Napapitlag si Agatha ng dumampi ang labi ni Rod sa hubad nyang balikat.
Nauna sya sa kwarto nito. Hindi na sya nag-abalang buksan ang ilaw at tanging lampshade lang ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid. Halos trenta minutos din syang naghintay roon sa pagdating ng lalaki, at ngayon nga ay marahan syang hinahalikan nito sa balikat pataas sa kanyang leeg.
Dahils si ginagawa nito sa kanya, iisipin nyang hindi si Rod ang lalaki sa likuran kung hindi nya naamoy ang ispirito ng alak sa hininga nito.
“Rod, yung mga narinig mo, totoo lahat yun, pero totoo rin na mahal kita --”
“Hush... mamaya na tayo mag-usap. Tanggalin na natin 'to.”
Nawindang si Agatha nang punitin ni Rod ang damit nya mula sa likod. Dahil gawa sa malambot na seda ang tela ay walang kahirap-hirap na nabaklas iyon ng lalaki. Mula sa kanyang likod hanggang sa kanyang puwitan ang ginawang punit ni Rod.
“Rod, ano ba!”
Parang walang narinig ang lalaki. Isinabunot nito ang isang kamay sa kanyang buhok at pinupog ng halik ang kanyang panga. Dumidila at kumakagat-kagat ang lalaki roon. Dahil sa pagluwag ng damit at tuluyan nang nalalaglag sa sahig ang tela. Tumambad kay Rod ang suot nyang strapless bra na kulay balat at panty na ganoon din ang kulay. Pati ang kanyang bra ay pinunit din nito.
Napatili si Agatha nang itulak sya ng lalaki sa kama. Agad binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Galit na galit si Rod, sinamahan pa na nakainom ang binata na hindi naman nito ginagawa. Malamang ay hindi nito alam ang ginagawa dahil nabulag na ito ng galit at nasa ilalaim ngayon ito ng alak. Galit saan? Sa pang-aakit kay Rod? Hindi ba dapat na may karapatan din syang magalit dahil kung tutuusin ay nadehado rin sya. Puso at katawan ang naitaya nya sa pesteng pagmamahal sa lalaking nagsasamantala sa kanya ngayon.
“Rod, stop!”
“Bakit? Ngayon ka pa aarte huh, Agatha? ginagawa naman natin 'to di ba? Wala lang naman sa'yo. Bakit nag-iinarte ka pa ngayon? Mahal mo kamo ako, pwes patunayan mo!”
Muli syang binusabos ng halik ni Rod. Sa pagkakataong ito ay ang kanyang bibig na ang pinagdiskitahan ng lalaki. Marahas ang gawi ng paghalik nito na umaabot pa sa puntong nalalasahan na ni Agatha ang alak at dugo.
Napahagulgol na si Agatha. Kung ipagpapatuloy ni Rod ang ginagawa nito sa kanya na taliwas sa kanyang kagustuhan ay lalabas na ginahasa sya ng lalaki. Mahal nya si Rod. Kung gusto nitong magpari ay hindi na sya hahadlang. Sa nangyayari ngayon ay baka habambuhay nitong pagsisihan at dalhin sa konsensya ang ginagawa sa kanya. Kaya sa halip na ganoon ang maging paniniwala ng lalaki ay iniba ni Agatha ang sitwasyon.
Ginantihan ni Agatha ang ginagawa ni Rod sa kanya. Hindi na sya pumalag at buong pusong nagpaubaya na sya. Mula sa marahas na paghalik, haplos at pag-ulos, lahat ay tinumbasan ni Agatha, wag lang maisip ni Rod na hindi nya ginusto ang ginawa nito sa kanya.
Hanggang sa matapos ay puro karahasan ang nadama ni Agatha. Mabilis na bumangon si Rod sa ibabaw nya at nagsuot ng damit. Sya naman ay marahang naupo at tinakip ang dalawang braso sa dibdib saka itinupi ang mga hita.
“Umalis ka na, Agatha. Wala na tayong dapat pag-usapan. Tama na na pinagkaisahan nyo ko ni Mama. Para ano huh, Agatha? Para paglaruaan ang damdamin ko? Para sagarin ang kabaitang ipinapakita ko? Sabagay, kahit papaano, dapat pa rin akong magpasalamt sa'yo, kasi nag-enjoy ako sa bakasyon ko.”
Nang makapagbihis ang lalaki ay naupo ito sa kama at ipinantay ang mukha sa kanyang mukha. Pinahid nito ang luhang naglalandas sa kanyang mga mata. Wala na ang dating maamong mukha ng kababata. Nakangisi na ito at parating may nakakabit na malisya ang mga mata nang paraanan ng tingin ang kahubaran nya.
“You know what, Agatha? Hindi na pala ko magpapari,. Hindi ko na itutuloy. Naisip ko kasi na mas masaya maging malaya. Makakilala ng mga katulad mo, yung mga katulad mong kapit sa patalim para sa pera. Sinabi na sakin ni Mama na malaki pala ang utang mo sa kanya, at ito ang hiniling nyang kapalit.”
Sandali itong huminto. Kung lungkot man ang nakita nya sa mga mata ni Rod ay baka namamalikmata lamang sya. Ibang Rod na ang nasa harapan nya ngayon.
“Nangangarap ka na ba na sana ako ang mapapangasawa mo at magkakaanak tayo? Huh, Agatha? Sorry, pero sisirain ko ang pangarap mong yon. Hindi ikaw ang babaeng ipapalit ko kay Joan. Ikaw ang kabaligtaran ng lahat ng meron kay Joan. Walang kahit sino ang makakapantay sa pagmamahal ko sa kanya.”
Tumayo na si Rod at tumalikod. Bago pa ito tuluyang makalabas ay nagsalita na sya.
“R-Rod... kung... kung dumating man yung panahon na napatawad mo na ko at mawala na ang galit sa puso mo, sana maisip mo na ang naging kasalan ko sa'yo... ay yung mahalin ka at ibigay ang lahat sa'yo.”
Natigilan man sandali ang lalaki ay agad din namang nakabawi. Wala na itong sinabi at tuluyan nang lumabas ng silid. Doon na itinodo ni Agatha ang kanyang pag-iyak. Nakakatuwa lang na wala nang luhang lumalabas sa kanyang mga mata. Masakit ang katawan nya dahil sa pagniniig nila ni Rod, pero wala nang mas sasakit pa sa puso nya paulit-ulit nitong winasak at hinamak.
>>>>>>>>>>>>>Rod...
Itutuloy...