Kulang na lamang ay liparin ni Rod ang taas ng building kung saan nakadestino ang kanyang condo. Matagal na nyang pag-aari ang condo na yun. Yun nga lang ay hindi nya iyon masyadong nauuwian dahil gusto ng kanyang ina na doon sya umuwi palagi sa kanila.
Nagmamadali sya dahil naghihintay na sa kanya roon si Agatha. Halos kulang-kulang dalawang buwan din silang hindi nagkita ng dalaga. Mula nang malaman ng nobya ang lugar na iyon ay palagi nang naroon ang dalaga upang maglinis. Sa wakas hindi na burara ang nobya nya!
Nanginginig ang kamay na isinuksok ni Rod ang key card. Humahalimuyak sa paligid ang pinaghalu-halong amoy... amoy ng bulaklak, scented candles, at amoy... amoy sekswal.
“Agatha...” tawag ni Rod sa paligid. Una nyang tinungo ang kusina. May natatakpang pagkain doon, at may wine din na nakalagay sa isang bucket na puno ng yelo. May scented candles din sa gitna ng lamesa. Ngunit walang Agatha na nakaupo roon.
Sinubukan nya ring puntahan ang banyo, wala. Hinuli nya ang kwarto. Doon nya narinig ang isang malamyos na tinig na nagmumula sa CR ng kwarto. Dahan-dahan na nilapitan ni Rod ang pinto. Bahagya nyang isiniwang iyon.
Agad kumalat ang init sa kanyang katawan nang makitang nasa bathtub si Agatha. Nakapikit ito habang mahinang kumakanta. Nakalublob ang katawan ng dalaga, at tanging bula lamang ang tumatakip sa malusog nitong dibdib.
Tuluyan nang pumasok si Rod ng banyo. Naramdaman naman nito ang kanyang prisensya at nagmulat ng mata. Namumungay ang mga mata ni Agatha.
“Mas maaga ka kesa sa inaasahan ko, Rodrigo...”
Napalunok si Rod nang umahon mula sa tub si Agatha. Puno pa rin ng bula ang katawan ng dalaga. Wala itong kahit anong saplot sa katawan. Hindi rin naman ito nag-abala pa na takpan ang sarili. Mataman lamang itong nakatitig sa kanyang mga mata.
Hindi nya tanda kung sino sa kanila ang unang lumapit. Natagpuan na lamang nya ang sarili na mariin nang hinahalikan ang mga labi ng nobya. Ang isa nyang kamay ay nakasapo sa ulo nito, habang ang isa naman ay nakadakot sa hubad na pang-upo nito. Si Agatha naman ay mahigpit din ang kapit sa kanyang magkabilang balikat. Tila ba roon ito makakahugot ng lakas.
Dalawang kamay na ang pinangsapo ni Rod sa pang-upo ni Agatha upang hikayatin itong umangkla sa kanya. Ganon nga ang ginawa ng nobya.
“Rod... mababasa ang damit mo...”
“Hayaan mo, huhubarin ko rin naman yan...”
Naglakad na sya patungo ng kama, habang patuloy pa rin ang pagpapalitan nila ni Agatha ng mapusok na halikan. Nang makarating ay marahan nyang inilapat ang likod nito sa malambot na higaan, hindi alintana kung mabasa man iyon dahil sa basa pa ring katawan ng dalaga.
Unti-unting gumapang ang kanyang labi sa katawan ni Agatha. Walang bahagi ng katawan nito ang pinalampas nyang hindi mahalikan, hanggang sa marating nya ang sentro nito, ang pagitan ng mga hita.
Napasabunot ang nobya sa kanyang ulo nang mag-umpisa nang magparusa ang kanyang dila sa p********e ng nobya. Sumisipsip, kumakagat at tumataas babang dila nya.
“Rod!!! Ow... argh... ahhh...”
Halos di na masabi ni Agatha ang mga tamang salita. Nang manginig ang kalamnan nito ay alam na ni Rod na iyon na ang hudyat. Puposisyon na sana sya sa gitna nito nang awatin sya ng dalaga.
Bumangon ito sa pagkakahiga at sya naman ang hinatak upang mapatihaya. Sumampa sa kanya ang nobya at mapang-akit na hinubad ang kanyang polo.
Nangingiti si Rod. Siguradong magugulat si Agatha sa makikita nito sa kanya.
“Oh! My! Gosh! Roddd!!!”
Hinatak ni Rod ang kumot at binalot ang katawan ni Agatha. Nakatakip ang dalawang kamay sa mukha nito. Kung umiiyak o tumatawa, hindi nya rin alam.
“Uyyy... umiiyak ka ba? Hindi mo ba nagustuhan?” nag-aalalang tanong nya rito nang tuluyan nang yumugyog ang mga balikat nito.
“K-kainis ka!!! akala ko ba ayaw mo sa tattoo?!”
Niyakap nya si Agatha at hinagkan sa noo. Isa lang ang napagtanto ni Rod, mahal na mahal nya talaga si Agatha. Si Agatha lamang ang nag-iisa sa puso nya, kaya naman ipina-tattoo nya sa kanyang dibdib ang pangalan nito.
“Mahal na mahal kita, Agatha. Kung pwede lang na sa bawat parte ng katawan ko itatak ang pangalan mo, gagawin ko...”
Nagpunas ng luha ang nobya. “Talaga? Bakit di mo gawin?...”
Napangiwi si Rod. “Someday, baby. Ito nga lang maluha-luha na ko sa sakit eh. Di mo ba nagustuhan?”
“Gustong gusto ko, Rod... I Love You, Too. Akala mo ikaw lang ang may surprise? Ako din meron.”
“Anong surprise ng girlfriend ko, bukod sa mas lalong sumeksi mong katawan?” Sinapo nya ang dibdib ng nobya. “Mas lalo atang lumaki 'to ah.”
“Hindi lang yan ang lumaki sakin, Rod...”
Sa pagtataka nya ay umalis na si Agatha sa kanyang kandungan. Tinungo nito ang cabinet at may kinuhang sobre doon. Muli itong lumapit sa kanya at muling kumandong sa kanyang hita. Hinaplos ni Agatha ang tattoo sa kanyang dibdib.
“Sobrang sakit ba?” bulong ni Agatha.
“Wala nang mas sasakit pa kapag nawala ka,” ganting bulong ni Rod, at dinampian ng magaan na halik ang labi ng nobya. “Ano yang hawak mo.” Kinuha nya na rito ang sobre at binuksan iyon.
Naguguluhan man si Rod sa nakikita ay may ideya na sya. Isang black and white na larawan, isang kulay puting parihabang bagay na may dalawang pulang guhit sa gitna, at may kalakip na papel na may lagda ng doctor. Nang basahin ni Rod ang nilalaman ng papel ay doon nya nalaman na buntis si Agatha nang fourteen weeks.
Napatulala sya kay Agatha. Hindi nya malaman kung ano ba ang tamang reaksyon sa kanyang nalaman. Sya dapat ang mangsusorpresa sa dalaga, ngunit sya ang labis na nasurpresa sa ibinalita nito sa kanya.
Naramdaman na lamang ni Rod na marahan nang hinahaplos ng babae ang kanyang pisngi. Hindi nya namalayang basa na pala iyon ng luha.
“My God, Agatha, salamat... mahal na mahal kita. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya, kagulat at... basta di ko ma-explain... salamat...”
“Mahal na mahal din kita, alam mo yan. Kahit ako nagulat din. Kaya pala sa Cebu pa lang palagi na kong antok at naghahanap ng leche flan. Haha.”
“Kailan at saan kaya nabuo si baby?” Muli nyang pinagmasdan ang larawan. Anino’y buo na ang mukha ng larawang kanyang pinagmamasdan, kahit pa isang itim na bilog lang naman ang kanyang nakikita.
“S-sa hot spring. Sa Baguio siguro...”
Napaisip si Rod. “Oo nga noh. Nakakagigil ka kasi nung mga oras na yun eh.”
Ibinaba nya ang kumot na nagsisilbing tabing sa dibdib ni Agatha. “Kaya pala mas sumeksi at mas lumaki 'to.” Pinisil nya iyon at matunog na sinipsip ang u***g.
Nang mga sandaling iyon ay tuluyan nang naganap ang kanina pa dapat naganap.
>>>>><<<<<
“Rod! Umayos ka huh. Kapag ako nangudngud dito, yari ka sakin.”
“Wala ka talagang katiwa-tiwala sa kin noh. Hahayaan ba naman kitang masaktan?”
Hindi malaman ni Agatha kung saang lupalop ba sya dinala ng nobyo. Malayu-layo rin ang byinahe nila. At pagkababa nga ng sasakyan ay agad na syang piniringan ng kasintahan. Bukod sa kaunting batu-bato na kanina pa nila nilalakaran ay wala na syang ideya kung saan ba talaga iyon, hanggang sa maramdaman nyang huminto na sila. Tinanggal ni Rod ang piring nya sa mata. At dahil kanina pa nakabalot ang mga mata nya ay malabo iyon sa unang pagmulat nya.
“Open your eyes Tata,” bulong ni Rod.
Muli nga nyang iminulat ang mga mata. Laking gulat nya sa nakita. Nasa overlooking sila ni Rod. At dahil gabi na, ang mga ilaw sa ibabang bahagi ng lugar ay mistulang mga insektong kumukutitap. Nang tumingala naman sya ay nakita nya ang malawak na kalangitan. Punung-puno ng mga bituin ang langit. Para mga dyamanteng kumikislap at sadyang napakagandang pagmasdan.
“Tumingin ka sa paligid, Tata...” muling bulong ni Rod. Yumakap ito sa kanya mula sa likod.
Namilog ang kanyang mga mata nang isa-isang magliparan ang mga wish lantern.
“Wow... ang ganda!”
“Hintiyan mo lang...”
Napadilat nang malaki si Agatha nang ang sumunod na liparin sa ere ay isang mahabang banner. Tatlo ang nakakabit na wish lantern dito. Bumilis ang t***k ng kanyang puso nang mabasa ang nakasulat sa papel. Napatakip sya ng bibig at naramdaman ang pamamasa ng mga mata.
‘WILL YOU MARRY ME, AGATHA?’
Kinalas nya ang pagkakayakap sa kanya ni Rod at hinarap ang lalaki. Nakangiti ito at kagat-kagat ng ngipin ang isang singsing. Kinuha ni Rod ang sising mula sa sariling bibig. Lumuhod ito, kinuha ang kanyang kamay at saka hinalikan.
“Will -- erhm... Will you... marry me... Agatha Samonte?” nanginginig na tanong ni Rod sa kanya.
“No!” Naiiyak na rin sya. Gulat ang nakita nya sa mukha ni Rod. “No one can stop me from marrying you!”
“Pinakaba mo ko! Ibig sabihin ba nyan YES ang sagot mo?”
“YES nga, Rodrigo De Jesus!”
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Rod at agad isinuot sa kanyang daliri ang singsing. Nang makatayo ay agad sya nitong siniil ng halik.
“Wala nang atrasan.”
“Para sabihin ko sa'yo, wala akong inatarasan!” sya naman ang humalik sa lalaki. Tumagal din nang segundo ang palitan nila ng halik, hanggang sa makarinig si Agatha ng palakpakan sa paligid.
Tumambad sa kanya ang buong pamilya nya. Ang Daddy at Mommy nya, ang Kuya Arthur nya, at syempre ang Ate... este Kuya Marvin nya, kasama ang nobyo nito na si Bong. Nandun din ang paborito nyang Ninang Rej at Ninong Rodolfo na naka-thumbs up pa. At mawawala ba ang mga kaibigan nya? Nandun din sina Goergina at Maggie, kasama sina Adam, Cedric, at ang cute na cute na si Bless.
Muli nyang niyakap ang kanyang future husband at binulungan.
“Peace be with you, po. Muntik nang maging PRIEST BE WITH YOU!” biro nya rito.
Humalakhak si Rod at muli syang dinampian ng halik sa labi.
Itutuloy...