Chapter 14

1657 Words
“Punyeta!”   Pinagsusuntok ni Agatha ang dibdib ni Rod. Hindi nya kayang sikmurain ang sinasabi nito sa kanya.   “Agatha! Wala na bang ibang lalabas sa bibig mo kundi mura?” hawakHnito ang pulsuhan nya na tuloy-tuloy pa rin sa pagbayo sa dibdib nito.   “Sige nga, Rod! Sinong hindi mapapamura sa gusto mong gawin ko, huh?!” Pilit nyang hinatak ang pulsuhan at sa mukha naman pinag-titira ang lalaki. “Wala kang bayag! Wala kang bayag! Tarantado ka! Pagkatapos ng nangyari satin, sasabihin mo sakin na kalimutan na lang yon!”   Lungkot at pagkalito ang rumehistro sa mukha ni Rod. Napaluhod na lamang si Agatha sa harapan nito, dala na rin ng panlalabot ng kanyang tuhod.   Nasa silid sila ngayon ng lalaki. Sa bahay sila ni Rod tumuloy pagkagaling nila ng Baguio. Wala syang choice kundi ang sumama rito dahil wala naman syang ibang matutuluyan dito sa Maynila. Wala rin syang ticket pabalik ng Cebu.   Maayos naman ang takbo ng usapan nila kanina nang mapunta ang topic sa nangyari sa kanila sa resort sa Baguio. Umalsa ang galit sa dibdib ni Agatha nang sabihin ng lalaki na kalimutan na lamang ang namagitan sa kanila at ipagpatuloy na lamang ang kanilang nasimulan, at iyon ay ang pagiging magkaibigan. Doon na sya napabalikwas ng tayo at pinagbabanatan ang lalaki.   “Agatha, ano ba?! Uulit na naman ba tayo sa umpisa? Alam mo kung ano ang gusto ko. Ilang buwan na lang ay mag-papari na ko, at buo na ang desisiyon ko!”   “Hindi yon ang gusto mo, Rod. Hindi ka lang kasi maka-move on. At ano, sasabihin mo na naman na hindi mo na kasi kayang magmahal ng ibang babae at si Joan lang ang una at huli mong mamahalin?! Pakyu ka! Ako?! Paano ako, di mo ba ko mahal?!” Unti-unting humina ang kanyang boses. “Kasi ako mahal kita. Mahal na mahal kita, Rod...”    “Hindi ako ang lalaking para sa'yo...”   “Eh sino?! Sabihin mo! Sa'yo ko lang naramdaman yung pag-aalaga na kahit sino ay wala pang gumawa para sakin. Ultimo sarili kong pamilya, ni minsan ang hindi nagawa yun!   Sinong lalaki ang mukhang tangang magsasapin ng likod ko at bibihisan ako sa harap ng mga tao? Sinong lalaki ang hihipan muna ang pagkain ko bago isubo sakin? Sino ang magtyatyagan gmupit ng kuko ko? Sino ang maghahanda ng toothbrush ko na may nakalagay nang toothphaste na strawberry flavor?   Ikaw lang, Rod. Ikaw lang ang gumawa at nagparamdam sakin na importante rin ko, na may karapatan din akong maalagaan.”   Marahas nyang pinahid ang luhang umagos sa kanyang pisngi. “Pa-fall ka rin kasing gago ka eh. Sinabi ko sa'yo nung una pa lang, ayokong masanay sa mga ginagawa mo. Pero binalewala mo at ginawa mo ang gusto mong gawin. Hinayaan kita. Ngayon na  nasanay na ko sa presensya mo, anong gagawin mo? Aalis ka ha?! Gagawin mo rin ang ginawa sakin ng pamilya ko?! Tatalikuran mo ko?! Iiwan mo rin ako sa ere?!”   “Agatha, makinig ka. Ginawa ko lang ang lahat nang yon dahil ibinilin ka sakin ni Mama. Yun lang at wala nang iba pang ibig sabihin yon,” kalmadong sabi ni Rod. “Isa pa, natural lang naman na alagaan kita dahil kaibigan at kinakapatid kita. Yung nangyari sa ating dalawa, that's just human nature. Tao ako, hindi ako bato. Lust yun, Agatha. But yes, mahal din kita, pero hindi gaya ng pagmamahal na nararamdaman mo. Friendship lang kaya kong ibigay.”   Kunot ang noong napatulala sya kay Rod. Biglang naging estranghero ang lalaki sa kanyang harapan.   Pinilit nyang tumayo, sabay tawa. “Friend? Ah oo, marami na kong napanood na ganyan. Friends With Benefits. Tama, yun ang tawag sa atin. FuBu, f**k buddy.” Patuloy ang kanyang pagtawa, pero panay din ang pagpunas nya sa mga luhang naglalandas sa pisngi nya. “Pwes panindigan natin ang friends with benifits na yan!”   Buong lakas nyang itinulak si Rod, at dahil hindi ito handa sa pagsugod na ginawa nya ay ganoon na lamang kadaling napasalampak ang lalaki sa kama. Patihaya itong natumba na agad nyang kinubabawan.   Sinubasib nya ng halik ang bibig nito na nakaawang dahil sa pagkagulat. Magproprotesta pa sana ang lalaki nang ipasok nya ang dila sa loob ng bibig nito. Kontrolado ni Rod ang ginagawang pagtulak sa kanya. Dahil kung itotodo nito ang ginagawang pagtulak ay pihadong sa kangkungan ang ending nya. Sa laking tao nito ay para lamang syang butiki na kakawag-kawag sa ibabaw nito.   Maya-maya pa ay nahinto na si Rod sa pagtulak sa kanya. Ang kaninang kamay nito sa kanyang balikat ay nalipat sa likod ng kanyang ulo, upang idiin pang lalo ang kanyang bibig sa bibig nito. Napaungol si Rod nang mas pinalalim pa nya ang halik na pinagsasaluhan nila.   Gumapang ang isang kamay nito at sinapo ang kabiyak ng kanyang pang-upo. Nilamas iyon at idiniin sa ari nitong matigas na. Agad binalot ng init ang katawan ni Agatha. Namasa ang kanyang lagusan at tumigas ang tuktok ng kanyang dibdib.   Umiba ng pwesto si Rod, dahilan upang sya naman ang mapailalim rito. Napasabunot sya sa batok nito nang gumapang ang isang kamay ni Rod sa ilalim ng kanyang damit. Langung-lango na si Agatha sa sensasyon na pinagsasaluhan nila nang huminto ang lalaki sa ginagawa nito.   “Rod...”   “I can't. Let's stop this while we still can, Agatha.” Tumayo na ito at diretsong lumabas ng kwarto.   Hindi agad nakabawi si Agatha. Lumipas pa ang ilang minuto. Wala nang Rod na bumalik. Doon na pinakawalan ni Agatha ang masaganang luha sa kanyang mga mata.    >>>>>Para sa'yo, mahal kong Rod... change is coming...    Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD