag na nakapatong sa ibabaw ng kama. Nilapitan sya nito at kinuha ang bag. Aagawin sana ni Agatha ang bag ngunit itinaas iyon ni Rod. Sa taas nitong mahigit anim na talampakan, hahit ata mag-high heels sya ay hindi nya maabot ang walang muwang nyang bag.
“Rod! Isa! Dalawa! Ibaba mo yan. Wag kang OA huh!” nanggagalaiti nyang sabi rito.
Hindi naman sya pinansin ng mokong. Nakatutok lang sa kanyang mukha ang mata nito at ang mga kilay na salubong.
“Bakit ka aalis?”
“Heller! Malamang uuwi ako. nagbakasyon lang naman ako dito eh. May mga naiwan akong trabaho sa Cebu na kailangan kong balikan.” Sa totoo lang ay yon talaga ang dahilan ng pag-uwi nya sa Cebu. Bago umalis ay marami silang nakapending na gig. Sunud-sunod din ang schedule nya ng mga ta-tattooan.
“Wala kang sinabi sakin na aalis ka na. Galit ka pa rin ba dahil don sa nangyari?” tila nahihirapan nitong sabi.
Wala nang nagawa si Agatha kundi ang mapasalampak sa kama at paikutin ang eyeballs ng mata.
“Di ba nga nasabi ko na sa'yo na isang buwan lang naman ang ilalagi ko rito. Pero wag kang mag-alala, babalik naman ako eh. Nagkataon lang talaga na biglaan yung pagbabaksyon ko rito kaya natambakan ako ng mga naka-pending na gig at mga magpapa-tattoo.”
Tumalikod si Rod, lumabas ng kanyang kwarto. Pagbalik ay di na nito dala ang kanyang bag, saka naupo sa paanan ng kanyang kama.
“Ang bag ko?”
“Nasa room ko,” balewala nitong sabi.
Akmang tatayo si Agatha nang pigilan sya nito.
“Di mo makukuha yon dahil ini-lock ko ang kwarto ko.” Si Rod ulit na ngayon ay laying pretty na sa kanyang kama.
“Ano bang problema mo huh?! Ilabas mo yung bag. Kung hindi, sisirain ko ang pinto ng kwarto mo!” sigaw nya rito.
Balewala lang sa lalaki. Pinagpag pa nito ang katabing parte at sinasabing mahiga din sya roon. Dumaan ang ilang minuto, nakipagtitigan lang sa kanya si Rod. Sya na ang unang sumuko. Wala na syang nagawa kundi ang humiga sa bakanteng espasyo.
Iniangat ni Rod ang kanyang ulo at ipinatong sa braso nito. Hindi pa nakuntento at ipinulupot nito ang braso sa kipis nyang tyan.
“Gagawin mo na naman yung ginawa mo sakin noon,” bulong nito sa kanya.
Naguguluhang tinignan nya ang mukha ng lalaki. Lungkot ang nakikita nya sa mga mata nito.
“Anong ginawa?”
“Yung biglang aalis. Di ba nong mga bata pa tayo, bigla ka na lang din umalis. Nagpaalam ka kung kailan aalis ka na,” mahina at mahihimigan ng lungkot na sabi ni Rod.
“Rod... sobrang bata pa natin non. Wala naman tayong choice kundi ang sundin ang mga magulang natin. Ngayon naman na may sarili na tayong pag-iisip at kakayahan, syempre tayo na ang gagawa ng paraan para palagi tayong magkita.”
“Ihahatid kita sa pag-alis mo.” Tumayo na si Rod at inilahad ang kamay sa kanya. “Don ka matulog sa kwarto ko.”
“Yoko nga!”
“Suit yourself. Bahala ka, hindi mo makukuha ang gamit mo,” nakasimangot nitong sabi. “Mabuti na yung alam ko na aalis ka na. Baka paggising ko eh wala ka na pala.”
“Aysows! Kunwari ka pa! Gusto mo lang ako makatabi eh,” pang-aasar nya kay Rod. Sinundot-sundot pa nya ang tagiliran ng lalaki.
Nakita nyang nagpipigil lang ito ng ngiti. Hindi ata pagsasawaan ni Agatha na pagmasdan ang mukha ng kababata. Mula sa makapal nitong kilay, mga matang parang laging masaya, ilong na perpekto ang tangos, at mamula-mulang manipis na labi. Nakadagdag pa sa kagwapuhan nito ang eyeglass sa mata.
Gigil na ipinulupot ni Agatha ang mga braso sa bewang ni Rod. Saka sininghot ang kili-kili ng lalaki. Natawa naman sya nang marinig na humagigik ito. Nakiliti siguro.
“Mami-miss mo ko?” Kasi ako mamimiss kita. Sobra.
Kung pwede lang na don na lamang sya tumira...sa kili-kili ng lalaki.
“What do you think?”
"Yes?"
Ngiti lamang ang isinagot nito, kasabay ng malutong na halik sa kanyang pisngi.
Tsk! Sana sa lips na lang!
>>>>>>>>>Sender: Rodrigo
Kumain kna? 2matwg aq sau kanina, kso 2log k pa yta. Mgiingat ka ha. I miss u a lot!
Minabuti na nyang wag mag-reply. Niyakap nya ang tuhod at tumungo. Tahimik syang umiyak. Hindi naman sya magkakaganito nang walang dahilan. Kay Rod nya lamang naranasan ang maalagaan. Ipinaramdam din nito sa kanya kung gaano sya kahalaga rito.
Pero hindi naman pwede na ganoon na lang sila ng lalaki habambuhay. Gusto nya ng mas higit pa roon. Gusto nyang tugunan ng lalaki ang pagmamahal nya para dito.
Muli nyang dinampot ang telepono at hinanap sa gallery ang larawan ng kababata.
“Mahal kita, Rod... sana ay mapatawad mo ko sa pang-aakit na gagawin ko sa'yo. Humanda ka dahil ibang level na ang mga gagawin ko.”
Nakabuo ng plano si Agatha. Tatapusin nya lamang ang mga trabaho dito sa Cebu. At kapag okay na ang lahat, ura‑urada syang babalik ng Maynila. Aakitin nya ang kababata sa abot ng makakaya nya! At kapag bumigay na ito sa alindog nya ay pwepwersahin nya na pakasalan sya nito.
Oplan: Pikot
Walang lalaking hindi tatablan ng alindog ng isang Agatha Samonte.
Itutuloy...