“Rodrigo, iho. Bumalik na ba si Agatha sa Cebu? Kaarawan ko na sa susunod na araw, at ang gusto ko ay present sya. Magaling kumanta ang batang yun eh. Ikaw na lang ang kumontak sa kanya huh? Busy ako sa preparations ng aking bonggang birthday party.”
Tinapik-tapik pa ng ina ang pisngi nya na tila ba isa syang bata na inuutusan ng magulang. Tahimik na lamang nyang tinanguan ang ina. Wala na rin kasi syang alam kung nasaan na ba si Agatha. Wala pa raw sa Cebu ang dalaga ayon kay Maggie na tinawagan nya. Mula nang lisanin ni Agatha ang kwarto nya nang magtalo sila ay hindi na ito muli pang nagparamdam at nagpakita sa kanya. Halos magdadalawang linggo na rin nang mangyari iyon.
“Nag-aaway ba kayo, iho?” Hindi pa rin pala umaalis ang kanyang ina sa kanyang likuran.
“Simpleng hindi pagkakaunawaan lang, Ma.” Simple nga lang ba talaga?
Hindi simple iyon. Aminado si Rod. Kahit sinong babae ay masasaktan sa gusto nyang mangyari. Lumalabas din na pinaasa nya ang kaibigan. Hindi nya ito masisisi kung ganoon na lamang ang galit nito sa kanya. Maiigi sana kung walang namagitan sa kanilang dalawa.
“Hindi naman sa nanghihimasok ako sa inyo, iho, pero manghihimasok na rin ako. Alam naman natin na mabuting tao si Agatha, hindi ba? Sa kabila ng ganoong klase ng pananamit at gawi nya ng pagsasalita ay isa syang mabait na bata. Hindi sya isang ordinaryo lamang na babae, Rodrigo. Independent sya at palaging palaban.
Pero minsan kahit gaano ka-independent ang isang tao at kahit gaano pa nya kayang ipaglaban ang sarili nya, may kahinaan pa rin na itinatago ang mga yan. At kapag yung kahinaan nilang yun ay natuklasan ng ibang tao, gagamitin iyon laban sa kanya para matibag ang pader na nagsisilbing katapangan ni Agatha.”
Sandaling tumahimik ang kanyang ina at pinakatitigan sya. “Hindi kaya natuklasan mo na yung kahinaan ni Agatha nang hindi mo sinasadya huh, Rodrigo?”
Nakaramdam ng pamimigat ng kalooban si Rod. Hindi nya lamang natuklasan ang kahinaan ng dalaga, winasak nya rin iyon. Ang magmahal ang tinutukoy ng ina, na kahinaan ni Agatha.
Tumunog ang telepono ng ina. Hindi na ito nag-abala pang umalis sa kanyang harapan.
“Hello, Agatha, Iha! Akala ko nakalimutan mo na. Okay sige! Aasahan kita huh. Bye!” aalis na sana ang kanyang ina nang awatin nya ito.
“Ma, saan daw po sya tumutuloy ngayon? Bakit daw hindi ko sya makontak? Kinumusta ho ba ko?” sunud-sunod na tanong nya sa ina.
“Baka naman ngayon lang nagkaload. Hindi ka naman nabanggit, anak. Ikaw na lang ang tumawag sa kanya. May gagawin pa ako.” Tumalikod na ang ina sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Rod ay ngiting nakakaloko ang nakarehistro sa mukha ang kanyang ina.
>>>>>Mukhang gagabihin si Agatha, sa isip-isip nya. Sinipat ni Rod ang kanyang relo sa kanyang pulso at napagtantong alas-diyes na pala ng gabi. Gaano kagabi kaya darating ang dalaga? Naisipan nyang lumabas muna ng gate ng kanilang bahay.
Limang minuto pa lamang ang itinatagal ni Rod doon nang huminto sa di kalayuan ang isang Mazda MX-5 Miata. Napasipol si Rod sa ganda ng sasakyan, ngunit laking gulat nya nang iluwa non ang isang napakagandang babae.
Unang lumabas ang hita nito sa pagbaba ng sasakyan. Sa suot na long gown ay sumisilip ang mahaba at makinis na hita nito dahil sa slit ng gown na umabot hanggang sa kalahati ng hita nito. Nude ang kulay ng long gown na bumabagay sa maputing kulay ng babae. Hapit din iyon sa katawan, kaya naman kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Nakalugay lang ang tuwid na tuwid nitong buhok na kulay beige at umabot lang sa balikat.
Matapos nitong pindutin ang keyless entry remote ng sasakyan ay saka lamang ito pumuhit paharap sa kanya. Doon nahigit ni Rod ang kanyang hininga. Si Agatha ang babaeng nasa harapan nya. Sandali silang nagkatitigan ng babae, bago ito lumapit sa kanya.
“Hi! Si Ninang, nasa loob ba?”
Tila nag-slomo ang paligid ni Rod. Pati ang pagsasalita ng dalaga sa harapan nya ay nag-slomo rin. Natulala sya sa kakaibang ganda ni Agatha. Simple lamang ang ayos ng dalaga, ngunit sobrang layo sa dati nitong hitsura. Napatitig sya sa labi nito na alam na alam kung gaano kalambot. Kaakit-akit iyon, lalo pa at moist light pink iyon.
“Ahh... S-sa loob. N-nasa loob, kanina ka pa hinihintay.” Napabuga sya ng hangin. Nagkandautal sya sa sobrang ganda ng babaeng nasa harapan nya.
“Ah okay. Pasok na ko.” Nginitian sya nito nang matamis.
“Wait.”
“Uhm. Bakit?”
“You, you look gorgeuos tonight...” Isip pa, Rod. Isip ka pa ng ibang sasabihin.
Lumipas ang ilang segundo. Nakataas ang dalawang kilay ng dalaga habang nakatitig ito sa kanya na tila ba naghihintay ng iba pa nyang sasabihin. Mukha namang nainip na si Agatha. Umigkas ang ulo nito sa loob ng hardin, tila atat nang makapasok sa loob.
“Thanks! Okay na? Pasok na ko huh.”
Sa isang iglap ay wala na ang babae sa kanyang harapan. Dali-daling sumunod si Rod sa loob. Nahuli na sya. Nakalapit na si Agatha sa kanyang ina, at kung kani-kanino nang lalaki ipinakikilala ng kanyang mama ang dalaga. Nakaramdam ng inis si Rod. Gusto nyang hatakin si Agatha at dalhin ito sa isang lugar na sila lamang dalawa.
Gusto kitang solohin, Agatha!
“Rod! Rod! Rodrigo!”
Yamot na lumingon sya sa kanyang gilid. Ayaw pa man din nyang ihiwalay ang kanyang mga mata kay Agatha, dahil humahanap lang sya ng tyempo upang makausap ito. Tuluyan na syang napasimangot nang si Kim ang mabungaran nya.
“Kim, kumusta?”
“I'm fine. Thank you for asking. Nakita ko yung Mama mo sa mall, so she invited me here. Ikaw, kumusta ka na?”
Nginitian nya ang babaeng kausap at pasimpleng iginala ang mga mata. Wala na si Agatha sa pwesto nito. Lumingon ulit sya sa ibang direksyon. Wala na si Agatha sa buong hardin. Tinapik nya lamang sa balikat si Kim at iniwan na nya ito. Dinig pa nya ang pagtawag ng babae sa pangalan nya habang papalayo sya.
>>>>>mahal ko kayo at pamilya ko kayo.” Sinadyang diinan ni Rod ang salitang mahal at pamilya. Anong gusto nitong sabihin? “Kung may hindi man ako mapapatawad, yon ay ang mga taong hindi ko naman mahal at hindi ko rin kapamilya!”
Agad nasagot ang tanong na iyon ni Agatha. Diretso lamang ang tingin sa kanya ng binata. Galit ang nakikita nya sa mga mata nito. Parang tinarakan ng punyal ang kanyang puso. Iyon pa lamang ang pangalawang beses na nakita nyang galit na galit si Rod. Nasasaktan sya sa ipinapakita nito at sa lantarang pagsasabi na hindi sya nito mahal at hindi sya isang kapamilya.
Nilulon ni Agatha ang bara sa kanyang lalamunan. Hindi nya hahayaang magdiwang si Rod sa pamamagitan ng nakikita nitong sakit sa kanyang mga mata. Itinaas ni Agatha ang mukha. Walang makikitang emosyon doon kundi isang simple at seryosong mukha lamang. Pinilit nyang huwag gumaralgal ang kanyang tinig, kahit pa ang kalooban nya ay labis-labis nang naghihinagpis.
“Mag-usap tayo, Rod. Yung tayong dalawa lang.”
Nauna na sya at iniwan ang dalawa. Tinahak nya ang daan patungo sa silid ng lalaki.
Itutuloy...