Chapter 13

1632 Words
Napabuga ng hangin si Rod. Wala sa loob na naihilot nya ang dalawang daliri sa sentido. Nakasilip sya sa bintana ng room na inuukopa nila ni Agatha. Tanaw mula roon ang babaeng nagbababad sa hot spring. Pakiramdam ngayon ni Rod ay isa siyang teenager na nag-aabang sa kanyang crush. Nag‑aabang ba o naninilip?   “Whew! Agatha, bakit ganyan ka kaganda?” Napapahid pa si Rod ng imaginary sweat sa kanyang noo.   Private room ang nakuha nila ni Agatha, kaya naman may sarili silang hot spring. Peak season, kaya nagsalo na lamang sila ng dalaga sa isang kwarto. Pero ang totoo ay walang balak si Rod na kumuha pa ng isang kwarto kung sakali mang may available pa. Isa lang ang napatunayan ni Rod sa kanyang sarili, parang hindi na sya sanay matulog nang wala ang dalaga sa tabi nya. Kaya naman kahit alam nyang inis sa kanya ang dalaga ay hindi nya talaga ito iniwan.   “Oh God! Agatha! What are you doing?!” Nagkandadilat si Rod nang makitang hinubad ni Agatha ang lahat ng saplot. Oo nga at naka-private room sila, at madilim na rin sa paligid, pero paano na lamang kung may mga lihim palang sumisilip dito, lalo na at open ang lugar kahit pa ang paligid ay mga tanawin na at malalagong puno.   Napapalatak si Rod. Tila sya nabato-balani nang makitang marahang lumusong si Agatha sa hot spring. Para itong dyosa, kumikinang ang balat sa liwanag ng buwan. Kung tubuan man ito ng pakpak ay baka imbes na matakot ay maakit pa si Rod. Tila naramdaman ng dalaga na nakamasid sya. Tumingin ito sa kanyang direksyon at nagtama ang kanilang mga mata.   Para syang tuyot na dahon na nadilaan ng apoy nang magsimulang magningas ang init sa kanyang katawan. Otomatikong naramdaman ni Rod ang paninikip ng kanyang panloob sa tinging ipinupukol sa kanya ni Agatha, tingin na mapang-halina, nang-aakit at nakakapag-init.   Rod...   Nabasa nya sa buka ng bibig ni Agatha. Para itong isang diwata ng gabi na umaakit sa kanyang lumusong sa kumunoy. Napalunok si Rod. Hindi nya kayang tanggihan ang tawag ng laman...este ng diwatang natatanaw sa harapan.   Kumaripas ng paglabas ng pinto si Rod. Bago makalapit ay naghubad na sya ng saplot. Dahan-dahan syang lumusong sa mainit na tubig at pumwesto sa bandang likuran ng nakatalikod na si Agatha. Nakaupo ito sa hagdan ng pool at kalahating katawan lang ang nakalulob sa tubig. Umupo sya nang pabukaka upang nasa pagitan nya ang dalaga.   Marahang hinaplos ni Rod ang mahaba at makinis na leeg ng dalaga. Pinatakan nya iyon ng mga mumunting halik, at ramdam nya na nagustuhan iyon ni Agatha. Mas lalo nitong inihilig ang leeg. Gumapang ang kamay ni Rod at sinapo ang malusog at makinis na dibdib nito. Sya ang nagpakawala ng ungol nang madama ang mainit na balat ng dalaga. Kung dahil ba sa tubig o ang inilalabas na init ng katawan nito ay hindi nya rin alam.   “Ibuka mo ang mga hita mo, Agatha.”   Tumalima naman ang dalaga. Pinadausdos ni Rod ang isa nyang kamay pababa sa tyan ng dalaga. Marahan syang gumawa ng mga maliliit na bilog roon at sandaling pinaglaro ang daliri sa pusod nitong may hikaw. Maya-maya pa ay mas bumaba pa ang kanyang kamay hanggang sa marating ang nasa pagitan ng hita nito. Mahigpit na napakapit si Agatha sa kanyang mga braso.   “Ohhh... Rod...” ungot nito.   Sunud-sunod ang naging pagsinghap nito nang mag-umpisang magtaas baba ang daliri nya sa malambot na hiwa roon. Sa labis na panggigigil ay nakagat pa nya ang puno ng tainga ng dalaga.   “Bilisan mo pa, Rod... please...” Hirap na ito sa pagsasalita at habol na ang hininga.   Yun nga ang kanyang ginawa. Bumaon ang kuko ni Agatha sa kanyang braso, at iyon ang hudyat na naabot na nito ang rurok sa tulong ng kanyang pambihirang daliri.   “Tumayo ka nang kaunti at kumalong ka sakin. Iposisyon mo ang sarili at kumapit ka sa mga braso ko.”   Ginawa naman ng babae ang mga inutos nya. Hinawakan ni Rod ang sintigas ng bakal na kanyang ari. Ipinosisyon naman ni Agatha ang lagusan nito upang makapasok si Rod. Dahan-dahang bumaba si Agatha, at magkapanabay pa silang napaungol nang tuluyan nang pumaloob ang kanyang ari sa kaibuturan nito.   “Rod... ahhh... b-bilisan ko?”   “Wag!” awat nya sa balakang ng dalaga. “Let’s go slow, babe...”   Gusto pa sanang magprotesta ng dalaga, ngunit tila nagustuhan na rin naman nito. Banayad na humahampas ang mainit na tubig sa kanilang balat sa tuwing igigiling nila ang kanilang katawan. Sumasabay pa ang malamig na simoy ng hangin.    “Ang bango mo... ang lambot ng balat mo... napakaganda mo, Agatha...”   Sa mga sinabi nyang iyon ay tila mas lalong ginanahan ang dalaga, mas pinag-igi nito ang pag-giling nang sensuwal. Nararamdaman na ni Rod ang paninikip ng dalaga. Alam nya na malapit na nitong marating ang rurok, at sya man ay ganon din. Nakagat nya ang balikat ng dalaga at nalapirot ang dibdib nito.   “Ahhh!”   “Urgh!”   Hinihingal na napasandal sa kanya si Agatha. Sya man ay lupaypay na sumubsob sa batok nito.   “Lipat na tayo sa kwarto?” malat nyang tanong kay Agatha. Tango lamang ang naging tugon ng dalaga.    >>>>><<<<< “Bakit ang tahimik mo?”   Nasa gilid ng kama si Rod. Makatukod ang dalawang siko nya sa tuhod at sapo ng kamay nya ang baba. Bumangon si Agatha ng kama kipkip ang kumot na tumatabing sa hubad na katawan nito. Pumwesto ang babae sa kanyang likuran at ipinatong ang mukha sa kanyang balikat.   “Agatha... may mali sa ginagawa natin...”   Napatuwid ng upo ang babae at bahaw itong tumawa. “What the f**k, Rod? Okay naman tayo kanina habang nagtitirahan tayo! Anong sinasabi mo ngayon na parang may mali?!”   “Agatha, ayusin mo ang mga salita mo.”   “Hah? Hahahaha! Sorry! Sorry po, Father. My gosh, magpapari nga pala ang kaharap ko. Tsk! Anong eksaktong problema, Rod? Sabihin mo sakin.”   Matigas na ang mukha ng babae. Nawala na ang lambing sa boses nito, at galit na ang pumalit na sa mga mata.   “Hush... Agatha, huminahon ka...”   “Anong ngang problema, Rod!? Hindi mo sinasadya yung nangyari huh? Ganon ba gusto mong sabihin? Eh gago ka pala eh!” padabog na itong tumayo ng kama. Walang saplot ang babae, at wala itong pakialam roon.   Pumasok ito ng banyo. Paglabas ay kumpleto na ang suot nitong damit. Kinuha nito ang bag sa kabinet at isinilid lahat ng damit na nakasampay sa closet. Hindi na nakatiis si Rod at nilapitan na nya ito. Inagaw nya ang bag mula rito at initsa iyon sa kama.   “Ano mo ko, Rod?” garalgal na ang boses ni Agatha.   Nakaramdam ng panibugho si Rod. Parang sinasakal ang kanyang lalamunan at parang may dumaklot sa kanyang puso. Isa-isa nang nagpatakan ang luha ni Agatha.   “Agatha, I'm so sorry... naguguluhan pa kasi ako. Oo, tama ka, magpapari ako. Si Joan, ex ko si Joan. Sya ang unang babaeng minahal ko --” Nahinto sa pagsasalita si Rod nang makita ang labis na sakit sa mukha ni Agatha. “Si... si Joan ang lahat sa akin. Si Joan ang nagbago sakin. Kung wala si Joan, wala ang Rod nasa harapan mo ngayon. Siguro kung hindi ko sya nakilala, baka ako pa rin yung Rod na duwag, na lampa, na iyakin.”   “Rod, ako? Di ba nauna naman ako kay Joan? Ako yung nagtatanggol sa'yo. Ano ba ko sa'yo?”   Nilunok ni Rod ang bara sa kanyang lalamunan. Hindi nya pinansin ang tanong ng dalaga at itinuloy ang kanyang kwento. Para itong bata na ibinibida ang sarili para lamang ito ang kanyang piliin.   “Nagpla-plano na kaming magpakasal ni Joan nang maakisdente sya. Lahat na yata ng pwedeng sisihin, sinisi ko na sa mga nangyari, pero wala namang nagawa. Kahit kaunting gaan lang sa sobrang bigat na nararamdaman ko, wala. Hindi na sya mabubuhay kahit sisihin ko pa ang buong mundo. Kinuha na sya, kasama ang anak ko sa sinapupunan nya...”   Naitakip ni Agatha ang kanang kamay sa bibig at nanlaki ang mga mata.   Tumango sya. “Naisip ko, siguro kung magpapakabait na ko, kung kakalimutan ko yung galit at paghihiganti sa taong may kasalanan sa aksidente ni Joan, siguro malilinis na ang kaluluwa ko. Di ba nga sabi nila, yung mga namamatay nang maaga, yun daw yung mga taong mababait, yung mga taong malinis ang kaluluwa, yung mga taong nagiging anghel.”   “Rod...”   “Naniwala naman ako, kasi napakabuting tao ni Joan eh. Wala kang maipipintas sa kanya. Nasa kanya na ang lahat.”   “Ikaw na rin ang nagsabi na napakabuting tao ni Joan. Tingin mo ba magugustuhan nya ang ginagawa mo? Hindi ka ba nakakaramdam ng hiya sa Diyos huh, Rod? Magpapari ka, maglilingkod ka sa simbahan, hindi dahil gusto mong ialay ang buhay mo. Magpapari ka para takasan ang hirap na nararanasan mo ngayon, para gumaan ang loob mo, so you can move on from Joan. You think you're being selfless?  You're dead wrong. Selfish ka, Rod! Selfish ka!”   “Hindi totoo yan!” napasigaw na rin sya.   “Kung bukal sa puso mo ang pagpapari, wala dapat nangyari sa atin...”   Hinawakan nya ang braso ni Agatha. “Ginusto mo naman yun di ba?” tiim bagang nyang sabi rito.   “Wow. So sinasabi mo na pinagbigyan mo lang ako? Ginawa mo lang ba yun, Rod, dahil trip mo lang huh?  Kasi ako, ginawa ko yun kasi mahal na kita.”   Nabitawan ni Rod ang braso ni Agatha. Napasalampak ang dalaga sa sahig at tuluyan nang umiyak. Mahal na sya ni Agatha. Sa totoo lang ay hindi na sya nagulat don. At alam nyang wala syang ibang dapat sisihin kundi ang sarili nya dahil sa pag-aalagang ipinaramdam nya sa babae.   Pero sya, ano bang nararamdaman nya para sa kababata? Mahal na rin ba nya si Agatha kaya nagawa nya ang mga bagay na ginawa nya sa sukdulang makumpormiso na ang kanyang pagpapari? Mahal na ba nya si Agatha kaya ganoon na lamang kadaling napatid ang kanyang pisi ng pagnanasa?   “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Agatha. Naguguluhan ka lang.”   “Kung may naguguluhan man dito at may hindi alam sa totoong nararamdaman nya, ikaw yun, Rod. Hindi ka manhid. Hindi ka tanga. Alam mo sa sarili mo na tama ako at mali ka!”   Dinampot na ni Agatha ang gamit at lumabas na ng kwarto.    Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD