Chapter 17

1519 Words
“Ang hirap talaga mag-move on, lalo na kung hindi naman naging kayo.”   “Psstt, uy!” saway ni Georgina kay Maggie. “Isubo mo nga 'to nang matahimik ka!” sabay pasak nito ng puto sa bibig ni Maggie na nakaawang. Nang marealize ang sinabi ay napatakip ito sa bibig at sapilitang nilulon ang puto.   “Halata na ang tyan mo, George!” pag-iiba ni Agatha sa usapan. Kahapon pa sya nakabalik sa apartment, at naikwento na nya sa dalawa ang nangyari. Ngunit naungkat na naman iyon kaninang umaga dahil sa text massage sa kanya ng Ninang Rej na nangangamusta. Tama naman si Maggie, ang hirap talagang mag-move on. Ang masaklap don, hindi naman naging sila ni Rod.   Maya-maya ay dumating si Adam, ang asawa ni Georgina. Kasama nito ang pinsan ni George na si Cedric, at ang batang si Bless. Hindi nya maiwasang makadama ng inggit sa nakikitang pag-aasikaso ni Adam sa asawa. Parati itong nakahimas sa nakaumbok nang tyan ni Georgina, nakahalik sa buhok, at nakaalalay sa bawat kilos ng kaibigan.   “Buti pa si George, may forever na. Tayo, nganga na lang forever.”   Nasapo ni Agatha ang dibdib sa gulat dahil sa biglang pag-sulpot ni Maggie sa gilid nya. “Napapadalas ang paghugot mo ah,” natatawang sabi nya kay Maggie.   “Ewan ko beh, tatanda na ata akong dalaga. Minsan gusto ko nang patusin yung mga estudyante kong nagpaparamdam sakin eh.”   Napahalakhak na si Agatha. Agad naman syang napatakip ng bibig nang matuon sa kanila ni Maggie ang atensyon ng mga tao sa sala. Nahuli pa nya ang pasimpleng tingin ni Cedric sa katabi nyang si Maggie na pulang-pula ang pisngi... dahil sa blush-on.   “Wag ka ngang ano dyan, Mags! Beinte-otso ka pa lang oh. Isa pa... ayon oh.” Inginuso nya si Cedric. “Nakita ko kung paano ka nya tignan kanina.”   “Tss, asa naman ako dyan. Uy, naikwento ko na ba sa'yo? Nung wala ka rito, may naghahanap sa'yo. Katrabaho mo siguro yun, daming tattoo eh. Pero in fairness, ang gwapo.”   Napaisip si Agatha. Sino naman kaya yun? “Ahh... baka si Bon yung tinutukoy mo. Pero parang imposible. May hitsura si Bon, kaso mataba. Di ba sinabi sa'yo kung sino sya?”   “Teka... tsk, nakalimutan ko eh. Pero beh, di mataba yung pumunta rito. Malaki nga ang katawan eh. Tapos mestiso. Kung walang tattoo yun, mas gwapo siguro yun.”   Nilapitan na sila ni Georgina. “Guys, gusto nyo ng Mcdo? Magpapadeliver kami. Anong gusto nyong orderin ‑‑”   “Ayun beh! Mac. Mac yong naghahanap sa'yo!”   Sa narinig ay parang biglang umikot ang paligid ni Agatha. Si Mac? Sa wakas, binalikan na sya ni Mac! Pero parang mas ma-eexcite siguro sya kung si Rod ang babalik sa kanya.    >>>>>>>>>Garlic?! Eww... naiisip pa lang ni Agatha ang bawang ay naduduwal na sya.   “Ayoko, Mac. Wala akong gana. Gusto ko sana leche flan.”   “Leche flan? Sige, gagawa ako. Pero sure ka ba? Di ba nalalansahan ka sa itlog?”   Hanggang ngayon ay alam pa rin pala ni Mac ang mga ayaw at gusto nya. Pinakatitigan ni Agatha ang lalaki sa harap nya. Kunot ang noo nito habang naggu-Google sa cellphone kung paano ang pag-gawa ng leche flan.   Walang nagbago sa mukha ng binata. Matanda lamang ito ng dalawang taon sa kanya. Malinis na ang gupit ni Mac, hindi na gaya noon na may kahabaan ang buhok nito. Sa pakiwari nya rin ay mas pumuti pa ang lalaki. Maganda ang mga mata ni Mac, mukha itong palaging inaantok dahil sa magandang tubo ng pilikmata nito na sinamahan pa ng may kakapalang kilay. Mapula pa rin ang mga labi nito kahit pa madalas ang paninigarilyo ng lalaki.   Ang gwapo talaga ni Rod... Rod?! Gaga si Mac ang nasa harap mo!   Ipinikit-pikit ni Agatha ang kanyang mga mata at iniling-iling ang ulo. Pagdilat ay si Mac nga pala talaga ang nasa harapan nya. Talanding utak ito ah!   “Mac, uwi muna ko. Inaantok kasi talaga ko eh.”   “Ah, okay. Sure. Halika, ihahatid na kita.”   Hindi na rin naman sya nagprotesta. Kahit pa nasa kanya na ang sasakyan ng kapatid na Mazda MX-5 Miata ay hindi nya naman masyadong nagagamit dahil palagi syang hatid sundo ni Mac.   “Uy Mac, salamat huh. Pasensya na, sobrang antok ko talaga.”   Papasok na sila sa loob ng apartment.   “Agatha... mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita.”   “Mac... wag na muna natin pag-usapan yan. Ang mahalaga okay tayo.”   “Okay tayo, pero alam kong hindi na ako ang mahal mo.” Napabuga ng hangin si Agatha. Anong inaasahan ni Mac? Almost three years na silang wala. Anong akala nito, hindi nya alam ang salitang "move on"? Sige nga i-apply mo yang move on na yan sa inyo ni Rod. Pagalit ng utak nya sa kanya.   “Mac, ayoko na sana ungkatin yung pag-iwan mo sakin eh, kasi hindi na rin naman importante, dahil kahit pagbali-baligtarin man ang sitwasyon, iniwan mo pa rin ako nang walang dahilan, o ano nga bang tunay na dahilan?”   “Binayaran ako ng Daddy mo.”   Kulang ang salitang "nabigla" sa natuklasan ni Agatha. Ang daddy nya ang dahilan ng pag-iwan sa kanya ni Mac? Pero kung talagang mahal sya ni Mac, hindi dapat nito tatanggapin ang halagang inaalok ng kanyang ama.   “At tinanggap mo naman. Ang kapal pala talaga ng mukha mo, noh? Sasabihin mo ngayon sakin na mahal mo ko matapos mong tanggapin ang perang binigay ni Dad sa'yo?!”   “Dahil ginamit ko ang pera sa pagnenegosyo. Naiisip ko na baka kapag may napatunayan na ko sa pamilya mo, matatanggap na nila ko. Nagtagumpay na ko, Agatha--”   “Dahil sa pera ni Dad.”   “Pero kayang-kaya ko nang ibalik yon, kahit triple pa!” giit ni Mac.   “Kahit na, Mac! Paano kung sinusubukan ka lang ni Dad kung tatanggapin mo ang pera? Nangangahulugan lang yon na mas importante pa sa'yo ang pera kesa sakin.”    “Patawarin mo ko, Agatha, kung nabulag man ako ng ambisyon ko na mapantayan ang estado ng buhay nyo. Sobrang mahal na mahal kasi kita, kaya yun lang ang nakita kong paraan para magkaroon ng magandang buhay at maibigay din sa'yo.” Kita nya ang pagiging sinsero sa mga mata ng binata.   “Mac--”   “Alam ko, Agatha, na may iba ka nang mahal. Pero sana, kahit sa huling pagkakataon, hayaan mong gawin ko 'to sa iyo.”   Hindi na nakapag-protesta pa si Agatha nang sakupin na ng bibig ni Mac ang bibig nya. Napaka-banayad ng ginawang paghalik sa kanya ng lalaki. Hindi na rin naman sya pumalag, pero hindi nya rin ginantihan ang halik nito sa kanya. Nang hindi nakakuha ng pagganti mula sa kanya ay huminto na rin naman ang binata. Mariin syang hinalikan nito sa noo at saka tumalikod na at sumakay sa sariling sasakyan.   Pumasok na sya sa bahay, sapo ang bibig. Nasusuka sya at kailangan nyang marating ang lababo.    >>>>>Pagsisi, palagi ka tuloy nasa huli!” sa inis ni Rod ay napasabunot sya sa sarili -- dahil sa kakornihan -- at saka sinipa ang lata sa kanyang harapan.   TOK!   “Aray! Punyeta naman oh!”   Napamulagat si Rod nang makita ang babae sa di kalayuan. Sapo nito ang noo na tinamaan ng latang sinipa nya.   “Miss, sorry! Hindi ko sinasadya.” Nilapitan nya ang babae at pilit inalis ang kamay  na nakatakip sa mukha nito. “A-Agatha...”   “Rod...”   Pigil ni Rod ang kanyang paghinga. Muli, gaya ng una nyang masilayan ang mukha ni Agatha nang sunduin nya ito sa daungan ng barko, naramdaman na naman nya ang kakaibang pagtibok ng kanyang puso.    Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD